Chapter 12: Puzzles

97 0 0
                                    

Alam nyo yung mga araw na gigising ka ng masakit nalang yung ulo mo? Hindi mo alam kung bakit pero alam mo na hindi basta basta mawawala ito. Isa ito sa mga araw na yon at ayokong ayoko sa mga ganitong araw. Parang nawawala yung isang parte ng utak mo, ganoon yung feeling. Or parang may pumipiga sa parte ng utak mo kapag nasosobrahan ka sa movements. Ganoon kasakit yung feeling.

Umaga palang hindi na maganda timpla ko, pag bukas ko ng cellphone ko may 27 messages! Sino naman to? Kinabahan ako kasi baka mamaya emergency tapos hindi ko na replyan.

"Sino ba to?"  I asked myself while I scratched my left eye.

Pag slide ko ng lockscreen ng phone ko puro sorry messages galing kay Julian. Wala akong load. At wala akong balak mag re-reply dito. Kung sincere ang tao makipag bati sayo, harap harapan ka niya kakausapin. Bahala siya, late nako at kailangan ko na kumilos.

---------------------- SAN MARTIN ------------------------

Pag dating ko sa room saktong dating din ng adviser namin, Miss Terry Nor, The Terror. Umupo ako sa upuan ko at hinanda ko ang sarili ko makinig sa sasabihin ni Miss Terror. Habang inaayos ko yung bag ko, I noticed that everyone was quiet. Bakit parang ang bait nila lahat? Anong meron? Bakit ang tahimik nila? I fixed myself and I faced the black board. Nagulat ako nang mabasa ko ang naka sulat sa black board namin. It's like a little part of me just died when I saw it. And now I know why everyone is so quiet. Sheeesh.

"1st Quarter Examination Schedule for 2013-2014"

Hindi pako ready sa exam. Next week na agad? Grabe naman. Sana 2 weeks before the exam yan sinabi para makapag handa kami aba. Oh wait, what the fuck. Who am I kidding? Ikaw Jared Aquino mag rereview ng 2 weeks ahead para sa exam? Nenang mo. Lolokohin mo pa sarili mo ha.

Pagkatapos mag ayos ni Miss Terry ng table niya sa harapan, pinatayo niya ang 5 new members ng student council. She congratulated everyone and she was so happy and proud. Sobrang proud akala mo siya na talaga yung tunay naming nanay. At syempre naki palakpak nalang ako para di na mag alala sakin si Miss Terry. Kunwari nalang na okay lang yung nangyari sakin, kahit hindi.

"Jared oh, pasa ko daw sayo to." sabi ni Rhian habang nag lalaro ng Flappy Bird sa phone niya.

It was a piece of paper. To be exact, maliit na papel siya na pinilas sa Math notebook. Kawawang Math notebook, lagi ka nalang ginagawang papel para sa secret letters sa classroom. I opened the folded piece of paper at binasa ko yung naka sulat doon...

"Hoy Jared, sorry na. Pansinin mo naman ako oh." - Julian

I crumpled the paper with one hand, sabay tayo at binato ko sa malapit na trash can yung letter. I came back to our classroom looking annoyed. Umupo ako ng padabog at nasanggi ko si Rhian. Ooops! Di ko sinasadya. Prepare your hearing aids!

"AAAARRGGHH!! KAASAR. MATATALO KO NA SANA YUNG HIGHSCORE KO SA FLAPPY BIRD SINANGGI MO PAKO JARED!! BWISIT KA!! KAINIS KAINIS KAINIS!!!! UMUPO KA KASI NG MAAYOS PARA HINDI KA NAKAKASANGGI NG NAGLALARO OKAY BA?!!" 

"Hindi ka naman kasi dapat naglalaro eh. Dapat kinokopya mo yung schedule ng exam sa board. Kaya wag ka magalit. Mag laro ka sa ibang time, hindi yung may ginagawa tayo tapos cellphone ka ng cellphone diyan. Leche." I slammed my notebook and I looked at the opposite direction.

Kawawang Rhian. Nabuhusan pa ng galit ko. Eh kasi di naman talaga dapat iinit ng ganito yung ulo ko kung hindi dahil doon sa stupid piece of paper ni Julian. Pag galit ang isang tao, lahat na ng bagay sa paligid niya nakakairita. Eh hindi ata alam ni Rhian na badtrip ako, ayan tuloy naka tikim. Di pa naman ako sanay mag salita ng mga ganyang bagay. Kinikimkim ko lang kasi lagi sa sarili ko yung mga iniisip ko, hindi ko agad sinasabi o ginagawa. Napahiya ko tuloy siya, ano ba yan. 

The Life Of JaredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon