TAYO

321 0 0
                                    

TAYO
RA Alcantara

TAYO, naalala ko yung nakaraan
Ng magkasalubong kita sa daan
Hindi inaasahang nagkabangaan
Nag sorry
ako, gumawa ng paraan
Gamit mo'y nahulog pinulot naman
Panandalian nakatitigan, at nag ngitian

TAYO, hindi na maalis sa'king isipan
Bakit ba sadyang ito'y napapanaginipan
Mga problema ko'y sadyang nalilimutan
Dahil kaysarap talaga lahat balikan
At ulit-ulitin kailan ba mararanasanan
Na sakaling muling magkasalubungan

TAYO, apat na letrang inspirayon
Mula ng magkakilala sa araw na yon
Naging pangalan mo ang determinasyon
Sa bawat mga sandaling pagkakataon
Kaya't palaging hinihiling sa panginoon
Sana'y magkita ulit sa tamang panahon

TAYO, biglang natagpuan facebook mo
I-naad kita at dasal na ma-accept ako
Nag message para magpapansin sa iyo
Lakas loob kong sabihing mag "hello"
Nagreply ka at sinabing "Sino ka po?"
Syempre nagpakilala sinabi ang totoo

TAYO, sumaya na oras ko'y nakumpleto
Dun nanligaw at nagpalitan ng "I love you"
Kahit pag iibigan namin ay magkalayo
Subalit dala ng pagod ako'y nahilo
Nakatulog dala rin ng pagod sa trabaho
Pag gising at pag mulat ng mga mata ko
Tama sigurong nagising akong ganito
Akala ko'y makakarating hanggang dulo
Nanaginip mali pala agad magseryoso
Siguro nga imahinasyon lamang maging TAYO.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hugot Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon