"Icah." Simula niya.
"Yes?" Pabulong nitong tanong.
"Let go."
"Huh?" Nagugulumihanang tanong nito sa kanya. Noon nito napansin na nakayakap pa rin ito sa kanya. Agad nitong inalis ang pagkakayap nito sa kanya at lumapit sa kinaroroonan ng mga kaibigan nito.
"Are you guys done? I'm famished!" Reklamo ni Ara na sinegundahan naman ng kanyang kapatid na si Nikka.
Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga ito sa kanila at nagtatanong ang mga matang bumaling ang mga sa kanya
"Yeah, we're done." Nakangiting turan niya sa mga kaibigan ng dalaga pagkuway binulungan niya ito. "Paano ba 'yan, Icah, sinaway na nila tayo. Next time na lang ulit ha." Nakangising turan niya rito sabay bira ng alis.
"Grabe ka, Pare. Pinagtripan mo na naman si Ricca." Iiling-iling na turan ni Kent. Isa ito sa mga masasabi niyang tunay niyang kaibigan at nakakakilala ng lubusan sa kanilang magkapatid.
Bukod kasi sa pagiging bestfriend nito sa kanya, pinsan rin nila ito. Maliit lamang ang pamilya nila. Nasa lahi ata nila ang pagkakaroon ng hanggang dalawang anak lamang.
Dalawa lamang silang magkapatid. Siya ang panganay. Kasama niya sa naturang unbersidad ang kanyang nakababatang kapatid na si Anikka. First year college ito habang siya ay nasa third year na. Two years lamang ang age gap nilang dalawa dahil matanda na ang kanilang mga magulang nang magpasya itong magpakasal kaya naman minadali ng mga ito ang paggawa sa kanilang magkapatid.
Buti na nga lamang kahit minadali silang gawin ay maganda pa rin ang naging resulta ng kanilang mga itsura. He got his physical feature from their mom. Thick eyebrow, round eyes na color brown, pointed aristrocratic nose, ang heart-shape lips. Mestizo silang dalawa. Hindi naman nagkakalayo ang itsura nilang magkapatid. Nikka's feature is a combination of his parents'. Nakuha nito sa mommy nila ang heart shape lips pati na ang thick eyebrow nito. Ang medyo singkit na mga mata naman ni Nikka na kulay gray ay nakuha nito sa kanilang ama pati na ang matangos na ilong nito.
Marami ang nagugulat sa tuwing malalaman ng mga ito na kapatid niya ang dalaga. Bukod kasi sa hindi sila magkamukhang magkapatid, hindi rin ipinamamalita ni Anikka na kapatid siya nito.
Hindi sa ikinakahiya siya ng kanyang kapatid, ayaw kasi nito na may lumalapit rito na mga tao upang makipagkaibigan para lamang mapalapit sa kanya. Mga taong may ulterior motive Hindi ito pala kaibigang tao, kung kaya't tanging si Ahira at Ricca lamang ang matituturing na totoon kaibigan nito.
Sa totoo lang, masaya siya sa mga napiling kaibigan ng kanyang kapatid, bukod sa malalapit ang kani-kanilang pamilya, bukal sa puso ng mga kaibigan nito na kaibiganin si Anikka.
"Do you think I was just playing a while ago? C'mon, Man! You know me better than that." Aniya rito
"Whew! So the great Josh Tatlongmaria has finally found his match. That's interesting!" Pang-aasar nito sa kanya.
"What can I say, it might not look like it, but I think cupid has finally hit my heart." Aniya rito.
"Dude, stop that. If people will hear you talking like that, they might think that you're gay." Tatawa-tawang babala nito sa kanya na inambahan pa siya ng halik.
"Seriously?! I don't give a damn about what other people say. Sabi nga ni Lolo, if we think we find someone who will make us feel complete we have to try win her heart. And I really think, Ricca's the one for me." Seryoso niyang sabi rito.
"Grabe, Tol! Ang corny mo!" Pang-aalaska nito sa kanya. "Wait, did Nikka know about this?" Maya-maya ay tanong nito sa kanya.
"Not yet, Bro. But I'm planning to tell her, soon"
"Do you need help with that?" Alok nito sa kanya.
"No. I don't need your help. I'm sure I can tell my sister about it myself. Besides, gusto ko munang kay Ricca sabihin para naman hindi na ko maunahan ni Nikka na magsabi."
"Kung sabagay. Way to go, Brother!" Wika nito sa kanya na tinapik-tapik pa ang kanyang braso.
"GO, BABY JOSH! Kick that ball for me and goal!" Sigaw ni Kayla, classmate niya sa isang subject na bukal na bukal sa pagsasabing gusto siya niyo.
"Go Josh! Go Josh! We love you, threemaries!" Sigaw ng grupo ng mga fresmen na nasa isang bahagi ng field.
"Hoy, mga ineng, may gatas pa kayo sa labi kaya tantanan niyo ang boyfriend ko, ha!" Sigaw ni Kayla sa mga dalagita.
Muntikan na siyang masubsob sa sinabi nito. Wala siyang girlfriend at lalong hindi niya type ang dalaga. Napapakunot ang noong tiningnan niya ang gawi nito.
"Hi Boyfie! Galingan mo para may kiss ka sa'kin ha." Kinikilig na kumaway pa ito pagkasabi niyon.
Dahil nasa dalaga ang kanyang pansin hindi niya nakita ang bola na ipinasa ng kanyang kagrupo. Sapul tuloy siya sa ulo, na out of balance siya kaya naman dere-derecho siyang natumba.
"Oh my gosh! Are you okay?!" Nag-aalalang sigaw nito na akmang lalapit sa kanya. Sinenyasan niya ito na okay lamang siya.
"Bakit kasi hindi ka manahimik diyan nang hindi ka nakaka-istorbo sa nagpapractice." Anang tinig na tumulong sa kanya upang siya ay makatayo.
Sasabihin sana niya sa kung sinumang babaeng tumutulongs kanyang tumayo na kaya niya na ang kanyang sarili ng makita niya kung sino ang nagsalita.
"Ricca!" Daglig tumuwid ang kaninang nakakunot na nuo niya at sumilay ang isang ngiti.
"Ikaw naman, magfocus ka nga sa practice, naturingan ka pa namang captain ikaw pa ang hindi nagpo-focus?!" Pagalit na turan nito.
"Hindi ako makapag-focus kanina kasi hindi pa kita nakikita, pero ngayong nakita na kita, hundred percent focus na ako. Alam mo na, may inspirasyon na ako." Wika niya sabay kindat dito.
Napasipol at nagpalakpakan ang kanyang mga teammates sa kanyang sinabi. May sumigaw pa nga na "Idol!" habang makikita ang paghanga sa mga mata nito.
Dinagukan siya nito ay sabay na isinalampak sa bahagi ng ulo niyang tinamaan ng bola ang cold compress na kanina pa hawak nito.
Bihira lamang manuod ng practice niya ang kanyang kapatid at mga kaibigan nito. Ngunit sa tuwing nanunuod ang mga ito ay lagi itong may dala-dalang first aid kit para sa kanya at kay Kent. Nagsasalitan ang mga ito sa pag-estima sa kanilang dalawa ni Kent.
Kapatid niya ang naka-isip niyon. Kahit madalas na may pagkamaldita ang kanyang kapatid, pagdating sa mga taong pinapahalagan at mahal nito, OA ito sa pag-aalaga. Kaya naman mahal na mahal at iniingatan niya ito dahil nag-iisa lang ang kapatid niya at hindi niya hahayaang saktan ito ng kahit na sinuman.
BINABASA MO ANG
Right Here Waiting
عاطفيةThey say that true love is the greatest love a person could ever have once in a lifetime. It's great, up to the extent that you are willing to suffer for that love. But how long are you willing to suffer for someone who doesn't feel that great love...