Clang point of viewNatapos na ang vacant time ko atsaka pumasok na agad sa next subject ko.
Habang nag lalakad ako papunta sa next class ko bgla akong naka tapak ng parang lubid kaya napatigil ako.
Maya maya pa ay bigla kong naramdaman ang pagka basa ko at nag kulay pula ako.
Lahat ng studyante ay nakatingin sakin. Yung iba nag bubulungan at yung iba naman tumatawa.
Sa di kalayuan nakita ko si owy na nakangisi sa likod ng isang pader.
"Owyyyyyy!" Pagkasigaw ko eh bigla nalang sya tumakbo.
Agad din akong tumakbo papunta sa cr ng girls.
Mangiyak ngiyak ako habang tumatakbo dahil sa kahihiyan na nangyare sakin. Pagkapasok ko sa cr ng girls nilock ko agad ang pinto at humarap sa salamin.
T*angina mo owy posadas makakaganti din ako sayo.
Nagkulong lang ako sa cr ng biglang may kumatok sa pinto.
Nataranta naman ako kasi baka may gagamit ng cr or baka may nag sumbong sakin baka akalain na nag ditch ako ng class
Pagkabukas ko ng pinto wala namang tao kaya nilibot ko ang mata ko. Wala naman ng tao sa corridor kasi lahat siguro nasa kanya kanya na nilang klase.
Pero naagaw ng pansin ko ang isang box sa tapat ng pinto. At may letter sa ibabaw neto.
"Change your clothes. 25 minutes nalang uwian na. Di kana nakapasok sa 2 mong klase. Ayokong umuwi ka ng ganyan itsura mo."
Tumaas ang kilay ko ng nabasa ko ang message na yun. Sino naman kaya ang magbibigay sakin ng extra uniform. At oo. 2oras na ko dto sa cr.
Agad akong naglinis ng katawan at agad kong sinuot ang damit na binigay sakin ng hndi ko kilala.
Habang naglalakad ako papunta sa parking narinig ko ang bell hudyat ng uwian na.
Tumakbo na ako dahil for sure pagtatawanan ako ng mga school mate ko dahil sa kahihiyan na nangyare sakin.
Ng nakarating na ko sa parking lot. Nagulat ako sa nakita ko.
Tanggal ang gulong ng motor ko at nakatabi lang iyon.
Mangiyak ngiyak ako sa inis. Sinusubukan mo ba talaga ako owy posadas? Well. Pagbibigyan kita sa gusto.
Buti nalang at hndi ko inaalis ang mga tools ko sa motor ko kaya inayos ko agad ito.
Madami ng nagpupunta dito sa parking lot. Tinitignan nila ako at tinatawanan.
"Diba sikat yan? Binubully lang pala sya." Sabi nung babae na pasakay na sa sasakyan nya.
"Kawawa nga eh. For sure mas tetrending yan sya pag inupload yung video nya habang basang basa sya." Napalingon naman agad ako sakanila kaya agad silang sumakay sa kotse nila.
Video? Wow vinideohan pa ang kahihiyan ko ha. Ginalingan din eh.
Ng matapos kong ayusing ang motor ko agad ko itong pinaharurot papunta sa condo ko.
Sa sobrang gigil ko. Wala pang 10 minutes nasa condo na ko sa sobrang tulin ng patakbo ko.
Naligo agad ako at nagbihis ng pajama at sando. Hndi din ako kinausap ni yaya dahil sa alam nya na badtrip ako.
Pagka open ko ng fb ko maraming nag mention sya at nag tag sakin ng lintek na video na yun. Hndi ko nalang pinansin.
"Gagantihan kita, sa physical na paraan. Babalian kita ng buto nakakapang gigil ka." Bulong ko sa sarili ko.
Pagkalabas ko ng kwarto wala si yaya sa kusina wala din sa sala siguro nasa kwarto nga pa.
Habang nanonood ako ng tv na bored ako kaya pumunta ako sa 7/11 para bumili ng magnum. Favorite ko kasi yun.
Hndi na ko nagpalit ng damit dahil bababa lang naman at sa tapat ng naman ng condo na to ang 7/11
Kinuha ko lang ang wallet ko at naglakad na palabas ng condo. Habang nasa elevator ako nakasabay ko naman si ranz sa pababa sa elevator.
Halata mo sakanya na may gusto syang sabihin. Pero hndi nya magawa. Nakasimangot lang ako habang nag aantay na makarating sa ground floor.
"Ka-kamusta ka-kana?" Utal utal nyang tanong sakin.
"Ayos lang." sagot ko sakanya ng hndi sya tinatapunan ng tingin. Sakto naman at tumunog na ang hudyat na nasa ground floor na kami.
Agad akong lumabas sa elevator at naiwan sya dun.
Naglakad na ako papunta sa 7/11. Habang nag lalakad ako nararamdaman ko na ang lamig. Ang tanga ko naman kasi. Alam ko namang gabi na bakit hndi pako nag jacket.
Pagpasok ko sa 7/11 agad akong kumuha ng 5 magnum ganyan ako katakaw sa magnum haha.
Ng nabayadan ko na palabas na ko ng 7/11 ng makasalubong ko si Ranz, owy at ang kuya nyang si oliver.
Tumigil sila sa pagpasok at halata mo na hinaharangan nila ang dadaanan ko palabas.
Nakangisi lang si owy habang nakatingin sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay.
"Kamusta na miss red tide?" Pangaasar nya sakin ng nakangisi.
Di ko na sya pinansin at amba ng lalabas pero hinarangan nya yung dadaanan ko. Sa sobrang gigil ko ay natadyakan ko ang birdy ka.
Napayuko sya at kita mo sa muka nya ang sakit gulat din ang muka ni ranz at oliver.
"Kulang pa yan sa pagpapahiya mo sakin" nginisian ko sya at napaluhod sya. Umupo ako ako para makapantay ko siya. "Oh hndi pa nga ako nakakaganti ng malala lumuluhod kana para humingi ng tawad. Poor owy" pangaasar ko sakanya na halata mo sa ekspresyon nya ang pagkainis. Hndi sya makapag salita siguro sa sakit ng pagkaka tadyak ko sa birdy nya hahaha.
Bago ako umalis tinitigan ko muna ng masama si oliver at ranz na ikinaiwas ng mata nila. Umalis na ako don ng nakangisi.
Ang gaan na ng feeling ko pero kulang payun no. Nag sisimula palang ako. Sample palang yan ng physical na pag ganti ko.
BINABASA MO ANG
My enemy, My Destiny. [starting]
RomancePano kung yung taong kinaiinisan mo e sya palang magpapatibok sa puso mo? Pano kung sa isang iglap lahat ng galit mo napalitan ng pagmamahal? Enjoy reading!😊😊