Chapter 5

47 20 12
                                    

Tulala ako nang makauwi kami ni Sean sa bahay. Hard to believe but we still had the guts to get our grocery items back. Mabuti nga't wala namang nakialam no'n nang iwan namin sa parke. Kasi naman, siguradong malilintikan rin ako kay Mamang kung uuwi akong walang bitbit. Nagsasayang ng pera kamo.

Walang tao sa bahay paguwi namin. Nagkulong muna ako sa kwarto pagkauwi ko dahil pinag-isipan ko yung dapat na gawin. What if I should just get him out of here? Maybe hide him somewhere? Iyong lang ang iniisip ko. Ang ilayo sya rito. Akala ko naman kasi ligtas sya rito eh.

Matapos ang ilang oras ay lumabas na ako. Nagpalit ako madali ng kamisete saka hinanap si Sean sa sala. Nandun sya, tulala sa kawalan na para bang may hinihintay. Napatayo sya paglabas ko.

"Stay here." Hindi ko na sya hinintay na magsalita. Pero pinigilan nya ako nang aktong papalabas na ako.

"You really won't tell me anything?"

Hindi sya makapaniwala.Tamo 'to, may sinabi na kaya ako sa kanya! Lolo. Pero ako rin, Sean. Ewan ko ba kung bakit ayaw kong magsabi ng kung ano sa kanya. It's true that I don't want to bring him into trouble more. Pero parang may mas malalim pa akong rason.

Binaklas ko ang pagkahawak nya sa braso ko. "A-Aalis lang ako. Dito ka lang."

"And where l are you going? Back to that place? Why can't you fucking explain anything, Aurie? Is this about me? Or about you? Kasi nagaalala rin naman ako!" Mahabang litanya nya.

I didn't answer. I turned my back at him instead. "Huwag kang lalabas."



What am I doing?

Two weeks is long enough for Sean to stay with you. Kailangan nya nang maalala kung sino talaga sya, Auria! Linakad ko ang daan patungong kabila ng Ilog. May tulay roon, probably gawa pa ni Greg. Gusto kong bumisita sa isang kaibigan. Ewan ko ba at kapag sya ang kasama ko ay mas nakakalma ako.

"Auria?" Bati saakin ni Heira nang mamataan ako mula sa kalaliman ng gubat. "Napabisita ka? Pasok ka muna."

Nginitian ko sya. Malamlam ang mga mata ni Heira na para bang ulap. Kulay lupa ang mga ito. Maputi ang kanyang kutis na kung tamaan ng sinag ng araw ay tila kumikinang. Literal 'yun. She looks like she's shimmering every time I see the sun behind her. Sya nga pala ang isa sa mga pinakamatalik na kaibigan ko, except Greg of course.

"Aayain sana kitang maligo sa talon."

Napatingin sya sakin, nagtataka pa rin. Ngumiti sya. "Sige ba."

Tuwing kasi nagsasama kami nito ay parang hang out na namin ang maligo sa talon, hindi kalayuan sa bahay nya. Doon nagmumula ang tubig namin mula ilog at batis. Hindi nagtagal ay tumulak na kaagad kami papunta sa lugar.

"Bakit ka nga pala napabisita ngayon?" Tanong nya nang makalublob na kami sa tubig. Sumibya sya ng tubig sa mukha.

Somehow, I envy this woman. Napakanatural kasi ng ganda nya. Walang ka-effort effort. Samantalang ako, high maintenance! Magbababad sa kalamansi, maglalagay ng itlog sa mukha, iko-consider yung mga kinakain. I sighed.

"Namomroblema na kasi ako sa buhay ko." Saad ko. Mahinhin naman syang tumawa.

Isa pa yun. Napakahinhin nya. Para syang iyong Maria Clara sa panahon namin. Kaya hindi na talaga ako nagtaka kung kinaiinggitan sya ng buong baryo. Kasama na ako. Joke. Sabi naman ng iba, mahinhin ako. Pero siguro kung ako ang tatanungin ay hindi. Siguro ay tahimik, conservative at mataray lang talaga. 'Yun ang ugali ko.

"Paano mo naman nasabi iyan?"

"I've just kidnapped a person, dude." Naiinis na sabi ko. "Now I have to babysit him just because he lost his memories. Supposedly, I should be helping him gain his memories back. But I don't know. Aish!"

She's A Kidnapper (Discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon