"NIKKA!" , ito ang tinig na nagpalingon sa kanya.
Naglalakad siyang mag-isa kanina ng may matinis na boses a tumawag sa kanya. Napangiti siya ng malingunan niya ang mga bestfriends niya, si Ricca at Ahira.
"Hey girls!", excited na wika niya rito.
Nagkamustahan sila tungkol sa mga nangyari sa kanila nang nagdaang weekend. Ang OA ba nila? Well, hayaan na natin, ganyan talaga sila kapag hindi sila nagkasama-sama sa pagspend ng weekend nila. Ricca went out of town para dalawin ang lola nito sa province while Ahira went out of the country to visit her sister's baby. Siya? She spent her whole weekend with her family. Bihira lang silang makumpleto kaya naman nilubos-lubos nila ang pagkakataong iyon.
Dalawa lamang silang magkapatid. Siya ang bunso. Ang Kuya Josh niya ay kasama niya sa naturang unbersidad. First year college siya while her dearest brother ay nasa third year na. Two years lamang ang tanda nito sa kanya dahil tanders na ang kanyang parents nang magpasya itong magpakasal kaya naman minadali ng mga ito ang paggawa sa kanilang magkapatid.
Buti na nga lamang kahit minadali silang gawin ay maganda pa rin ang naging resulta ng kanilang mga itsura. Her brothetr got her mom's feature. Thick eyebrow, round eyes na color brown, pointed aristrocratic nose, ang heart-shape lips. Mestizo sila ng kanyang Kuya. Hindi naman nagkakalayo ang itsure nilang magkapatid. Her feature is a combination of her parents'. Nakuha niya sa mommy niya ang heart shape lips pati na ang thick eyebrow nito. Ang medyo singkit na mga mata niya naman na kulay gray ay nakuha niya sa kanyang ama pati na ang matangos na ilong nito.
"So how was the baby?!", excited na tanong niya kay Ahira.
"He's so cute. Grabe, I want to take him here in the Philippines kung hindi lang ako bibitayin ng bayaw kong Briton.", natatawang wika nito na halata ang kasiyahan sa mata.
"How old is he?!", tanong ni Ricca sa huli.
"Two weeks old, kaya nga hanggang tingin lang ako sa kanya kasi natatakot akong kargahin siya baka mapisa ko siya.", sagot ni Ahira.
"Oo nga, ang bigat pa naman ng mga kamay mo. Ahahha.", tawa siya ng tawa dahil inambahan siya ng suntok ni Ahira. Sa kanilang tatlong ito ang napaka-unlady like.
"Ikaw, Icah, how's Lola Gertrude?!", tanong ni Ahira dito ng mapagod ito sa pag-amba sa kanya.
"She's doing great now. Nakapagsing-a-long pa nga siya habang andun kami eh."
"Nikka, ikaw?", tanong nito sa kanya.
"Hmmm, ako ba ang gusto mong kamustahin ang weekend? O si Kuya Josh?", may halong panunuksong tanong ko sa kanya. Na sinundan naman ni Ahira ng kantyaw.
"Hindi noh! Wala akong pakealam sa Kuya mong 'yon!", maigting na sigaw nito habang pinamumulahan ng mukha.
"Talaga lang ha?!", nakakalokong sabi rito ni Ahira. "Hey, Kuya Josh! Ricca said she doesn't care about your existence!", tawag ni Ahira sa kanyang kapatid na ng mga oras na iyon ay papalapit na sa kanila.
Mas lalo namang pinamulahan ng mukha itong si Ricca na animo nakakain ng sampung libong sili. Ricca hates her brother in some reason that she and Ahira doesn't know. Basta ang alam lang nila hindi pwedeng pagsamahin ang dalawa sa isang lugar. When did it started, hindi niya na rin matandaan.
"Really? Baka naman kapag graduate ko ma-miss mo ko niyan.", hirit naman ng kanyang Kuya Josh na inakbayan pa si Ricca.
"In your dreams Mr. Three Marys.", asar na turan nito at inalis ang pagkakaakbay ng Kuya niya rito sabay walk out.
"Hey, 'wag mong itranslate sa english ang surname namin, I love it as it is. Someday it will be yours, too!", nangaasar pang pahabol ng kanyang kuya sa papalayong si Ricca.
"Kuya stop it! Para ka talagang bata!", aniya rito.
Tatawa tawa naman itong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa noo, "Wait for me later, Sis. Sabay na tayong umuwi. You can watch my practice later while waiting for me.", iyon lang at nagpaalam na ito sa kanila ni Ahira.
Her brother is the team captain of their campus Soccer team. Isa siguro iyon sa dahilan kung bakit marami ang nagkakagusto rito. Si Ricca? Hindi niya alam sa kaibigan niyang iyon kung may gusto ba'yun sa kanyang kapatid. Basta ang alam lang niya, marami ang nagkakagusto sa Kuya niya, period. Hindi lang naman kasi puro galing sa sports ang Kuya niya, bukod sa pogi, mabait, gentleman at maalagang Kuya, matalino din ito. Civil Engineering ang course nito at consistent dean's lister din.
See sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanyang dearest brother? Ang disadvantage lang ng magkaroon ng kapatid na campus figure ay ang mga sipsip girls na gustong maging close siya para maging close din sa Kuya niya. Dahil sa mga babaeng 'yon lumalabas ang pagiging maldita niya.
Yes, maldita siya. Lalo na kapag tinotopak siya kaya walang kumakausap sa kanya kapag may topak siya dahil sigurado lahat ng kamalditahan niya ibubuhos niya sa taong iyon. Pero mabait din naman siya, maganda daw siya sabi ng mga tao, matalino rin siya katunayan validictorian siya noong graduation niya ng high school. May isa lang siyang major major flaw sa katawan 'yun ay ang pagiging lampa niya. Hindi siya masyadong friendly lalo na kapag alam niyang alam ng taong kausap niya kung sino siya at kung ano meron siya. Piling-piling mga tao lamang ang hinahayaan niya sa buhay niya. Hindi tulad ng Kuya niya na parang kakandidato sa dami ng mga kakilala at kaibigan.
Si Ricca at Ahira lamang ang close friends niya na talagang nakakalaam ng tunay na siya. Malaki ang tiwala niya sa mga ito dahil elementary pa lang ay magkakasama na silang tatlo. People think na snob siya at matapobre. Well she doesn't care about what they think, afterall it's their right to give opinion about others freely. Huwag lang nilang susubukan na kantiin siya. Words are harmless specially when you don't care about the person who say something bad about you, pero iba kapag sinaktan ka physically and at some point intentionally hurt you emotionally through someone you care about. Talagang lalaban siya no matter what it cause her.
RRRRRRINNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGG
"Oy, Nikka, let's go nag-ring na ang bell!", hyper na namang turan ni Ahira na nagapahinto sa kanyang pagmumuni muni.
BINABASA MO ANG
Right Here Waiting
RomanceThey say that true love is the greatest love a person could ever have once in a lifetime. It's great, up to the extent that you are willing to suffer for that love. But how long are you willing to suffer for someone who doesn't feel that great love...