Chapter 5

21 4 0
                                    



Clang point of view

Lumabas na ko ng kwarto para mag almusal. For sure nakita na nung owy na yun yung pinost ko. Bwahahaha, salamat kay oliver sa pag tulong sya sakin kagabi na gantihan yung kapatid nya.

"Nak may nagiwan pala ng bulaklak jan sa labas ng pinto" sabi sakin ni yaya minda. Sino nag magbibigay sakin ng bulalak.

"Asan po yaya?" Pagtatanong ko ng nakataas ang kilay.

"Jan sa center table nak" pumunta agad ako sa sala para kuhain yung bulaklak.

Siya nanaman. Matagal tagal nya na din akong tinigilan sa pag bibigay nya ng bulaklak.

Simula 1st year highschool nililigawan nya ko. Alam kong bet lang nila mag babarkada yun pero pinatos ko padin.

Nag 1taon din kami ng puro lokohan lang ang lahat. Pero nung na may nararamdaman na ko sakanya at ready na kong seryosohin sya nakita ko sya sa bar. May kahalikang babae. Umalis ako nun sa bar alam kong nakita nya ko dahil sinundan nya pako. Pero nasampal ko lang sya. Simula nun araw araw na syang nag bibigay ng bulaklak sakin.

"Hoy baby girl! Kumain kana!" Sigaw sakin ni yaya kaya nabalik na ang ulirat ko.

"Opo yaya. Ito napo" tumayo agad ako para kumain. Bukas na nga pala ako papasok sa bago kong school. Andun naman yung bestfriend kong si dian pero mas maraming kaibigan mas masaya.

"Nga pala yaya, pano ka dto pag nasa school ako?" Pag tatanong ko kay yaya na nakaupo sa salas habang nanonood ng tv.

"Maglilinis ako, tapos maglilinis ulit tapos mag lilinis ulit." Oo yaya. Napaka saya mo kausap napaka tino pa hahaha

"Di mo naman kailangan maglinis yaya kasi malinis naman na tong condo. Pwede ka namang mag mall yaya kung gusto mo." Sabi ko sakanya habang nag liligpit ng pinagkainan ko.

" ay nako nak hndi na. Dto nalang ako. Gagawa ako ng paraan para may magawa dto" ang sipag talaga ng yaya ko. Hehe

Kinabukasan....

6:50 ng nagising ako. 7:30am ang class ko. Malalate ako sa first day kooo? Nooo.

Agad akong tumayo sa higaan ko at naligo. 20 minutes ako naligo. Hndi na ko nakakain kaka madali. Nasermonan nanamn tuloy ako ni yaya.

Dumeretso agad ako sa parking lot at pinaharurot ang motor ko papuntang school.

7:25 palang ng makarating ako sa school may 5minutes pako para mapuntahan 1st class ko.

Habang tumatakbo ako biglang may bumangga sakin.

"Ikaw nanaman?! Salot ka talaga sa buhay ko" pagkatayo ko pinagpagan ko agad ang palda ko.

"Wow ha! Ikaw tong tumatakbo jan kala mo naman may humahabol sayo!" Nako talaga kung hndi lang talaga ako late papatulan ko tong owy na to.

Tinarayan ko nalang sya at tumakbo na papunta sa class room ko.

Pagkadating ko sa klase mag prof na. Dumeretso ako papasok. 1st day naman daw kaya ok lang kahit na malate pero next time wag na daw mauulit.

Habang seryoso kaming nakikinig sa prof eh bigla namang may tatlong itlog sa pinto na hingal na hingal.

Napataas ang kilay ng prof naming matanda "ok lang sana kung malalate kayo ng 1minute like ms...." tinuro ako ng prof ko kaya agad kong sinabi surename ko.

"Reyes po."

"Like miss reyes, pero para malate kayo ng 25 minutes?! Nananadya naba kayo?!" Sigaw sakanila ng prof namin. Hndi ko makita yung muka ng isa kasi nasa likod sya nung dalawa. Yung isa si ranz. Ang laki ng pinagbago nya, pogi at malaki na ang katawan. At yung isa naman hndi ko kilala.

"Sorry po" sabay sabay nilang sinabi.

"Sge na pumasok na kayo!" Tinaasan nya ng kilay ang tatlo habang papasok ng klase. Nanlaki ang mata ko ng makita ko yung nasa likod. Kaklase ko sya? Mukang tuwing umaga masisira araw ko ha.

Nakaupo na yung dalawang itlog sa likod ko. At may isang bakanteng upuan pa sa tabi ko. At si owy nalang ang hndi pa nakakaupo.

Nakatingin lang ako sa harapan ng at nagdadasal na sana hndi sya umupo sa tabi ko.

"Hi classmate" nakangisi nyang bati sakin.

May balak pakong kausapin neto. Nangaasar bato ha.

Hndi ko na siya pinansin kahit na iritang irita na ko sakanila kasi napaka ingay nila alam ng may nag lelecture.

Natapos na din ang klase na to. Inayos ko na yung gamit ko at dumeretso na sa cafeteria. Pagkadating ko sa cafeteria nakita ko agad si dian.

"Uyy besss!" Bungad nyang sigaw sakin ng makita nya ako.

"Ang ingay mo! Mahiya ka naman. Ang dami daming tao" hila ko sakanya papunta sa isang table.

"Kamusta ka naman?" Nakangiti nyang tanong "Ang sweet nyo ni owy ha. Close naba kayo? Alam mo ba crush ko kuya nun! Sikat yun!" Bigla naman ako napasimangot sa sinabi nya.

"Hay nako. Nakakabadtrip nga yun eh. Feeling close eh masyadong pakialamero nakakainis." Iritadong sabi ko sakanya.

"Ano kaba ang sweet---" pinutol ko na agad yung sasabihin nya

"Kung ayan lang sasabihin mo wala akong panahon para jan. Di kaba nakakahalata naiirita ako sakanya" sabi ko sakanya.

"Ok.. nga pala bakit hndi kana pumupunta sa Regs? *bar po yun* ang dami ng naghahanap sayo dun. Namimiss kana nila ka race! Haha" nakikipag racing kasi ako. Nag babar din ako hahaha. Pero di na masyado ngayon. Tinatamad na din ako minsan eh.

"Pupunta ako dun. Tinatamad lang ako.." pero teka wag nyang sabihing.. "wag mong sabihin na pumupunta ka dun mag isa?!" Iniwas nya yung tingin nya sabay tawa. May sayad talaga tong gagang to.

"Eh wala akong magawa sa bahay eh hahaha" ito talagang babaeng to. Nako pag may nangyare dto ako malalagot kay tita. Pinsang malayo kasi kami. Kelan lang din namin nalaman haha

"Ikaw talaga! Nga pala ano sched mo? Vacant ako ng 2 fcking hours!" Oo 2hours nakaka inis nga eh.

"May klase ako. Ditch tayo." Bad talaga neto. Hahaha

"Bad ka talaga! Pumasok kana dun hala sige dun kana!" Tinutulak ko sya patayo para umalis na at pumasok na.

"Oo na ito na haha" tinatawanan pako. "Pero teka anong nakain mo bakit ang bait mo ngayon? Haha" aba mabait naman ako ah haha.

"Tse! Pumasok kana dun!!" Sabi ko sakanya ng nakangiti.

Pagkaalis nya iniwan ko muna yung bag ko sa table para kumuha ng pagkain. Nagugutom na ko di ako nag breakfast kaninang umaga.

My enemy, My Destiny. [starting]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon