CHAPTER 4 - Widen Your Thoughts

21 1 0
                                    

KANINA pa napapansin ni Ahira na panay ang titig ng kanilang weird na kaklase sa kanyang kaibigang si Anikka. Sa una ay napakaseryoso ng tingin nito pagkatapos ay basta na lamang ngingiti na katulad ng sa demonyo.

Hmmm, I think there's something bad about this girl. Bulong niya sa kanyang sarili. There's something about her aura that tells her to beware about her.

Sa kanilang tatlong magbe-bestfriend siya ang keen observer. Lahat napapansin niya kahit na napakaliit pang detalye noon. Her reason, all things are significant so it's very important not to miss something. You'll never know how important that small detail is in solving something.

Hindi pa rin mapuknat ang evil grin ng babae ng bumaling ang tingin nito sa kanya. Dagling namang naglaho ang kanina'y nakapangingilabot na ngiti nito at napalitan ng pagkapahiya kasabay ng pagyuko ng babae nang makita siyang nakatitig rito.

Napansin marahil ni Ricca ang ginawa niyang pagoobserba sa babae at ang reaksyon nito kaya naman siniko siya nito.

"Hoy, Ahira! Ano na naman ang pauso mo at kung suriin mo 'yang si classmate eh para kang tumitingin ng specimen sa microscope?" Wika nito na. Napatingin din si Anikka sa babae.

"I don't know. Something tells me to beware to that girl. Have you seen the looks she's giving you, Nikka?" Tanong niya sa katabi na nagtatakang tumingin sa kanya.

"No, parang hindi nga siya tumitingin sa'kin, eh." Nagtatakang turan nito sa kanya.

"She did. With matching evil grin. Ano kayang iniisip niya habang nakatingin siya sa'yo kanina?" Wika niya sa mga ito ngunit hindi na nasagot ang kanyang tanong dahil dumating na ang kanilang guro.

Puno ng pagtatakang muling tiningnan niya ang babae na ng mga oras na iyo'y nakatungo pa rin.

If you're planning something bad to my bestfriend, just make sure I wouldn't find about it. Because if I do, you will see the beast in Ahira de Lima. Bulong niya bago humarap sa kanilang guro.

BREAKTIME

"NIKKA, you want to join us for recess?" Tanong sa kanya ni Gale.

"Maybe next time, Gale. I'll be having my recess with Icah and Ara." Aniya rito. Ara ang palayaw nila kay Ahira.

"Why don't you girls joins us na lang." Maarteng turan naman ni Caye.

"Ahm, no thanks. We have something to talk about pa." Mataray naman na turan ni Ahira.

Nakasimangot na nagsitalikuran ang mga babaeng classmates nila. Bumaling naman si Ricca sa kanila.

"Grabe talaga 'yang mga 'yan. We all know that they hate you. Pero handang magpakaplastic para lang magpasikat sa mga crushes nila. Tsk!" Galit na turan ni Ricca.

She doens'nt know what's with her kaya ang daming naagalit sa kanya. Mabait naman siya sa lahat. Pero parang ang sama pa rin ng tingin ng lahat ng tao sa kanya. Well, ang OA niya dun. Ang grupo lang naman ni Gale ang talagang may galit sa kanya sa di niya malamang dahilan.

Ang lalim ng pinaghuhugutan ng galit ng mga ito kaya naman hindi niya mawari kung ano talaga ang pinagmulan ng galit naiyon.

Napapailing na tumayo na lamang siya sa kanyang upuan at sabay sabay silang tatlo na pumunta sa school cafeteria.

SCHOOL CAFETERIA

"NAKAKAINIS talaga 'yang grupo ni Anikka! Akala mo kung sinong magaganda, eh lamang lang naman sila ng isang paligo sa'tin!" Nanggigigil na turan ni Gale sa kanyang mga kasamahan.

"Kasi naman bakit niyopa naiisip na yayain sila?" Tanong naman ng oh-so-ever-slow nilang kaibigan na si Cindy.

"Eh kasi po para mapansin tayo ni Jed my love. Alam mo naman na laging nakasulyap 'yun kay Anikka di ba?" Pagalit na turan dito ni Caye.

Magsasalita pa sana siya ng biglang may malamig na likidong bumuhos sa kanya. Napasigaw siya sa gulat na naging dahilan ng pagkatapong spaghetti sa ulo niya. Nilingon niya ang salarin. At nakita niya ang baduy nilang transferee classmate.

Galit na galit na tumayo siya at sinabunutanan ng babae. "Tanga ka ba? Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Saan ka ba nakatingin at hindi mo nakita na may taong nakapwesto sa mesa na 'to ha?" Sigaw niya sa babae.

Nakakaagaw na siya ng pansin but she doesn't care about those people. Galit siya at nanlalagit dahil sa katangahan ng babaeng ito kaya ipapahiya niya rin ang babae.

Ingungodngod niya na sana sa sahig ng cafeteria ang mukha ng manag na babaeng classmate niya ng may makikisig na kamay na humawak sa braso niya. Tiningnan niya ng masama ang pangahas na nilalang.

Ganun na lamang ang kanyang pagkagulat ng mapagsino ang umawat sa kanya. Si Jed iyon. Ang love of her life. Ngunit imbes na matamis na ngiti ang ibigay nito sa kanya, isang matalim na tingin ang ipinukol nito.

"Take your hands off her. Now!" Mahina ngunit madiin at maawtoridad na utos nito sa kanya.

Awtomatiko namang binitawan niya ang buhok ng kanyang classmate. Minsan na nga lang mapansin ni My Labs, sa ganitong sitwasyon pa! Bulong niya sa sarili niya. Lagot ka sa'king babae ka!

"J-Jed, l-l-let me ex---plain!" Nauutal na turan niya.

"No need. I've seen what I have to see. Hindi mo dapat siya sinaktan dahil lamang sa hindi niya sinasadyang pagtapon sa'yo ng mga pagkain niya. I hate bullies, you know." Anito na matalim pa rin ang titig sa kanya.

"I know!" Wika niya at napipilitang tumingin sa kanyang classmate.

Wait! Is that a grin that I see on her face? Kahit natatakpan ng gulogulong buhok nito ang mukha nito ay napansin niya pa rin iyon. Sinadya niya ang mga pangyayari! Lagot ka talaga sa'king babae ka mamaya! In the meantime.

"Sorry, girl. I was just shock kanina kaya ko nagawa sa'yo 'yon. Halika punata tayo ng comfort room para maayos natin ang mga sarili natin before the next period." Nagbabait baitang wika niya rito.

ANG BABAENG MAGULO ANG BUHOK

EFFECTIVE ang ginawa ko! Napansin ako ni Jed at nabawasan pa ang karibal ko. Masayang turan niya sa kanyang sarili.

"Sorry, girl. I was just shock kanina kaya ko nagawa sa'yo 'yon. Halika punata tayo ng comfort room para maayos natin ang mga sarili natin before the next period." Sabi sa kanya ni Gale habang nakangiti.

I know your style, bitch. Gawain ko 'yan sa dati kong school kaya kung anoman ang binabalak mo humanda ka sa'kin. Pero sa ngayon I just wanna feel this moment! Iba talaga ang effect ng pagwa-widen ng thoughts. Ahahahahaa

Alam niya kanina pa na nasa karatig mesa lamang nila Gale ang mesa ni Jed kung kaya't umisip siya ng paraan kung paano mapaansin ng huli. Nang makita niya ang kanyang dala at si Gale, dagling gumana ang kanyang isip at tinunton ang kinaroroonan ng kanyang mga kamag-aral.

Did she mention before that she knows everything about Jed? Kaya naman alam niya rin na galit ito sa mga taong bully. Hindi siya nagdalawang isip na maibuhos kunwari ang laman ng kanyang baso kay Gale. At dahil nagulat siya sa pagsigaw nito pati ang spaghetti niya ay naitapon niya rin dito.

Alam niyang maikli ang pasensya ng kaklase dahil naobserbahan niya ito. Actually, she don't give a damn about Gale's existence until she found out that she's interested with Jed. Kaya naman gumawa siya ng paraan para mailiminate ito sa mga taong nakapila sa binata.

"Ahm, girl, halika na. Baka malate tayo sa next class natin." Untag ni Gale sa kanya na nagpabalik sa kanya sa kasaluyan.

"O-okay." Paawa effect na turan niya rito. Tiningnan niya ang binata na nakakunot pa rin ang noo hanggang sa mga oras na iyon. "Salamat, ha"

Tango lamang ang tanging tugon nito sa kanya.

You'll be mine, I swear! Aniya bago sumunod sa kanyang mga kamag-aral.

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon