Owy point of view"Ano nga owy? Pumayag kana! Ako na nga gagawa ng paraan para makaganti ka eh." Pangungulit neto sakin. Ayoko, ayoko ng gusto nya.
"Kuya sino ba namang baliw ang sasayaw sa gitna ng luneta?! Nababaliw kana ba?" Mema isip din to ng condition sakin. Lahat gagawin para lang mapahiya ako.
"Bahala ka." Hay salamat tumigil nadin to ng pangungulit sakin.
Tumayo na ko at kinuha ang susi ng sasakyan ko. Iinom nalang ako.
Habang pababa ako nakasabay ko yung babaeng kinaiinisan ko sa elivator.
Nakataas lang ang kilay nya. Bgla namang tumunog yung cellphone nya. Aalis ata to. Naka porma eh.
"Ano ba? Sinabi ko na sayo na wag mo kong tatawaging clang kasi hndi tayo close dba?" Sabi neto sa kausap nya sa phone. Hndi naman ako chismoso. Pero dalawa lang kami dto sa elivator at hndi ko maiwasang mapakinggan sya.
"Wala akong pakialam. Basta last na tong pakikipag kita ko sayo nato." Bigla namang bumukas yung elivator at nilagay nya na din yung cellphone nya sa bag nya.
Napanganga nalang ako ng makita ko kung saan sya sumakay. Sa isang maangas na motor. Napaka ganda ng pagkakaset up. Kulay itim ito at maraming sticker na magaganda ang design. Halata mong mabilis ito dahil sa tunog nito.
"Napaka cool mong babae" bulong ko sa sarili ko.
Pagsuot nya ng helmet nya agad nya ng pinatakbo ang motor nya. Sumakay din ako agad sa kotse ko at agad syang sinundan.
Ang bilis nyang mag patakbo. Pero mabilis din akong magpatakbo kaya nasundan ko sya. Nag park sya sa harap ng cafe. Sino naman ang kikitain nya dito.
Clang point of view
Andito ako ngayon sa cafe kung saan magkikita kami ni Mark. Hndi ko sya kaibigan lalong lalo na ex boyfriend.
Ewan ko dto napaka feeling close, porket nag kasama kami sa isang racing feeling nga close na close na kami. Pinagbigyan ko na syang magkita kami kasi nakakaawa na. Para narin mawalan na kami ng communication.
Pagkapasok ko sa cafe nakita ko agad sya nakatalikod. Oo pogi sya mayaman matalino. Pero wala akong balak na jowain sya.
Umupo na ako sa harap nya kaya nagulat sya. "di ako magtatagal ano gusto mong sabihin?" Malamig kong bungad sakanya.
"Please clang. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon na mahalin ka. Kahit wag mo na ako mahalin kahit ako lang magmahal. Bigyan mo lang ako ng chance."
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayoko mark. Ayoko. Kung ayan lang sasabihin mo aalis na ko." Tumayo na ko at lalabas na sana sa loob ng cafe ng bglang may humila sakin sakto pag labas ko ng pinto.
"Please isang chance lang" pilit kong inaalis ang pagkakahawak ni mark sa braso. Nahihiya na ko kasi lumuhod na sya.
"Mark ayoko!!"
Bigla naman syang tumayo ay diniinan ang pagkakawak sa braso ko. "Ayaw mo ha! Gusto mo yung pinipilit kapa?!"
Hinihila nya ko pasakay sa kotse nya. Nagulat nalang ako ng bigla syang bumagsak at napahawak sa labi nya.
Pag katingala ko nagulat ako kung sino ang gumawa non. Si Owy.
"Anong ginagawa mo dto?!" Ewan ko pero nanggigigil ako sakanya. Hndi ko alam kung bakit.
"tinutulungan ka." Naka poker face nyang sabi skin.
"Hndi ko kailangan ng tulong mo!" Pagkasigaw ko sakanya tumakbo agad ako pasakay sa motor ko at pinaharurot ito paalis.
Dumeretso ako sa lugar kung saan mapapakalma ko sarili ko. sa tree house ko. Ako nag pagawa neto. Dto ako lagi nagpupunta kapag ka namimiss ko si mommy odkaya may problema ako.
Bakit ako naiinis sakanya. Dapat nga dba mag thankyou pako kasi tinulungan nya ako. Pero bakit ako naiinis sa ginawa nya kay mark. Kahit na ganon si mark wala padin syang karapatang ganunin si mark.
Mabait si mark oo. Barkada sya ni kuya. Siguradong lagot nanaman ako dun pag nag sumbong yun si mark kay kuya ully.
BINABASA MO ANG
My enemy, My Destiny. [starting]
RomancePano kung yung taong kinaiinisan mo e sya palang magpapatibok sa puso mo? Pano kung sa isang iglap lahat ng galit mo napalitan ng pagmamahal? Enjoy reading!😊😊