Chapter 13: Rhian The Explorer

92 0 0
                                    

THANK GOD IT'S FRIDAY! Maaga nanaman akong pumasok sa school. Siguro dapat maging consistent ako sa oras ng pag pasok ko sa school, hindi yung minsan maaga, minsan late. Dalawa lang pag pipilian ko, laging late or laging maaga. Parang nakakatamad naman kung laging maaga, pwede ba maging consistent sa pagpasok ng maaga at minsan late? Why not both diba. Pinahihirapan ko lang sarili ko. 

"Section 2 please take your seats. Everybody sit down and listen to me."

Sana hindi tuloy exams next week. Sana hindi tuloy. Sana hindi tuloy. Sana hindi tuloy. Sana hindi tuloy. Sana hindi tuloy. Sana tungkol sa pag postpone sa exams! Lord please!

"Section 2, tumawag sakin ang guardian ni Rhian and they want me to inform you na si Rhian Santos ay nawawala at hindi matagpuan kahit saan. 16 hours na ang lumipas ng huli siyang makita sa kanila. Hindi pa ito pwede ireport sa pulis dahil ang kailangan na oras ng pulis ay 24 hours or for short, isang araw ang kailangan bago makapag file ng report na nawawala ang isang tao. Nakikiusap din ang guardian niya na kung alam nyo kung nasaan si Rhian ay madali kayong mag report sa akin or sa guardian niya. This is serious, this is not a laughing matter. Everyday madaming bata ang nawawala, oras oras may nabibiktima. Now can you all stand up and let's pray for Rhian. She need us right now, wherever she is. Sana safe siya."

---------------- Stephanie led the prayer-----------------

Nawawala si Rhian?!! Nakita ko siya kagabi pasakay ng jeep. Saan kaya siya pumunta? Teka siya lang ba mag-isa sumakay? Siguro may kikitain siya nung gabing yun. Pero hindi naman siya mukang malungkot or galit, where did she go? Should I tell my adviser? or should I tell my friends first? I can tell that everyone was worried by the looks on their faces, specially Tracy. Tingin ko sa mga kaibigan ko muna ito sasabihin, para makakilos kami ng malaya at walang supervision ng school. Hahanapin namin si Rhian. Hindi kami titigil hanggang hindi namin siya nakikita.

"Saan kaya sumuot yung babaeng yon?" I asked myself.
"Kaya nga eh, hindi biro yung mawala ng 16hrs." Stephanie started a conversation.
"Oo nga, sana hindi to biro ni Rhian."
"Tapos biro lang pala eh noh?"
"Ako na mismo sisipa sa kanya palabas ng ozone layer." biro ko kay Steph.
"Hahahaha! But still, nagaalala talaga ako."
"Yup, lahat naman tayo nagaalala. Meeting tayo sa 1st break?"
"Sure Jared, magpapaikot nako ng papel sa room."

While Steph was writing in a piece of paper, Chandria sat beside me. She sat at Rhian's chair. Rhian's chair na puno ng mga shirtless men, simple math equations at kodigo. Chandria pulled a magnifying glass out of her vest. Tinutok niya yun sa armchair ni Rhian at nag matyag.

"Libog neto oh! Nagawa pa mag magnifying glass!" nagulat si Julian sa nakita niya.
"Huh?" mukang naguluhan si Chandria.
"Anong huh. Tingnan mo kaya yang ginagawa mo Hahahaha!"

Chandria gasped. Hindi niya napansin yung mga pictures ng lalake sa armchair ni Rhian. Masyado siyang busy sa hinahanap niya at di niya nakita ang mga ito. Tumatawa ako habang nakikinig sa usapan nilang dalawa. She was completely unaware.

The Life Of JaredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon