Chapter 7: Superhero

127 0 0
                                    

"Teka saan mo ba kasi ako dadalin? Mamaya trip nanamn to ha." sabi ko kay Matthew.

"Hindi ah, magtiwala ka naman sakin this time Jared." 

"Wow ha! Sige nga, pano ako magtitiwala sayo pagkatapos ng mga ginawa mo?"

"Okay so hindi mo pako mapagkatiwalaan sa ngayon, pero wag ka bababa please."

"Syempre di ako bababa! Umaandar tayo gusto mo bako mamatay?"

So  ito ako ngayon, nasa isang sasakyan ng kaaway ko, walang magawa kundi sumama sa kanya. Buti nalang talaga suspended ako bukas, dahil hindi ko masabi kung anong mga pwede mangyari ngayon at mamaya. Makalipas ang ilang minuto tumigil kami sa tapat ng isang bahay at bumaba si Matthew para buksan ang malaking itim na gate...... So dito pala nakatira si Matthew....... 

"Bakit tayo pumunta dito?" tinanong ko si Matthew habang pina-park niya yung sasakyan.

"Basta. Malalaman mo din mamaya kung bakit. So tara na?"

"Matthew pag ito trip nanaman sinasabi ko sayo..."

"Hindi nga, promise. Tara pasok na tayo sa loob ng bahay."

Ang laki ng bahay nila. Kulay puting perlas ang mga pader sa sala at ang kintab ng swelo. Siguro nakaka limang floor wax sila dito kada linggo, parang salamin na sa kintab eh. Dalawang floors yung bahay nila at may matatanaw ka pang swimming pool sa likod ng bahay nila. Umakyat kami sa kwarto ni Matthew, doon daw kami mag-uusap. Pag pasok namin sa kwarto ay umupo ako sa computer chair ni Matthew na umiikot at siya naman ay naka upo sa kama niyang kulay brown.

"Ikaw lang nakatira dito?"

"Hindi ah. Nag out of town kasi mga magulang ko para pumunta sa isang kasal, next week pa balik nila. May mga katulong kami pero twice a week lang sila pumunta ng bahay."

"Ahhh, eh nasan naman mga kapatid mo?"

"Only child lang ako Jared."

"Only child? Kaya naman pala eh."

"Yes, only child. Kaya kita pinapunta dito kasi gusto ko sana mag sorry at magpaliwanag."

"Mag paliwanag? mag paliwanag ng ano?"

"Kung bakit ako ganito..."

"Sige, mahaba ba yang kwento mo?"

"Oo eh, kaya mo ba pakinggan?"

"Sige lang! Kwento mo na yang buhay mo Matthew."

"Hindi naman talaga ako laging ganito. Mabait din akong tao. Hindi lang kasi ako basta basta nagtitiwala sa mga tao kaya ganoon yung approach ko. Noong bata ako, siguro mga 5 years old ako noon, may kaibigan ako. Ka isa-isahang kong kaibigan sa neighborhood namin. Lagi kaming magkasama at hindi kami mapaghiwalay. Hindi ko alam yung tunay niyang pangalan pero ang tawag ko sa kanya "JJ" at ang tawag niya sakin "Matt-Matt". Parang magkapatid na kami sa sobrang close namin. Isang araw sinabi nalang ng mga magulang ko na kailangan daw namin pumunta sa ibang bansa dahil sa nalulugi daw yung negosyo namin doon. Biglaan ang lahat. Iyak ako ng iyak nung bata ako kasi hindi ako nakapagpaalam kay JJ. Akala ko mga ilang araw lang kami sa America, hindi ko alam doon na pala ako lalaki. Sa America lagi akong binubully sa school kasi naiiba ako sa kanila. Hindi ko nagustohan doon. Kahit kailan di ko nagustohan doon. Pagkagraduate ko ng elementary umuwi na kami sa Pilipinas. Excited nako makita ulit si JJ, tuwang tuwa ako noon. Pero pag uwi namin, lumipat na pala ng bahay sila JJ. Sobrang lungkot yung naramdaman ko. Hindi ko na siya makikita. Akala ko aantayin niya ako sa pag uwi ko. Galit ako sa kanya, hindi niya ako inantay. Tapos dumating nako sa highschool days ko, sa San Martin nako nag 1st year highschool at doon ko nakilala si Rence. Simula 1st year siya lang pinagkakatiwalaan ko. Wala ng iba. Kaya lang ako naging ganito kasi natakot ako, ayoko nang ma bully at magtiwala agad. Kaya Jared sana naintindihan mo na kung bakit ako ganito. Sorry talaga sa mga ginawa ko."

The Life Of JaredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon