Clang point of view.Nakalamay na ngayon si mommy. Marami narin ang nag pupunta dto na iba pa naming kamag anak at mga ka trabaho ni mommy.
Sa ngayon si kuya na ang nag mamayari ng company namin.
Ako naman nakaupo lang dto sa isang tabi yakap yakap ang picture ng mommy ko. Wala na nga kaming daddy iniwan na kami bakit pati si mommy?
Bigla namang tumabi sakin si kuya. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya kaya tinignan ko sya. Bakit hndi manlang sya umiiyak?
"Pano bayan baby girl, dalawa nalang tayo. Dalawa nalang tayong mag tutulungan." Sabi nya sakin at inakbayan ako.
"Kuya bakit hndi ka manlang umiiyak?" Tanong ko skanya ng nakataas ang kilay.
"Kung iiyak pako edi mas lalo kapang iiyak jan. Nilalakasan ko lang yung loob ko. Ikaw din lakasan mo loob mo, wala na tayong mga magulang. I mean not sure, di natin alam kung buhay pa ba si dad pero dalawa nalang tayo oh. Ako na ang magsisilbing nanay at tatay mo." Kahit na buhay padin si dad wala akong pakialam dahil simula nung iniwan nya kami pinatay ko na sya sa puso ko. " iloveyou baby girl" sabi sakin ni kuya at tumayo na para kausapin ang iba pang nakikilamay.
Nagulat kaming lahat ng biglang may pumasok na isang buong pamilya. Speaking of the devil. Si daddy at ang asawa nya tyaka ang 2 nyang babaeng anak. Siguro mas bata sakin to ng 2 taon. Kambal siguro magkamukhang magkamukha eh.
"At ang kapal naman pala talaga ng muka mong pumunta dto" bungad ko sakanya at tumayo ako. Nilapitan ako ni kuya at hinawakan ang braso.
"Baby girl calm down" panghihinahon sakin ni kuya.
"Matapos mo kaming iwan? Babalik ka kung kelan patay na si mommy? At dinala mo pa dto yang kabit mo!" Hndi umiimik si dad at ang kanyang bagong asawa. Napatingin naman ako sa asawa nya na walang wala sa muka ni mommy.
"Pag galang nalang sa mommy mo clang pabayaan mo na kaming makita sya" sabi sakin ng asawa ni dad. Pano nya ko nakilala?
"Pag galang? Bakit nung buhay paba sya ginalang nyo sya? Naturingang bestfriend ka ni mommy nilandi mo si dad?" Sabi ni kuya. Bestfriend sya ni mommy? Ngayon ako naman ang pumipigil kay kuya.
"Ngayon kung may hiya pa kayong buong pamilya. Umalis na kayo dto. Hndi namin kayo kailangan." Sabi ko sakanila habang tinatawag ang mga guard sa likod nila. Nagpupumiglas parin sila.
"Aalis kayo o ako mismo kakaladkad sainyo palabas?!" Sigaw ko sakanila kaya agad naman silang lumabas.
Pagkalabas nila wala kang maririnig na ingay sa apat na sulok ng kwarto na to. Binigyan ako ni yaya minda ng tubig.
"Pabayaan mo na yung mga yun. Makakapal talaga ang mga muka non" bulong sakin ni yaya habang binibigyan ako ng tubig.
----
Dalawang linggo na ang nakakalipas ng ilibing si mommy. Nakakapasok narin ako. Pero masakit padin eh.
Naninibago narin ako kasi wala ng nang gugulo sakin. Well mas ok na yun. Sawang sawa na ko. Pag nakikita din ako ni owy umiiwas din sya ng tingin.
Si ranz naman patuloy parin sa pagpapadala ng bulaklak. Nalaman ko naman na si kuya pala eh barkada nila. Sila pala yung mga kaibigan dati ni kuya na pumupunta sa bahay. Yung nangaasar sakin. Hndi din alam ni kuya na naging kami ni ranz dati.
Andto ako ngayon sa cafeteria 2hours ang vacant ko. Kaya dto ako tumatambay mag isa.
Habang kumakain ako biglang may umupo sa harap ko. Si owy
"Iinisin mo nanaman ba ko?" Tanong ko sakanya ng nakataas ang kilay.
"Hndi." Malamig nyang sagot.
"eh bakit ka andto?" Nakataas padin ang kilay ko.
"Wala lang." malamig nya pading sagot.
Tatayo na ko ng bigla ako natapunan ng juice ng nakabangga kong babae.
Tinaasan nya ko ng kilay.
"Lumuhod ka." Sabi nya ng malamig. At bakit naman ako luluhod? Ako na nga ang natapunan ako pa ang luluhod
"At bakit naman ako luluhod? Ikaw ang dapat lumuhod." Pinamewangan ko sya at tinaasan ng kilay.
Lahat ng studyante dto sa cafeteria nakatingin na samin. Si owy naman ay gulat na gulat sa inasta ko. Halos lahat sla, sino ba kasi tong babaeng to. Mag iisang taon na ko dto pero ngayon ko lang sya nakita.
"Aba! At san ka kumukuha ng lakas ng loob para sagutin ako ng ganyan?" Nang gagalaiti nyang sigaw sakin.
"At san ka naman kumukuha ng kapal ng muka para sigawan ako?" Calm down clang, wag mo syang papakitaan ng self defense mo. Makakawawa sya. Wala syang laban sayo.
"Wtf! Sino ka para sagutin ng ganyan ang queen bee ng school?" Sigaw ng babae sa likod nya. Ah kaya pala eh queen bee pala to. Hahaha sabagay muka syang bubuyog.
"Seriously?" Napahalakhak ako na ikinataas ng kilay ng lahat. "Ganyang muka queen bee?" Tuloy padin ako sa pag tawa. "Sabagay muka ka namang bubuyog." Sabi ko sakanya at binangga sya pagkaalis ko sa harap nya. Buong cafeteria nag tatawanan sa sinabi ko.
"Hndi pa tayo tapos!" Sigaw nya sakin habang sinusundan ako.
"Well, para sakin tapos na tayo. Ayoko ng bumaba sa lebel mo." Lahat ng studyante sa cafeteria tawa ng tawa. At yung queen bee na yun? Ayun naka tunganga hahaha sinundan naman ako ni owy.
"Napaka maldita mo talaga pati queen bee ginanon mo" bulong nya sakin ng makatabi na sya sakin.
"Malamang. Ako na nga tong natapunan ako pa tong gaganunin nya" sabi ko sakanya ng nakangisi.
May binigay naman syang susi ng locker.
"Kuhain mo yung uniform dun. Mag palit kana." Nginitian nya ako bago umalis.
Wtf. Anong nangyayare kay owy? Bakit sya ganon? Bakit ang bait nya ngayon?
BINABASA MO ANG
My enemy, My Destiny. [starting]
RomancePano kung yung taong kinaiinisan mo e sya palang magpapatibok sa puso mo? Pano kung sa isang iglap lahat ng galit mo napalitan ng pagmamahal? Enjoy reading!😊😊