CHAPTER 7 - Ricca Sixto

20 1 0
                                    

"EWAN ko sa inyo. Ano, Nikka, nakapili ka na ba? Ikaw naman Icah, instead of thinking about that Gale, isipin mo kung ano ang oorderin mo para makalayas na tayo." tila pikon na wika ni Ara sa kanila ni Nikka.

Nagkatinginan na lamang sila ng huli sa tinuran nito. Kahit kailan talaga ang pikunin nito, no, ang bossy nitong kaibigan niya na ito.

Ewan niya ba kung bakit nila naging bestfriend si Ara. Sa kanila kasing tatlo ito ang may pinaka strong personality. 'Yung tipong, matitigan ka lang paniguradong uurong ang dila mo ang you don't have a choice but to follow what she said.

Siya, si Ricca Sixto, on the the other hand, ang masasabing weakest link sa grupo. Siya si Ms Sympathetic ayon sa dalawa niyang bestfriends. Lahat ng tao binigyan niya ng simpatya basta alam niya na walang kasalanan ang taong 'yun.

Ngunit gaya ng kanyang mga kaibigan, may mga bad side din siya sa katawan. Ulyanin siya, second honor siya sa pagiging lampa (first si Anikka), matakaw, snob sa strangers ( kapag lang wala siya sa mood, ganon).

Di tukad sa kanyang mga kaibigan, hindi mana ang kayamanang mayroon sila ngayon. Ang lahat lahat ng mayroon sila ngayon ay bunga ng sipag at pagsisikap ng kanyang mga magulang.

Noong una ay empleyado ang kanyang mga magulang. Senior Director ang kanyang Daddy sa isang manufacturing company while her mom works as the Senior Accountant sa isang prestigious acccounting firm ng bansa.

Dahil na magaling maglilok ang kanyang ama iyon ang unang negosyong pinasok ng mga ito. Noong una ay mahina ang kanilang negosyo. Ngunit minsang nagkaroon ng selebrasyon sa bahay nila Nikka, binigyan ng kanyang ama ang mga magulang ng huli ng isang produkto nila na angkop na idisplay o gamitin sa bahay ng mga ito.

Marami ang nagandahan sa produkto ng kanyang mga magulang kung kaya't dumami ang mga parokyano ng mga ito. Karamihan doo'y mga interior designer.

Iyon nga ang naging simula ng palago ng kanilang negosyo. Iba talaga ang nagagawa ng word of the mouth advertisement! Naging successful ang busines nilang iyon at di naglaoy nag expand ito sa manufacturing of glassware, tupperware, wood crafts and other stuffs that deals with interior design and other household stuff.

Sa kasalukuyan, ang Sixto Carving and Manufacturing Inc. ay kilala na sa buong Asia, Europe, Africa, Australia at ilang piling bansa sa North and South America.

She's proud of the success story of her parents and she want to follow their footsteps someday. Kaya naman sobra-sobra ang pagsisikap niya sa pag-aaral.

Kung si Nikka ang valedictorian nila nung high school, siya naman ang Salutatorian. Hindi issue sa kanilang tatlo ang ranking sa school. May kompetensya man sa pagitan nilang tatlo, pero tinitiyak nila na ito ay friendly competition.

Hindi sila katulad ng ibang magkakaibigan na naghihilahan pababa para lamang umangat. They don't even cheat. Kahit na super close silang tatlo, walang nangongopya sa kanila kasi tiyak naman na walang pagpapakopya.

Before exam, tulong tulong sila sa pagrereview, ngunit kapag nageexam na sila, galit galit muna ang peg nila. Their friendship motto when it comes to stuedies is that, Cheaters go to church.

"Icah, what's your order daw." untag sa kanya ni Nikka na napabalik sa kanya sa kasalukuyan.

"One spaghetti with garlic bread, C2 apple, Cudberry with fruit and nuts 'yung malaki, leche flan 'yung malaki din, Pringles na green tsak---"

"Hoy, babae, last breaktime mo na ba ito? Bakit ang dami mong binibili?" puna sa kanya ni Ara.

"Hmphf! Sige, Ms Ai, 'yun na lang po muna." nakasimangot na turan niya. "Ahira ang lakas mong mambasag ng trip. Gusto kong kumain eh, anong masama doon?"

"Girl, kasi hindi gawain ng isang normal na tao na may ganyang perfect coca-cola body na kuma--- No it's not eating it's paglamon, ng ganyan!" ani Ahira na sadayng binigyang diin ang salitang 'paglamon'.

"Ara!" magkapanabay na wika nila ni Nikka.

"Sometimes your choice of words are irritating." pagkuwa'y sabi niya rito.

"And your eating habit infuriate me the most!" sagot naman nito.

"Whatever! Bleeeeh!" parang isip batang turan niya rito na sinagot naman nito ng pag ikot ng mata.

Palabas na sila ng cafeteria ng may kung anong matigas na bagay ang bumungo sa kanya. At dahil dakilang lampa siya natumba agad siya.

Napapikit na lamang siya habang hinihintay ang paglapat ng kanyang pwitan sa sahig ng may maramdaman siyang makikisig na braso na yumakap sa kanyang bewang upang hindi siya tuluyang bumagsak.

Nakahinga siya ng maluwag na mapagtanto niyang ligtas na siya. Napasiksik siya sa dibdib ng kanyang tagapagligtas. Nagsilbing unan ang matitipuno nitong dibdib at kumot ang mga brasong noo'y nakayakap sa kanyang baywang.

Matutulog na sana siya gamit ang katawan ng kanyang hero ng may biglang tumikhim at sinira ang maganda niyang ilusyon. Hindi siya malandi pero ang sarap lang sa pakiramdam habang nababalot siya ng yakap nito. It's like they're meant for each other. Kaso wala, eh, may umiksena kaya putol ang day dreaming niya.

"Ah, hmmmm! Excuse me lovers bawal po ang PDA dito." wika ni Ahira.

"Ara's right! Kuya will you let her go na?" wika naman ni Nikka.

Loading

Loading

Loading

Loading

Teka! Did Nikka just said 'Kuya'?! Dahan-dahan siyang nagmulat at luya sa taong kayakap niya at ganun na lamang ang kanyang pagkagulat ng makita niya ang mukha ng taong kinabubwisitan niya.

Tulad ng kanyang mga kaibigan, may taglay din siyang katarayan lalo na sa taong kaharap niya ngayon. He's the pain in her ass and she doens't want to be near him.

Pero bakit ngayong kaharap niya ito iba ang nararamdaman niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya at animo tumigil ang pag-inog ng kanyang mundo.

Busy siya sa pag analyze ng kanyang nararamdaman ng pukawin nito ang kanyang atensyon.

"Icah." simula nito.

"Yes?" pabulong niyang tanong.

"Let go."

"Huh?"nagugulumihanang tanong niya rito. Noon niya napansin na nakayakap pa rin pala siya rito. Agad na inalis niya ang pagkakayap niya rito at lumapit sa kinaroroonan nila Ahira.

"Are you guys done? I'm famished!" reklamo ni Ara na sinegundahan naman ni Nikka.

Nagpalipat lipat ang tingin ng mga ito sa kanila at nagtatanong ang mga matang bumaling ang mga ito kay Josh.

"Yeah, we're done." nakangiting turan nito sa kanyang mga kaibigan pagkuway binulungan siya nito. "Paano ba 'yan, Icah, sinaway na nila tayo. Next time na lang ulit ha." nakangising turan nito sa kanya sabay bira ng alis.

Naiwan siyang namumula sa kahihiyan.

"Let's go kain na tayo sa room." aniya na nagpatiuna na sa mga ito. Hindi niya n hinintay n makapagsalita ang mg ito dahil paniguradong tutuksuhin lamang siya ng mga ito.

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon