Chapter 15

3 0 0
                                    

Masama ang loob ko buong araw. Kaya't para magpalamig ay nagpalipas ako ng oras sa bahay ni Heira. Doon ko linabas ang sama ng loob ko.

Hindi ko man naikwento ang lahat kay Heira, nailabas ko naman an nararamdaman ko. Laking pasalamat ko na iyon sa kaniya. Umuwi lang ako sa bahay nang pumatak na ang dilim dahil alam kong pagkauwi na pagkauwi ko ay kakausapin na ako ni Sean.

I wasn't ready yet. But I had to face it.

"Auria,"

Ewan ko kung ako lang ba pero, tila ibang Sean ang kaharap ko ngayon kaysa nakasama ko sa nakaraang buwan.

I forced a smile at him.

Hindi ko alam kung nakikita niya dahil hindi ko naman siya kaharap. Nasa balkonahe kami at sa veranda ko siya mismo hinintay.

"Sean?" I greeted him back but it only sounded like I was asking him what he needed. I couldn't help it.

Alam ko namang aalis siya mismong pagbalik ng mga alaala niya. At the back of my mind, I wanted to stop that from happening. But I guess, what's meant to happen just happens.

Pumwesto siya sa tabi ko saka sumandal sa veranda. I chose to maintain my eyes in the sky, admiring the thousand stars.

"Uhhm." He croaked, then cleared his throat. "Galing ka ba kina Heira?" I couldn't help but think that it seems like right now, we're strangers. And this is our first conversation.

I nodded as an answer.

"Ganon ba? A-Are you... feeling better now?" 

He was trailing off. And I didn't know whether I should answer truthfully or fake it but I chose the latter one. Ayoko nang pahirapan pa ang mga sarili namin.

I know this is harder for him anyways. And I don't wanna make it worse than how it's already is.

"Ayos lang naman ako." I maintained a small smile on my lips. Hindi ko alam kung pansin niya but he heaved out a sudden sigh.

"Auria," He's almost pleading. "Kailangan ko'ng malaman mula sa'yo ang buong katotohanan. Nalilito ako, Auria. Naaalala kita. But I'm not sure if this memories are real or not. So please..."

I knew the story. He went into the Forest of Memoria. Batikan ang lugar na iyon sa isla namin. Marami nang naging kwento at first-hand experiences doon ang taong bayan dito. Dahil once na pumasok ka roon, dalawa lang ang pwede mangyari. May babalik sa iyong nakalimutang alaala o may mawawala.

I sighed.

"Auria...ㅡ"

I bit my lips.

"Can you atleast just call me Aurie?" I met his brown eyes.

I don't know but I hated the sound of my name on his lips. Gusto ko, kung ano iyong tawag niya sa'kin noon ay iyon lang. Ayoko. Ayokong tawagin niya ako sa pangalan na para bang hindi niya ako kilala.

He puffed his breathe. "A-Aurie,"

That made me feel a little better. I smiled at him.

"Kailan ang alis mo?"

It was suffocating to ask that but I did. Wala namang magagawa kung magmumukmok lang ako kahit ng buong buhay ko pa. Aalis at aalis rin naman talaga siya.

"Sasamahan ako bukas ni Amang sa Sanggunian. I've been also asking around the town about the Ongtianco Mayor kanina kaya't nalaman kong naroon pala iyon sa likod ng Plaza Capitol. Siguro bukas kapag napayuhan na namin ang kompanya, pwedeng sa mayor muna ako ng isang linggo bago bumalik sa syudad."

She's A Kidnapper (Discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon