Chapter 6: Blood Bath, Blood Fight

136 1 0
                                    

Kinabukasan. Pag dating ko sa loob ng school. Natanaw ko si Matthew at Rence sa labas ng room namin. Siguradong ako yung inaabangan nila. Papasok na sana ako sa room ng biglang hinila ni Rence yung bag ko paatras at dinala nila ako sa katabing room na abandonado. Pag pasok naming tatlo ni lock ni Rence yung pinto. 

"ALAM MO BA KUNG ILANG LIGO YUNG GINAWA KO PARA LANG MAWALA YUNG AMOY NG BULOK NA ITLOG DITO SA KATAWAN KO HA?" nagwawalang sinigaw ni Rence.

Habang papalapit na sila Rence at Matthew sakin. Hinugot ko yung phone ko at mabilis akong nag type ng: "Emergency. Puntahan nyo ko sa katabing room natin. Dali!" at nang hinahanap ko na yung pangalan ni Julian at Gino sa contacts para mag send, biglang hinablot ni Matthew yung phone ko at ibinato sa malayo. 

"SO FEELING MO MA ANGAS KA NA SA GINAWA MO? AT FEELING MO KAYA MO NA KAMI? HA?!! SUMAGOT KA NGA!" galit na galit na sinigaw ni Matthew.

Nakasandal nako sa may bintana. Sa sobrang inis ni Matthew tinaas niya yung kamay niya. Alam ko na susuntukin na niya ako. Pumikit nako kasi alam kong masakit yun, at hindi pako nasasapak. Except don sa time na na uppercut ako sa Puzzles. At except don sa time na nasampal ako ni Rhian. Okay, so nasapak nako, pero masakit talaga masapak at masampal sa muka kaya pumikit nako.

Nagkaroon ng pause for a moment at yung bintana yung sinuntok niya, hindi ako.

Pagdilat ko, nakita ko yung kamay ni Matthew. May mga bubog at parang dinawdaw sa isang container ng dugo. Agad na sumirit yung mga dugo sa kamay niya at pumatak sa puting swelo ng katabi naming classroom. Nilabas ko yung panyo ko at tinakpan ko agad yung kamay ni Matthew. Hinawakan ko yung braso niya, nanginginig siya. Ang siga siga takot naman pala sa dugo! 

Dinala namin ni Rence si Matthew sa clinic. Ang maitim na si Matthew pumuputi na dahil sa pamumutla. Pag dating namin sa clinic, nakita agad kami ni Nurse Cherry. Sumisigaw sa sakit si Matthew habang tinatanggal ni Nurse Cherry yung mga maliliit na bubog sa kanang kamay niya. 

 --------------------- Makalipas ang ilang minuto ---------------------

Nung nililinis nalang yung mga sugat sa kamay ni Matthew, biglang sumugod si Miss Terrror, este Terry sa clinic. Nalaman niya na siguro agad yung nangyari.

"MR. CHAVEZ! MR. DE SILVA! AND MR. AQUINO! ANO NANAMAN BA TO? THIS IS THE SECOND TIME NA NA OFFICE KAYONG TATLO. FIRST THE BUCKET OF WATER, NOW THIS? ANO NANAMAN BA NANGYARI?"  parang papatay si Miss Terror. Terror na talaga.

"Ano kasi miss.... uhm...." hindi makasagot si Rence.

"BAKIT HINDI KA MAKASAGOT NG DIRETSO?"

"Saglit lang po kasi. Kinakabahan po ako"

"HINDI NYO BA ALAM NA PAG NAKA DALAWANG OFFICE NA KAYO PWEDE NA KAYO MASUSPEND FOR 1 OR 2 DAYS?"

Habang mainit ang usapan ni Miss Terror at Rence, napatingin ako kay Matthew. Napapapikit nalang siya. Siguro naisip din nya kung anong gulo tong ginawa niya. Baka hindi naman talaga masama ugali ni Matthew. Baka naman kulang lang talaga to sa kaibigan at sa pansin. Baka may problema to sa bahay kaya ganito. O baka naman wala lang maka intindi sa kanya.

"Ganito po kasi yung nangyari. Pinagpapasahan po namin ni Rence yung cellphone ni Matthew. Nung nasalo ko po yung phone ni Matthew, biglang nakipag agawan sakin si Matthew. Sa paglalaban ko po, natulak ko ng malakas si Matthew tapos nadiinan niya yung sandal ng kamay niya sa bintana kaya po nabasag yung bintana. I take full responsibility po sa nangyari Miss Terry. I'm sorry." I lied. Hindi ko alam kung bakit.

Napadilat si Matthew sa narinig niya at napatingin siya sakin. 

"Is this true Mr. De Silva?" tanong ni Miss Terror.

The Life Of JaredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon