Chapter 14: Dalawang Tao: NATAGPUAN NA!

97 0 0
                                    

----------------------- Saturday Morning ------------------------- 

Nagising ako sa ingay ng kapit bahay namin. Birthday party ata ng anak nila kaya siguro may kumakanta sa videoke. Or baka naman may inuman, binyag o pwede ding patay. Napaka convenient ng mga videoke these days noh? Effective pang ubos ng oras at effective din na pang ubos ng pasensya ng kapitbahay. Bumangon nako sa pagkakahiga ko at nagsipilyo na at nag hilamos.

Habang pababa ako ng sala namin, bumalik ulit ako sa kwarto ko para kunin yung phone ko. Nakalimutan ko palang hugutin yung phone ko sa pagkaka charge kagabi! Pagod na pagod kasi ako kakahanap kahapon kay Rhian kaya siguro nakalimutan ko na. Bumaba na ulit ako at nag almusal nako kasabay si Mama. Kaming dalawa lang ni Mama ang nasa bahay ngayon, only child lang naman kasi ako at di na sinundan. Si Daddy naman ay nasa isang matagal na business trip sa Australia, matagal pa ata ang balik noon dito. 

Nag vibrate ang phone ko. Tiningnan ko kung sino nag text at nakita ko na nag GM pala si Xavina samin. Pinapaalala niya yung flashlight, watter bottles, at snacks para mamaya sa 'Search For Rhian Santos'. Ayoko na mag dala ng tubig at snacks! Bibili nalang ako pag nag stop over kami, I'm sure titigil kami kung saan kasi si Matthew ang driver namin. Naaalala nyo naman siguro yung nangyari kahapon sa 7 Eleven diba? Mmm. No need na talaga para mag baon pa Hahaha!

"Ma may flashlight ba tayo? Kailangan ko po kasi para mamaya."

"Gagabihin ba kayo sa paghahanap?"

"Ma nag tatanong nga ako eh tapos sasagutin mo din ng tanong."

"Ewan ko, tingnan mo sa attic sa taas kung meron pa tayo."

"Okay po, at opo gagabihin ata kami mamaya."

"Sige, mag ingat kayo ha. Mag text ka."

Pagkatapos ko mag hugas ng pinagkainan namin, dumiretso ako sa hallway kung saan nandoon yung hagdan paakyat ng attic. Sa attic namin nilalagay yung mga gamit na luma na pero hindi parin maitapon kasi yung iba doon magagamit pa, or may value pa na pwedeng ingatan. Ang attic para din siyang bodega, kaya lang ang attic ay isang room for storage na malapit lang sa ilalim ng bubong, ang bodega madalas sa lower grounds eh.

Hinatak ko yung tali at bumaba na ng dahan dahan yung maalikabok na hagdan. Lagot, baka sipunin pa ata ako dito sa ginagawa ko. Pag akyat ko ang daming kahon sa taas. Hindi ko alam kung nasaan dito yung flashlight. Maliwanag naman dito sa attic kasi may isang bintana dito na pinasadya. Nag halungkat ako sa mga boxes. Nakaka 20 minutes na ata ako dito sa taas.

May nakita akong rectangle box na color orange sa pinaka ilalim ng isa pang malaking box na puno ng mga gamit. Parang tinago siya sa pagkakalagay dahil ilalim na ilalim talaga. Yes, ganoon nako kalayo sa paghahanap ng lecheng flashlight na to. So nilabas ko yung orange box doon sa malaking box. Mukang luma na yung orange box, ang daming alikabok at nag fade na yung pagka orange niya. 

Binuksan ko yung rectangle box na orange. May laman siyang superhero cape na color orange din at may color blue na letter J. Kanino kaya to? Imposible naman na sa akin to eh ngayon ko pa lang ata nakita to sa buong buhay ko. Akin ba to? Bakit parang wala akong matandaan na nagka ganito ako noong bata ako. Wala akong maalala sa cape na to, baka naman sa pinsan ko to.

Sinoli ko yung cape sa loob ng orange box at tinabi ko muna ito sa gilid. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng lecheng flashlight namin. Ang ironic noh? Diba madalas flashlight ginagamit natin para sa paghahahanap ng isang bagay? Edi paano pag flashlight ang hinahanap mo, ano gagamitin natin sa paghahanap ng flashlight? Uhm. Baka siguro mata talaga dapat gamitin sa paghahanap, hindi nga bibig. 

The Life Of JaredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon