Chapter 5: It's Payback Time

141 1 0
                                    

Late nanaman ako sa school. Natagalan ako kasi nilagyan ko ng makeup yung black eye ko para hindi makita ng mga teachers. Kaya lang parang wa epek. Hindi kasi ako marunong gumamit ng makeup! Pagbaba ko ng jeep tumakbo agad ako papasok ng San Martin at nakita ko si Chandria na kausap si Kylie at Ashley sa tapat ng gate.

"Pahiram nga lang sabi kami ng homework mo!" utos ni Ashley.

"Dali na Chandria. Ibabalik din naman namin sayo yan!" dugtong ni Kylie.

"Ayoko. Pinaghirapan ko yung homework ko. Sa iba nalang"

"Ahh gusto mo talaga yung pinipilit ka ha"

Sasabunutan na sana ni Ashley si Chandria ng bigla kong pinigilan ang mga kamay ni Ashley. Nagkaroon ng slowmo for a moment at biglang lumabas si Rhian out of nowhere at pinagsasampal si Ashley.

"Walangya ka! Inaaway mo BFF ko! Etong sayo! Eto pa sayo!"

"Rhian tama na. Te...teka lang Rhian" inaawat ko si Rhian.

"Loko ka etong sayo at eto naman sayo!!!!!"

Nasampal ako ni Rhian sa muka.

"OMG. Sorry seatmate! Medyo na carried away lang ako"

"Sampal ka ng sampal wala ka namang tinamaan samin ni Ashley! Nagpapatawa ka ba Rhian?" tanong ni Kylie.

"Che! Diyan na nga kayo. Tara na Jared at Chandria! Whatever!"

Hinatak kami ni Rhian papasok ng San Martin at papunta sa room namin. I swear, ang lakas talaga ni Rhian, ang lakas niya humatak ng kamay. Binaba lang namin ang mga bag namin. Saktong dumating na si Miss Terry at ng pinatayo niya kaming lahat nagkatinginan kami ni Rhian.

"OMG SEATMATE! WHAT HAPPENED TO YOU?"

Sumigaw ng malakas si Rhian at tinakpan niya ang bibig niya ng makita niya muka ko. Nagtinginan lahat ng mga classmates namin. Pati si Miss Terry ay napatingin din sa lakas ng sigaw ni Rhian. Hinawakan ko at tiningnan ko ang kamay ni Rhian. May make up. Nabura niya siguro yung makeup sa mata ko nung nasampal niya ako kanina at di ko na napansin sa pagmamadali namin. 

Dinala kami ni Julian sa office at binigyan kami ng warning for suspension. Akala nila nagsapakan kami kasi ang alam nga nila hindi kami magkasundo. Ang hirap mag explain kapag ayaw ka nila pakinggan. So why bother diba? Nainis lang ako kay Rhian.

"Sorry ah. Muntikan ka na tuloy ma suspended dahil sakin" sabi ni Julian.

"Wala yun. Hindi naman ako nasuspend. Warning pa lang"

"Ako nga mas madaming tama kesa sayo eh! Kitang kita lang yung sayo Hahahaha!"

"Sa sinabi mo parang gusto mong magpasalamat pako eh Hahaha!"

------------------------ 1st Break -----------------------------

Simula nung incident sa Puzzles. Magkakasabay na kami kumain nina Julian at Gino sa canteen. Meron kaming isang table na kinakainan araw araw, mahaba pero tatlo pa lang kami. Sana madagdagan pa kami dito sa table na to bago matapos ang 1st quarter. 

Na realize ko lang na dumadami na yung mga kaibigan ko. Hindi ko talaga inaasahan na mangyayari sakin to. Kumpara mo dati, isang tao lang sinasamahan ko iniwan pako. Nasan na kaya siya?

Nevermind. Ngayon nakakausap ko na si Kevin, Lucy, Rhian, Chandria, Steph at yung pinakilala ni Rhian na chubby,  si Trenny? Tre.. Trac.. Tracy! Isang beses pa lang kasi kami naguusap eh.

"Masakit pa yang mga pasa nyo?" tanong ni Gino saming dalawa.

"Hindi ako makatulog ng maayos sa gabi" sabay facepalm sa lamesa si Julian.

"Ako nga mukang panda na nakalimutan tatakan sa kabila eh" sagot ko.

"Kayo kasi, wag na kayong babalik don. Magulo masyado dun"

"Wag ako sabihan mo, si Julian ang sabihan mo Hahahaha"

Pagkatapos ng recess namin. Pumunta ako sa locker ko para kumuha ng mga libro. Teka bakit bukas yung lock ng locker ko? Hindi ko ata nasara kaninang umaga. Pag bukas ko sa locker ko may sumabog na uleng sa muka ko na nakalagay sa isang container.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"

Nakarinig nako ng mga nagtatawanan sa likod ko, at pamilyar ang mga tawa nila sa akin. Pinunasan ko ang salamin at muka ko at nakita ko nanaman sila, si Matthew at Rence. Mga walangya. Simula last week lagi nalang silang may prank na ginagawa sakin tuwing mag lo-locker ako.

Isang beses nga may lumabas pa na manok dito sa locker ko, maniwala man kayo o hindi, pero totoo. Pinagbibigyan ko lang talaga sila eh. Hinahayaan ko sila. Gusto nila ng ganito, edi bibigyan ko sila ng gawain nila. At kilala ko kung sinong makakatulong sakin pag dating sa mga ganitong bagay. Sino pa nga ba edi si Julian, loko loko yun eh.

Agad kong hinanap si Julian sa lahat ng sulok sa school at nakita ko siya sa court.

"Oh bakit muka kang ita? Naki fiesta ka ba Jared? HAHAHA" tanong ni Julian.

"Gago. Pinagtripan nanaman ako nung dalawa! Tulungan mo nga ako"

"Tulungan ka san?"

"Gusto ko gumanti. Kahit isang beses lang, please Julian!"

"Gusto mo talaga gumanti? kasi may naiisip nakong gawin"

"Oo gusto ko. Ano ba naisip mong gawin?"

Ngumiti si Julian ng ngiti na hindi ko pa nakikita at sinabi niya na sakin yung prank na gagawin namin. Medyo magastos pero sige, game ako! Minsan lang ako gumanti. Pati si Gino idadamay narin namin sa kalokohan na to Hahaha!

---------------------------- After Class---------------------------- 

Nakasakay kami sa kotse ni Gino at may mga tray kami ng bulok na itlog na nakalagay sa likod ng kotse. Kinuha namin yung mga itlog at dahan dahan kaming bumalik sa loob ng sasakyan. Nag park si Gino malapit sa kotse nila Matthew at Rence. Inantay namin makalabas ng school yung dalawang loko at nang papasok na sila sa kotse nila ay pinagbabato namin yung kotse nila ng mga itlog na bulok.

Galit na galit si Matthew at Rence! Nagsisisigaw sila sa galit. Nasuka pa si Rence sa kotse niya sa sobrang baho ng mga itlog na bulok. Kadiri Hahaha! Tawanan kami ng tawanan nina Gino at Julian sa loob ng kotse Hahaha!

Agad agad na humarurot si Gino paalis ng San Martin at nag stroll muna kami bago umuwi. Ang saya. Ang sarap sa feeling makabawi sa mga nanlulubog sayo araw araw! 

The Life Of JaredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon