CHAPTER 3 - Be Creative in Your Own Way

22 1 0
                                    

PAGDATING nila ni Ahira sa classroom nila ay ang nakasimangot agad na mukha ni Ricca ang kanilang nabungaran. Hindi pa rin ata ito maka get-over sa pang-aasar ng Kuya Josh niya. Hindi pikon na tao si Ricca sadyang sa Kuya niya lamang ito nabubwisit.

"Hoy, Ricca, huwag ka na magalit kay Kuya. Alam mo na nilalambing ka lang niya." wika ko sa kanya habang kinakalabi kalabit ko siya. Nakalapit na kami sa kanya ng mga oras na iyon.

"Oo nga, Icah, naglalambing lang 'yon si Kuya Josh." dagdag na pang-aalaska ni Ahira.

Mas lalo namang uminit ang ulo ng bestfriend nila kaya nanahimik na silang dalawa ni Ahira. Nabanggit niya ba kanina na marinig lamang nito ang pangalan ng nakatatandang kapatid niya ay umuusok na ang ilong nito? Doon sila tuwang tuwa ni Ahira mas lalo kasing nagiging cute si Ricca kapag namumula ito sa bwisit sa kanyang kapatid.

SA ISANG SULOK NG CLASS ROOM

HAY, andito na naman ang babaeng kinaiinisan ko sa lahat ng nilalang dito sa room. Wika niya sa sarili habang nakatingin kay Anikka.

Kanina pa siya nakaupo sa isang sulok. Nagmamasid ng mga pangyayari sa kanilang classroom. Hindi siya pinapansin ng kanyang mga kamag-aral dahil bukod sa napakatahimik niya, ang weird at ang manang niya pang pumorma.

Sa dating school na pinapasukan niya isa siyang Queen Bee. Lahat napapalingon kapag dumadaan na siya. Lahat ng lalaki naglalaway sa kanya at ang mga baae naman ay inggit na inggit sa kanya. Ang daming gustong makipagkaibigan sa kanya na lagi niya namang nire-reject. She choose her friends carefully. 'Yung tipong mapapakinabangan niya sa mga bagay na gusto niyang gawin. Marami rin siyang pets sa school. When she say pet, it means someone that she always mess around.

Ngunit dito sa bagong paaralang kanyang pinapasukan ay isa lamang siyang walang appeal na nilalang. Bakit? Dahil sa Anikka Tatlongmaria na ito.

Nakita niya ang babae nung nag-enrol siya sa naturang paaralan. And she saw herself in that girl so she instantly hate her. Ganoon naman talaga di ba? You hate you're kind kasi you see them as a threat?

Kaya naman pinagana niya ang pagiging creative in her own way niya at nagdisguise siya as a manang student. It's not easy to her 'cause she's not used to wearing those yucky clothes. But in order for her to bring her enemy down, she have to make sure that everything is on the right track.

Ano ang balak niya? Simple lang, ang maagaw kay Anikka ang trono nito. Hindi kasi siya pwedeng umasta na isang Queen Bee dito dahil tiyak na marami ang maiinis sa kanya. And she know that the people's loyalty is still on Anikka. Kaya naman mangpapanggap muna siya bilang isang tahimik, manang at mabait na nilalang bago niya tuluyang agawin ang trono ng babaeng itinuturing niyang kaaway.

Nagsimula na siya sa unang atake niya, iyon ay ang pagpapanggap niya bilang si Anikka sa mga nakaarelasyon ni Jed, and love of her life. Doon pa lang siguradong sirang sira na ang reputasyon ng babae dahil unang una hindi siya kilala ni Jed pangalawa halos lahat ng babaeng nabiktima niya ay pawang mga estudyante rin ng naturang paaralan.

Napapangiti na lamang siya sa kanyang naiisip. She's very creative, isn't she? Muli niyang sinulyapan ang ngayon ay nagtatawanan ng grupo ng babae.

Magpakasaya ka lang Anikka 'cause you will never be happy anymore once I started messing up with, personally. Bulong ng isang parte ng isip niya sabay ngumiti ng nakakaloko.

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon