Chapter 17: Cindy Rivera, Chelsea Avilla

169 0 0
                                    

Wednesday. Aftrer 2 weeks, 1 week ng exam and 1 week ng bagong lessons, may mga bago kaming classmates sa Section 2. Alam ko parehas tayo ng iniisip, pwede ba yun? 2nd Quarter na tapos magkakaroon parin kayo ng bagong classmates. Hindi lang isa kundi dalawa, parehas pang babae. Late na sila sa lesson, ihahabol pa ba sila? May barkada na kami, baka naman ma OP sila? Paano kung mahirap sila pakisamahan, paano yun? Iisa lang ang tanong ng lahat, pwede ba yun?

"Class standing here in front with me are two new beautiful students. Alam ko iniisip nyo, kung paano sila hahabol sa lessons? Well, every year may ganito kaming case na na e-experience sa San Martin, so what we do is we let them take classes every Saturday here at school para mahabol nila yung lessons and requirements na matutunan nila. These two young ladies will be joining you guys hanggang sa maka graduate kayo, meaning they are also permanent students here at San Martin so please don't treat them differently. Maliwanag ba Section 2?" said Miss Terry while standing in front with the two girls holding her white board marker.

Everyone nodded in agreement. Well hindi parin ako makapaniwala na madadagdagan kami ng dalawa. I really hope na makakasundo namin agad sila. To be honest masaya ako at madadagdagan na ulit kami kasi mas masaya talaga pag mas marami. In English, the more the merrier!

"Section 2 this is Chelsea Avilla, she's from a rich family in Quezon City. She's kinda shy so I hope kayo ang unang kakausap sa kanya and please be kind to her. And your next classmate is..." tumingin si Miss Terry doon sa isa pang babae at sumenyas na ipakilala ang sarili.

"Hello, good morning. My name is Cindy Rivera, I'm from Nueva Ecija, kakalipat lang namin dito sa mga tita ko and I think dito na kami titira for the next few years."

"Tell them your sports and hobbies Cindy." dugtong pa ni Miss Terry.

"Uhm. Black belter ako sa Sikaran and I like composing songs."

"Okay now kilala niyo na sila, ladies please go to your assigned seats. It's up to you two para kilalanin nyo naman ang mga classmates nyo."

Hmmmmm. Chelsea sat next to Lucy, Kevin and Kylie. Nasa likod ko lang si Chelsea. Bakit tong Chelsea Avilla di man lang nag salita. Pinakilala pa siya ni Miss Terry, may special treatment ata dito sa babaeng to. Si Chelsea ay maliit na babae. Maputi at bilugan ang muka niya, para siyang pinag lihi sa orange. She's also beautiful, pang campus sweet heart ang ganda ni Chelsea, kaya lang mahiyain siya. Baka naman sa simula lang to kasi nga new student pa lang siya, natural lang maging mahiyain sa umpisa.

Cindy sat next to Chandria at the back. Si Cindy ay naka salamin. Salamin as in may grado katulad nung sakin ha, hindi shades, hindi siya bulag guys. She's not thin and she't not fat, dahil siguro to sa sports niyang Sikaran. Also kahit sa malayo mo pa lang siya tingnan, makikita mo na napaka healthy ng buhok ni Cindy. Pang Pantene commercial ang buhok ni Cindy, kada lingon niya ay parang may commercial sa loob ng room. Siguro ang bango din ng buhok niya.

Nakakainis kasi 2nd Quarter na at hindi na binago yung seating arrangement namin. Tinamad na ata tong si Miss Terry mag ayos ng panibagong seat plan. Nasangi bigla ni Rhian yung ballpen ko dahil nag lalaro ulit siya ng Flappy Bird. Sinubukan ko to kunin pero gumulong pala to sa likuran ko, pag lingon ko ay inaabot ni Chelsea yung ballpen ko.

"Ay, thank you Chelsea." ngumiti lang siya at bumalik sa sinusulat niya.

"Rhian pwede naman kasi mag laro ng maayos."

"Eh napapasama yung siko ko eh, sorry Jared Hahaha!"

"Langya. Laos na yan, yan parin nilalaro mo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Life Of JaredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon