Bakit mo ako iniwan?

1.7K 1 0
                                    

By Darluew Ricon Nobles

O aking mahal naaalala mo pa ba?
Noong tayo ay unang nagkita,
Ako'y namangha sa taglay mong ganda
Di na nagatubili at nilapitan ka
Tinanong ang pangalan at muli ay nabigla,
Nang malaman kong mabait ka pala.

Di nagtalagal at tayo'y naging magkaibigan
Hindi makapaniwala sa pangarap na nakamtan
Ang makapiling ka ang lagi kong inaasam
Mapasaya ka lang, wag sanang lumisan
Ngumiti ka ang tangi kong hiling
Pagkat simula palang ay mahal na kita giliw

Minahal kita di lamang dahil maganda ka
Minahal kita di lamang dahil mabait ka
Minahal kita sapagkat mahal kita
Mahal kita sapagkat minahal na kita
Mahal kita sa kasalukuyan
Mamahalin kita magpakaylan man

Dumating ang araw na nakalimutan ang ikaw at ako.
Sapagkat ako'y binigla ng sinabi mong ako rin ay mahal mo
Di ko namalayan ang ikaw at ako ay naging tayo
Napakasaya ko sahil sa wakas OO ang sinagot mo
Naging Tayo na hindi magsasawang magmahalan
Tayo na inaasam, simula't simula pa man

Ngunit mahal, ano ang nangyari?
Ang dating ngiti, ngayo'y puro na pasakit
Ang dating inaasam parang untiunting nawawala
Ang dati nating pagsasama, hanggang dati nalang ba?
Mahal na mahal kita higit pa sa lahat
Ngunit ang dating tamis ay tila untiunting umalat

Sandaling hindinghindi ko malilimutan
Ng malaman na ako'y iyong iiwan
Mahal bakit ka ba nagkakaganyan?
Sa lahat ng pinagdaanan, ito lang ba ang katapusan?
Alam kong alam mo na ika'y aking minamahal
O aking sinta, bakit ako'y iyong iiwan?

Umiyak ang puso kong iyong sinugatan
Umiyak sa pagmamahalang ngayo'y iyong nalimutan
Umiyak ang mga matang hindi naman sanay lumuha
Ngunit sa lahat ng pagdurusang pinasan
Di mawala ang pagmamahal sa puso kong nasaktan
Mahal parin kita kahit tila alam kong wala na

Alam kong wala na ngunit patuloy akong umaasa na pwede pa
Na pwede pa ang pagmamahalang tila kumupas na
Na pwede pa bumalik ka kahit alam kong hindi na
Na pwede pang ipagpatuloy ang istoryang tinapos mo na
Umaasa ako na pwede pa kahit alam kong nilimot mo na
Kinalimutan na sapagkat nagmahal na ng iba

Mahal bakit mo ako iniwan?
Bakit mo winasak ang pusong nagmahal lang naman?
Bakit mo pinaiyak ang mga matang walang nakikita kundi ikaw lamang?
Bakit mo iniwan ang taong ikaw ang laman ng isipan?
Mahal na mahal kita at mamahalin at mamahalin parin kita
Ngunit mahal, bakit mo nga ba ako iniwan?
Bakit mo ako iniwan?

Hugot Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon