Chapter 4

28 4 0
                                    



Clang point of view

Nagising ako ng bigla akong lamigin. Pagkabangon ko nagulat ako ng nandito parin pala ako sa tree house ko.

Pag ka kuha ko sa cellphone ko ay may 15 miss call si kuya ully at may 5 text. Dinaig pa si mommy.

Binuksan ko ang nga message nya.

"Asan ka?"

"Anong oras na sabi ni yaya minda wala kapa sa condo!"

"Wala kabang balak umuwi?!"

"Bakit ayaw mo sagutin mga tawag ko?!

"Claaaaaaaaaaang! Papunta na ko sa condo mo!"

Nagkanda aligaga naman ako ng nabasa ko yung last message ni kuya. Nako malilintikan talaga ako neto.

Bumaba agad ako mula sa tree house ko at sumakay na sa motor ko. Pinaharurot ko na yung motor ko para mabilis na makauwi sa condo.

Wala pang 15 minutes nakarating na ko sa condo.

Nang nasa harap na ko ng pinto ng unit ko naririnig ko yung boses ni kuya na naguutos kay yaya.

Dahan dahan kong binuksan yung pinto. Akala ko hndi nya ako napansin. Pero bgla niya akong tinawag.

"Bakit ngayon ka lang?!" Nakapamewang na tanong sakin ni kuya ully.

"Ah eh.. ka-kasi a-ano..." utal utal kong salita sakanya na ikinataas ng kilay nya. Ayoko namang sabihin na galing ako sa tree house ko kasi ayaw nya ng pumupunta ako dun.

"Ano?!" Sigaw nya sakin na ikinagulat ko.

"Jan lang nag pahangin" mabilis kong sabi sakanya.

"Simula kaninang tanghale?" Teka bakit ba ko nag papaliwanag sa kolokoy na to.

"Teka nga. Bakit ba ko nag papaliwanag sayo." Ngayon ako naman ang nag taas ng kilay at pinamewangan ko sya. "Kaninong condo bato ha?"

"Sayo"

"At anong ginagawa mo dito?"

"Wala lang namin lang kita" sabay ngiti nya ng nakakatakot.

Bigla nya akong hinila at binuhat hinagis sa sofa at ni wrestling. Ganyan yan lagi. Ako laging sinasaktan nyan pero may isa syang sinabi sakin na never kong nakalimutan nung nag away kami.

"Ako lang ang pwede manakit sayo. Kapag sinaktan ka ng ibang tao ako mananakit sakanila" sweet ng kuya ko no.

"Tama na yan" pag pipigil sakanya ni yaya minda. Halos mangiyak ngiyak na ko sa pambubugbog nya.

"Ito na po" hay salamat tinigilan nya na din ako. "Maligo kana dun ang baho mo na" sabay tawa sya ng malakas.

"Hoy ang kapal ng muka mo. Kahit hndi ako maligo mabango padin ako" tapos tinaas ko yung kamay ko sabay paamoy sakanya ng kili kili ko. "Oh amuyin mooo"

"Ang baboy mo talagaaa!!" Sigaw nya sakin na kinatawa ko.

Bago ako pumasok sa kwarto binelatan ko muna sya.

Ang swerte ko lang kasi nag karon ako ng kuya na ganyan. Mabait makulit pogi at macho. Hahahaha. Tama na lalaki na ulo nyan.

Naligo agad ako at nagbihis ng pajama at jacket. Dumapa ako sa kama ko at inopen yung fb ko.

May isang video na nakatag sakin kaya inopen ko.

Nagulat ako ng makita ko yung video...

Ayun yung nangyare kanina sa cafe. At yung nag vivideo si...

"OWY NANAMAN?!!" Napasigaw ako ng tinapat nya pa yung camera sa muka nya at tuwang tuwa habang vinivideohan akong naiirita sa pag hila sakin ni mark.

Maraming may nag comment. Like..

"Si clang yan dba? Malandi talaga"

"Di manlang sya naawa sa lalaki"

"Grabe naman yung trato nya sa lalaki walang awa"

Like wtf! Wala kayong alam!

Worse pa yung caption nya sa video "pag hndi ka pinagbigyan ng jowa mo be like" ang bastos naman netooooo!!!
----------
Owy point of view

Natatawa nalang ako habang tinitignan kung pano sya binabash ng mga fg ko. Bwahahaha nakaganti nadin akooo.

Bigla naman may nakaagaw ng pansin ko na comment "you want a game? Well i will give you a nice game! See you in hell assh*le." "Clang Reyes"

Bigla naman akong kinabahan sa comment nya. Napalunok nalang ako at tinignan ang kanyang profile. Sya nga. Siya nga yung babae sa katapat na unit namin. Well. Maganda naman talaga sya. Tumutugtog pala sya. Nag rarace din sya ng motor. Kaya siguro ganun kaangas yung motor nya.

"Bro! Ang bad ng ginawa mo" bigla namang tumabi sakin si kuya oliver.

"wala akong pake. Napahiya din kaya ako kanina" sabay irap ko sakanya.

"Ewan ko sayo." Nagkibit balikat nalang ako.

Kinabukasan nagising ako sa ingay ng mga tao sa labas.

Pagkalabas ko sa kwarto na boxer lang ako at naka pikit pa yung isa kong mata habang humibikab ng makita ko si Ranz at Gab sa sala.

"Ang aga aga ang ingay ingay nyo!" Sigaw ko sakanila habang nag lalakad ako papunta sa lababo para mag sipilyo.

"Goodmorning hahahaha!" Bati ni gab sakin. Mag gogoodmorning nalang tatawa pa

"Bro nakita mo na ba yung picture mo? Hahahah pinost nung clang reyes kagabe" bungad sakin ni ranz ang mata kong kanina ay nakapikit pa ay bigla nalang lumaki ng hndi ko namamalayan.

Hndi pako tapos mag toothbrush at kumaripas nako agad papunta sa kwarto para kuhain yung phone ko.

O M G. Di ko alam kung maiinis ako o matatawa ako sa sarili ko pero napost yung picture ko na naka brief habang tulog na nakabukaka may ipis pa bunganga ko.

"Kadiri bro" napalingon naman ako kay kuya oliver na nag tatatakla habang umiiling ng ulo.

Hinahamon mo ba talaga ako? Well bibigyan kita ng magandang laro.

My enemy, My Destiny. [starting]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon