CHAPTER 6 - Ahira de Lima

19 1 0
                                    

"OH MY GOSH! Grabe talaga 'yang si Gale. Akala mo kung sino umasta, hindi naman kagandahan!"

"Oo nga! Ang OA niya pang umarte, yan tuloy hindi lang drinks ang natapon sa kanya."

"She deserve that. Masyado kasing pasosyal. Feeling sosyal naman."

"Like duh! She's so trying hard kaya to be sosyal. And you know what I found?! Her family's net worth is only 20 million pesos!"

"Really?! OMG! She's so poor. I pity her!"

Iyon ang naulinigan niyang usap usapan sa cafeteria noong dumating silang tatlo roon. Napapailing na lamang siya sa mga pinagsasabi ng mga ito.

"Can we just eat in the classroom or somewhere else?" tanong ni Icah sa kanila.

"Why?" maikling tanong ni Nikka rito. Kasalukuyan iyong pumipili ng kakainin nito for their break.

"Naiinis kasi ako sa mga naririnig ko. My gosh! Ano ngayon kung 20 million lang ang net worth ng family ni Gale? Does that make her an outcast." nakasimangot na turan nito.

"Tsss. Icah, huwag mo na lang sila pansinin. At 'yang si Gale, somehow, she deserve to be treated like that. Nagkaroon lang ng ilang milyon ang family niya sa bangko akala mo kung sino ng umasta." may bahid ng pagkainis na wika niya rito.

"Ara, kahit na. She doesn't deserve to be treated like that. She's annoying sometimes, but that does not give them the right look down on her. Not to mention her family. I think maayos namang kausap ang family niya when it comes sa business kaya nga pinagkatiwalaan sila ng Kuya mo di ba?" singit naman ni Nikka.

"Yeah that's her family not HER. Ewan ko ba kung bakit may ganyan siyang ugali samantalang ang alam ko mababait naman ang family nila." sagot niya rito.

"Grabe ka naman Ahira!" gulat na turan nina Icah at Nikka.

Sa kanilang tatlo, siya lagi ang may naiibang opinyon sa mga bagay bagay. Hindi niya alam kung bakit pero iba talaga ang takbo ng pag iisip niya compare sa dalawang bestfriend niya.

Hindi siya matapobre. Pinalaki siya ng parents niya may mapagpakumbabang puso. Hindi siya basta basta nagsasalita base lang sa mga sinasabi ng iba. Isa rin 'yun sa itinuro sa kanya di lamang ng kanyang mga magulang kung hindi pati na rin ng Kuya at Ate niya.

Tatlo silang magkakapatid at siya ang bunso. Her older brother is the one who's managing their family business. They own the several businesses that are welle known sa business industry. Hindi siya nagyayabang kung sasabihin niyang isa sa mga itinuturing na haligi ng business world ang family nila.

During his father's time as the CEO of the De Lima Group of Companies, isa ito sa mga importanteng tao na nilalapitan ng ibang business man to ask for business advice and some business loans. They own the most prestigious bank in the country as well as the trusted insurance company here which are bith under the DLGC.

Her brother on the other hand, had gained people trust hindi lamang dahil sa anak ito ng Daddy nila kung hindi dahil sa taglay nitong galing in running their business. Sa batang edad nito, nakasama ito sa listahan ng mga prestihiyosong mga award giving bodies as well sa mga ranking ng kung ano-ano pang bagay that are all business and ability related.

Her Ate naman, ayun masaya sa piling ng mag-ama nito. Noong una ay ayaw ng kanilang ama na mag-asawa agad ang kanyang Ate. Anang mga ito, dapat daw ay may alam sa business nila ang Ate niya dahil hindi lamang ng Kua niya ang magmamana ng kanilang business.

Simula't sapol ayaw ng kanyang Ate ang pagpapatakbo ng business. Gusto nito ang mamalagi sa bahay at mamahala roon. Her Ate is a homebody person kaya naman ang tanging libangan at gustong gawin nito ay ang pag-aasikaso sa kanilang bahay.

Graduate ito ng kursong Interior Design kaya naman kaaya-aya talaga ang itsura ng kanilang bahay. Taliwas ang natapos nito sa kurso nilang mag-Kuya. Gayunpaman, hindi itlntinutulan ng kanilang ama, dahil na rin sa pakiusap ng kanyang Ate at Ina.

Finally, siya si Ahira "Ara" De Lima. Ang bunso ngunit hindi spoiled na anak. May pagkamaldita madalas, outspoken, keen observer, matalino, madiskarte, may pagkadetective kung minsan (Palibhasa in love kay Detective Conan!).

Sa kanilang pamilya, siya ang pinaka-binibaby ng lahat. Simula sa mga kapatid niya hanggang sa mga magulang niya. Gayunpaman, hindi hinayaan ng mga ito na tubuan siya ng sungay at magmalaki sa kanyang kapwa.

Her family is her role model sa pagiging makatao. 'Yun nga lang hindi ito pinapaniwalaan nila Nikka at Icah. Bakit? Kasi sa kanilang tatlo siya ang pinakamaldita. She say what she wanted to say even if it hurts others. Her reason? Gusto njyang gisingin ang tao sa realidad ng buhay.

Bata pa siya ngunit alam niya na ang kalakaran ng mundo. Her Father and Brother had taught her that. Gusto kasi ng mga ito na once na grumaduate siya she can handle things the ipapahandle ng mga ito. Kumbaga, hindi siya mako-culture shock once she enter the business world.

They taught her how to read people base on their actions and their body language. She can tell that that's her best asset.

Iyan din marahil ang dahilan kung bakit kahit na ibang iba ang way ng thinking niya sa mga ito ay nanatili pa rin ang closeness nila buhat pa noon. She really love her girls and she will cross every mountain just to see their lively smiles.

"Ewan ko sa inyo. Ano, Nikka, nakapili ka na ba? Ikaw naman Icah, instead of thinking about that Gale, isipin mo kung ano ang oorderin mo para makalayas na tayo." sermon niya sa dalawa.

Did she mention that she's a bossy, too? Well, now you know!

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon