Chapter 9: Who Run The World?

126 0 0
                                    

Monday morning at hindi ako late. I'm on time for the first time! Hindi ko alam kung bakit pero excited nako pumasok. Tingin ko dahil to sa mga bago kong kaibigan, mas exciting kasi talaga pumasok pag may mga kaibigan ka na nag aantay sayo sa school. Tama ba?

"Class grab your notebooks and write your notes. Pipirmahan ko yan ngayon!" said Miss Terror.

English subject kami ngayon at ang lesson na sinusulat namin ay tungkol sa history ng English language. Nahihirapan ako makakita dito sa pwesto ko sa 3rd row recently. Si Stephanie ang bilis mag sulat. Si Rhian naman hindi nagsusulat. Jusko tong mga seatmates ko. Wala pakong ballpen na dala. Tunay na estudyante nga naman oh. Teka late nanaman si Julian? Ngayon ko lang napansin.

"Rhian hindi ka ba magsusulat?" tinanong ko ang tulalang Rhian Santos.

"..........................................."

"Hello?"

"..........................................."

"Rhian? Earth to Rhian. Earth to Rhian."

"..........................................."

"Hell to Rhian. Hell to Rhian." I poked her cheek with my middle finger.

"Punyeta ano ba yun ha Jared?" Patay. Nagalit ata sakin.

"Hihiram sana ako ng ballpen. Di ka naman nagsusulat eh."

"Ayoko. Di nga ako nag papahiram diba? Papasok tapos walang ballpen? Eww!"

"Okaaaaaay. Ang sunget. Meron ka ba ha? Diyan ka na nga."

Pumunta ako sa 1st row. Sa swelo ako umupo, dala dala ang aking notebook. 

Kay Lucy nalang ako hihiram ng ballpen. Ang damot  talaga ni Rhian sakin pagdating sa ballpen.

"Lucy pwede bako humiram ng ballpen?"

"Anong ballpen? Blue, Red, Black, Green, Violet or Orange?" she smiled like a child.

"Uhm... black lang okay na. Okay nako sa black ballpen."

"Ano gusto mo? 0.3 , 0.4 or 0.5?"

"Kahit anong black ballpen okay lang sakin."

"Ahh. Wala akong extra ballpen eh. Sorry."

"Puta yan. Salamat ha Lucy!"

"Hahahaha! Sorry Jared. Sa iba ka nalang mang hiram."

Ayoko na. Tinamad nako mag sulat. Hihiramin ko nalang notebook ni Stephanie. 

Bukas nako mag papapirma kay Miss Terror, este Terry. Sapilitang pirma!

Natapos na yung English time at kinuha ko na yung wallet ko sa bag. Gusto ko kasi makabili agad ng pagkain sa canteen, ayoko na pumila. Palabas nako ng room ng biglang pumasok naman sa kabilang pinto ang next teacher namin at na realize ko na hindi pa pala recess. So I endured another subject. What is hell. Gutom na gutom nako!

--------------------------------- 1st Break ------------------------------------

Bumaba ako sa canteen kasama si Julian at Gino tulad ng lagi naming ginagawa araw araw. Sila naman lagi ko kasama kumain sa mahaba naming lamesa every 1st break. Nagmadali ako papunta sa counter para ako ang mauna. Umorder ako ng chicken with rice. Ano pa nga ba.

Chicken with rice na ang gravy parang tubig lang na nilagyan ng powdered gravy. Kasalanan to ng KFC, masyado nila akong sinanay sa gravy nila kaya wala nang pumapasa na gravy sakin.

Pag upo namin sa table namin. Dumaan sa harap namin sina Rhian at Tracy na kumakain ng chocolate doughnuts.

"Yow Rhian and Tracy! Dito na kayo kumain!" sabi ni Julian na may nginunguya.

The Life Of JaredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon