Kapag Sinabi kong Mahal kita

323 3 0
                                    

By Juan Miguel Severo
Kapag sinabe kong mahal kita, ang ibig kong sabihin salamat at nandyan ka
Kapag sinabe kong mahal kita, ang ibig kong sabihin hinahanap hanap parin kita
Kapag sinabe kong mahal kita, ang ibig kong sabihin napapagod din ako, nanginginig ang aking mga kalamnan, nanlalambot ang aking mga tuhod, nangangawit ang aking mga braso Dahil kapag sinabe kong mahal kita, ang ibig kong sabihin pagpapaguran ko ito

Hihintayin kita, susundan, susuyuin
Dahil ang aking "mahal kita" hindi nagtatapos sa mahal lang kita
Ang aking "mahal kita" ay mayroong pagtanggap na ito, ito ang hirap na kalakip ng pag ibig, yakapin mo
Kapag sinabe kong mahal kita, ang ibig kong sabihin malupit ang mundo at mamahalin ko ang lahat ng kakampi mo

Kaya't hayaan mong dumating ang mga bagyo
Hayaan mong malusaw ako sa araw
Hayaan mong kumbinsihin kita, na kakampi rin ako

Ikaw, na hantungang inaasam
Ikaw, na kwentong hindi pagsasawaan
Ikaw ang sandali, na parating inaalala
Ikaw ang kailangan kong pahinga
Ikaw ang paghinga
Kapag sinabe kong mahal kita, ang ibig kong sabihin masaya ako dahil mahal, gaano man kahaba ang araw, uuwi ako sayo.
#juan miguel severo

Hugot Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon