"SALAMAT, ha" ang sabi nang babaeng ipinagtanggol niya.
Tanging tango lamang ang naging tugon niya rito dahil galit pa rin siya sa ginawang pangmamaltrato nung isang babae sa huli.
He hates bully kaya naman sa twing may makikita siyang inaapi mapa lalaki, babae, bakla o tomboy lagi siyang sumisingit at ipinagtatanggol ang mga inaapi.
Siya si Jed Dalawangbayan. Matalino, gwapo, mayaman, mabait, palakaibigan, hindi babaero at ang nag-iisang team captain ng swimming team ng kanilang paaralan. Sabi nila nasa kanya na ang lahat. He doesn't believe so.
Naniniwala siya na hindi lahat ibinibigay ng Maykapal sa isang tao. Dahil kapag nagkataon, mawawalan ng challenge ang buhay at hindi na maiisip ng tao ang Diyos. That's why h believe that he doesn't have it all. It's not because he's not contendted on what he have but because he knows that a perfect life is boring.
"Tss, gumana na naman ang pagiging Knight in Shinning Armor mo, Pinsan." Anang tinig mula sa kanyang likuran.
Nalingunan niya ang kanyang pinsan na si Lloyd. Pinsan niya ito sa mother side atito ang laging ikinukumpara sa kanya. Sa lahat kasi ng pinsan niya sa kanyng ina ito lamang ang ang kasing edad niya. 'Yung iba nilang pinsan kung hindi sobrang mas matanda sa kanila ay ubod naman ng bata.
Ang ipinagtataka niya ay kung bakit sila ipinagkukumpara samantalang bukod sa edad wala na silang pagkakatulad. Ang totoo niyan magkasalungat ang kanilang mga ugali.
Suplado ito samantalang siya ay palakaibigan. Babaero ito samantalang siya ay stick to one, although wala siyang kasintahan ngayon. Gustong gusto nitong nakakakita ng mga aksyon o gulo sa paligid nito samantalang siya nabubwisit siya kapag may gulo sa paligid niya gaya na lamang kanina. Happy-go-lucky ito samantalang siya ay seryoso sa buhay. Ang mga tipo nitong babae ay 'yung may evil side samantalang siya ay gusto niya 'yung mala-Maria Clara ang dating, hindi ganun ka old fashion pero dalagang Pilipina kung kumilos at pati ang ugali. May pagkabully ito madalas pero siya galit siya sa mga bully.
Ang dami nilang pagkakaiba ngunit sa tuwi-tuwina'y lagi silang piangkukumpara. Marahil ay napipikon na itong si Lloyd sa mga kamag anak nila dahil may mga pagkaataon na pinipilosopo o idinadaan nito sa biro ang ginagawang pagkukumpara sa kanilang dalawa.
He has nothing against his cousin. Kahit na maloko ito sa buhay ay maaasahan ito sa kahit anong problema o kahit ano pang bagay na pwede niyang itulong para sa kanya. They're not that close, though. Iyon marahil ang bunga ng walang hanggang pagkukumpara sa kanilang dalawa.
Sa kanila kasing dalawa, siya ang madalas na makatanggap ng papuri samantalang ang huli ang lagi napagsasabihin. Na kesyo buti pa si Jed ganito, ganyan. He have a feleling na sinasadya na lamang nitong magkaroon ng bad image sa mga kamag-anak nila para masatisfy ang mga ito sa mga pagkukumparang ginagawa sa kanila.
"Shut up, Lloyd." Aniya habang bumabalik sa mesa nilang magkaaibigan.
"You're such a kill joy, man! Hindi ko man lang na-enjoy ang scene kanina." Tatawa-tawang turan nito sa kanya.
"Diyan ka magaling, eh. Ano bang napapala mo sa panunuod mo ng mga gulo?" Asik niya rito.
"Thrill! 'Yun lang 'yun." Nakangising turan nito sa kanya.
"Thrill?! Eh halos i-ngudngod na nung babae 'yung mukha nung isa, thrill pa rin ang nararamdaman." Napipikongturan na rito.
"Chill, man! Sino ba 'yung babaeng ipingtanggol mo at mukhng affected na affected ka?" Tanong nito sa kanya.
"I don't know her. And I don't need to know her para lang ipagtanggol ko siya." Sagot niya rito.
"Alam mo, 'yan ang ikapapahamak mo. Sinasabi ko sa'yo. You don't just help a stranger just because you see her in that situation! She did it on purpose para lang mapansin mo."
"Gumana na naman 'yang pagiging mapagduda mo. Kung lahat ng tao pagdududahan mo, you will never have peace in your heart." Aniya rito.
"Amen." Anito na ikinatawa ng mga kasama nila sa mesa. "Kung lahat din ng tao tutulungan mo, pinaglalaruan ka na hindi mo pa nalalaman. Just a friendly advice, man. Don't just help or intrude to anyboby's business kasi malamag sa malamang 'yan ang ikapapahamak mo." He just smirk on what he said. "By the way, do you have a girlfirend right now? 'Cause I remember you telling granny that you don't have one." Kunot noong tanong nito sa kanyan.
"None that I know of. Why?" Balik tanong niya.
"Seriously, man?"
"Saan mo ba kasi nakuha 'yang tsismis na 'yan at mukhang ang dali mong pinaniwalaan." Nakakunot noong tanong niya rito.
"Well, I just heard her said that. Inaway niya pa nga 'yung--" saglit itong huminto na animo may inaalala sa kung ano. "Who's that girl again who always follow you around, well, aside of course from Donna." Anito na sabay baigay ng nakakalokong tingin sa bestfriend nito.
Isang malakas na ang nakuha nito sa bestfriend niya at sinabing, "Hoy, Lloydie, huwag mo nga akong maikumpakumpara sa mga babaeng naghahabol sa mokong na 'to! Hindi pa ako baliw para magkagusto sa pinsan mong 'yan." Mataray na turan nito sa kanyang pinsan.
Napaakamot na lamang sa ulong lumayo ito ng kaunti kay Donna sabay hirit, "Tss asa ka namang magustuhan ka ng perfectionist na lalaking 'to. You're not his type of girl." Pangaasar nito.
"Lloyd, tumigil ka na nga! Si Steph ba 'yung tinutukoy mo?" Tanong niya rito.
"Oo siya, kung sino man siya. Inaway siya nung girlfriend me at sinabihan na layuan ka niya."
"I don't have a girlfriend. Nagpapanggap lang 'yun." Aniya rito.
"If she's not really your girl, why are you not even bother with that?! It's creepy, man!" Anito sa kanya.
"Creepy, it is. Just don't let me caught her on the act or else she will know what she's looking for." May himig na galit na winika niya rito sabay tayo at nagpaalam sa mga ito.
Sumunod naman sa kanya ang mga kasama niya sa mesa dahil mga classmates niya ang mga ito. Naiwan si Lloyd sa mesa nila na animo may malalim na iniisip. Napapailing na tuluyan niyang nilisan ang cafeteria.
BINABASA MO ANG
Right Here Waiting
RomansThey say that true love is the greatest love a person could ever have once in a lifetime. It's great, up to the extent that you are willing to suffer for that love. But how long are you willing to suffer for someone who doesn't feel that great love...