CHAPTER 1 - The Monster in Disguise

92 8 11
                                    

INAYOS muna niya ang kanyang suot na bull cap bago nilapitan ang babaeng kanina pa naghihintay.

Mga tatlumpong minuto na itong naghihintay sa kanya. Marahil ay iniisip nito na si Jed naman ang kakatagpuin nito kung kaya't kahit na matagalan ang binata sa pagdating sa kanilang usapan ay ayos lamang.

Jed Alcantara Dalawangbayan, the most sought after hearthrob sa kanilang pinapasukang unibersidad. Ito ang pinakasikat sa buong ekwelahan nila hindi lamang ito kilala pagdating sa sports nitong swimming kundi pati na rin sa taglay nitong katalinuhan. Consistent dean's lister ang binata at team captain ng swimming team ng kanilang unibersidad.

Siya ang nagsisilbing terminator ng mga malalanding babaeng umaakit kay Jed. Kumbaga sa RT katumbas siya ni @ImArVeE at ng iba pang terminator ng mga taong pasaway. Sa ngayon ay hindi muna niya iri-reveal ang kanyang true identity. Malalaman niyo lamang kung sino siya sa takdang panahon.

Habang papalapit siya rito ay kinikilatis niya ito. Maganda ang babae, maputi at makinis ang balat halatang mayaman, mahaba ang buhok nito straight na straight, matangos ang ilong nito na bumagay naman sa kanyan bilugang mukha. Medyo may kalakihan ang mata niya ngunit sa tingin niya ito ang pang-akit ng bruha sa mga lalaki. Panira lamang ang lips ng babae dahil animo namamaga dahil sa kakapalan.

Nasa harap na siya ng babaeng clown ng siya ay tumikhim.

"Hmmmm, excuse me, are you Therese Pasakit?", tanong niya rito.

Nakataas ang kilay na sinagot siya nito ng, "Yes, and you are?!", wika nito na pinipilit silipin ang kanyang mukha na natatakpan ng bull cap at isang malaking sun glasses.

Ako? Ako lang naman ang papatay sa'yo malandi ka! Bulong ng maitim na budhi niya. Pero dahil isang mapagpanggap na palaka ang isang ito, magbabait baitan muna siya sa babaeng clown.

"Ako nga pala si Anikka Tatlongmaria. Ako ang current girlfriend ni Jed.", maiyak iyak kunong wika niya sa babae habang kunwari ay nagpupunas ng tumutulong luha.

Hindi imbento ang pangalang iyon, pangalan iyon ng classmate niya na kinaiinisan niya. Masyado kasing bida-bida ang babaeng 'yon kaya pangalan nun ang ginagamit niya upang sirain ang relasyon ng kanyang mahal.

She's hitting two birds in one stone. Masisira na niya ang pangalan ng kinaiinisang tao, mawawala pa ang asungot na kontrabida sa buhay nila ni Jed.

"You're Jed's what?!", over acting na tanong nito sa kanya. Nanlalaki pa ang mata at ang butas ng ilong nito na may kasama pang pagpapawis sa tungki ng ilong.

Napangiti siya ng lihim sa kanyang sarili. Tulad ng nabanggit kanina, nagpapanggap lamang siya bilang ibang tao. Ang purpose niya, nabanggit na kanina, huwag pauli-ulit masama ugali nito baka madamay ka sa kamandag ng maitim na budhi niya kapag inulit ulit pa ni narrator ang balak niya.

Ang kaharap niya ay isa lamang sa mga babaeng nauto niya sa kanyang pagpapanggap. Jed is her ultimate crush, no, hindi lang pala basta crush 'to kasi kung crush lang 'to ang OA niya naman para umakto ng ganito. Anyway, hindi niya lang crush si Jed, mahal niya ito. She go gaga about him the first time ever she saw his face sa isang party. Simula noon ay inalam niya lahat ng tungkol sa binata.

Paano niya nagawa 'yon?! Well simple lang, she have connections that you don't have. Tama, maraming connections ang family niya at iyon ang ginagamit niya to get everything, or in Jed's case, everyone she wants. Isa siyang spoiled brat na nagpapanggap na mabait sa mg taong ibibiktima niya. So sa'yo na nagbabasa nito beware to this kind of monster. They're the kind that will devour you at the time you least expect it.

Yes, ganyan kasama ang budhi niya. And she doesn't care about it 'cause she knows that money will talk for her. Lahat ng bagay or tao may katumbas 'yan na halaga. That's what she believe in. Hindi siya basta basta nagbibigay ng kongklusyon, she saw how money works for her family while she's growing up. Maybe her parents used it in a good way but as for her, she will use it any way she wants to use it.

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon