Chapter 16: Buhay Ni? Buhay Nino?

64 0 0
                                    

3:48pm na at nakasakay ako sa LRT, may kasabay akong tatlong tao. Tatlo lang ang sakay ng LRT. Isang babae na nakaupo, pamilyar ang muka niya, parang nakita ko na siya sa TV.  Isang lalake na nakatalikod at nakatayo malayo sa akin. May spada siya sa likod niya at napaka talas nito. May isa pang babae na nakaupo malayo sakin, nagulat ako kasi wala siyang mga paa. Hindi ko nalang pinansin to at nilakasan ko nalang ang volume ng music sa iPod ko.

Tumingin ako sa labas ng LRT at hindi ko napansin na nasa dagat pala kami. Bigla akong nawala sa LRT, nakasakay ako sa isang truck na umaandar ng sobrang bilis. Isang truck na kulay violet. Teka truck sa dagat? Ahh, sakay sakay pala ng barko ang truck na tinatayuan ko. Tumayo yung babaeng naka hoodie at tumalon siya sa dagat. Naging pula ang dagat at nag yelo ang barkong sinasakyan namin. Humarap sakin yung babaeng walang paa at tinuturo niya ako. Akala ko ako yung tinuturo niya, lumingon ako sa likod ko at malapit na pala sakin ang lalakeng may matalas na spada.

Naka maskara siya at ang maskara niya ay ang muka ni Boy Abunda. Palapit na siya ng palapit sakin. Lumingon ako at nawala na yung babaeng walang mga paa. Tumumba ako sa pagkakatayo ko at pag dilat ng mata ko ay sasaksakin nako ng lalakeng naka maskara na Boy Abunda kaya muli akong pumikit. Pag dilat ko ng mga mata ko, panaginip lang pala. 

Ang weird ng panaginip ko. Sobrang weird lalo na yung part na akala ko nasa LRT ako tapos bigla akong napunta sa truck na nakasakay sa barko. 7:25am na pala..... isa lang ang ibig sabihin nito... LATE NAKO!!! Agad akong bumangon at nagsipilyo. Sobrang nagmamadali nako dahil siguro nag simula na sila mag take ng first exam, hindi pa naman ako nakapag review ng maayos kagabi kasi kumain kami sa labas! Nakalimutan ko ata kasi mag alarm!

Binilisan ko ang pagligo ko at hindi nako kumain. Umalis agad ako ng bahay at tumakbo ako papunta sa sakayan ng mga jeep. Nakalimutan ko pang ibutones ang polo ko sa sobrang pagmamadali. Pag minamalas ka nga naman, umulan pa! Buti nakasakay na agad ako at hindi ako inabot ng ulan. Inayos ko ang sarili ko habang nasa jeep ako at kumalma nako. Nakinig nalang ako ng music, sakto umuulan, feel na feel mo mag senti music pag ganito. 

Tuwing sinusuot natin ang mga earphones natin ang buhay natin biglang nagiging music video ana? Kahit mapa party, senti o kahit ano pang klase ng music. Nasa Muzon nako at muntikan ko pa makalimutan magbayad. Inaabot ko na yung bayad ko pero walang nag aabot ng kamay nila para mag abot ng bayad sa driver. Nakakainis yung mga ganitong moment.

"Manong walang gusto mag abot. MANONG CATCH NA LANG!" sabi ko sa driver.

May nakarinig ng sinabi ko at inabot narin ang bayad ko sa wakas. Natakot ata sakin kasi baka akala ibabato ko talaga yung mga barya. Buti narin na may nag abot, kasi kung wala ako din pala mapapahiya Hahahaha! Bumalik nalang ako sa pagiging senti ko hanggang sa makadating ako ng San Martin.

Binuksan ko ang payong ko at bumaba nako ng jeep. Habang naglalakad ako paapuntang San Martin, may natanaw akong ilang tao sa labas ng school. Nang makalapit nako sa gate, sina Lucy, Julian at Chandria pala yung mga taong natanaw ko. Naka silong sila sa covered na gate ng school. Naka lock yung gate ng school at wala yung guard. Bakit kaya?

"Oh Julian bakit nasa labas pa kayo?" tanong ko sa Julian na nakasimangot.

".............................................................." hindi siya sumasagot.

"Huy bakit nga? Lucy, Chandria bakit nasa labas kayo?" 

*Tinuro ni Lucy yung papel na naka dikit sa kabilang gate*

| EXAM DAY | 12:00pm - 5:00pm | 

Ay puta. Ang oras nga pala ng pasok namin ay 12:00pm pa!! Kaya pala wala akong alarm. Kaya pala naka lock ang school gate at wala yung guard sa loob. 8:50am pa lang at nandito na kaming apat sa gate ng school. I guess nakalimutan din ng tatlong to na 12:00pm pa ang start ng exam.

The Life Of JaredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon