PROLOGUE
"Ako ang iniwan, ako ang labis na nasaktan. Ako pa ba ang kailangang magmakawa para lamang balikan ng taong sa simula pa lang AKIN naman talaga?" --- Anikka
"Ikaw man ang una niyang minahal, gagawa ako ng paraan para makalimutan at mapalitan kita sa puso niya." --- Cristal
"Hindi ko sinasadyang saktan ka, pero siya na ang mahal ko. Irespeto mo sana ang aking pasya." --- Jed
"Tigilan mo na ang pagpapaka-tanga. Alam kong libre 'yun, pero 'wag mo naman sanang araw arawin. " --- Josh
"Hindi mo mauunawaan ang nararamdaman ng taong nagmamahal kung hindi mo pa nararanasan ang ganoong uri ng damdamin." --- Ricca
"Alam kong nasaktan ka, pero hindi 'yon dahilan para saktan mo rin ang iba." --- Ahira
"Bakit ko lalayuan ang taong alam kong magbibigay sa'kin ng kaligayahan na matagal ko ng hinahanap?" --- Lloyd
Sila ang iba't ibang uri ng tao na ang tanging hangad lamang ay lumigaya. Lumigaya dahil sa pagtanggap kung ano at sino sila. Lumigaya dahil sa mga bagay na mayroon sila. At higit sa lahat, ang lumigaya sa piling ng taong minamahal at nagmamahal sa kanila.
Ngunit ano nga ba ang sukatan ng tunay na kaligayan ng isang nilalang? Ano nga ba ang magpapatunay na ang kaligayahan ay base lamang sa tagumpay na natatamasa ng isang tao?
In life, people don't really need everything to be happy. The real essence of happiness is when you become contended of who you are, what you are, whom you're with and what you have. You will only experience the so-called happiness when YOU KNOW what the real meaning of LOVE is.
Love.
Pag-ibig na totoo at busilak. Pag-ibig na handang ibigay ang lahat para sa kaligayahan ng taong minamahal. Pag-ibig na nagbibigay lakas sa'yo ano man ang iyong pinagdadaanan.
Pero paano kung ang kaligayahan mo ay ariin ng iba? Hahayaan mo na lamang bang mawala ito sa'yo ng lubusan? O ipaglalaban mo ito hanggang kamatayan?
BINABASA MO ANG
Right Here Waiting
RomanceThey say that true love is the greatest love a person could ever have once in a lifetime. It's great, up to the extent that you are willing to suffer for that love. But how long are you willing to suffer for someone who doesn't feel that great love...