Chapter 6 (Part 2)

32 16 5
                                    

"Anong problema nila?" Bulong sakin ni Heira nang mapansin na ang masamang tinginan ni Sean at Grief.

Napairap ako. "Ewan ko ba d'yan."

Pati ba naman kasi sa harap ng hapag? Hindi naman sila nagvo-voice out or something pero heto at nagawa pang magkumpitensyahan.

Pritong isda ang ulam na hinanda kanina nina Heira. At dahil nandito na rin naman kami ay inaya na nila kaming sumalo sa panghapunan.

Gumawa si Grief ng toyo na may kamatis at sili, doon nya sinasawsaw ang ulam. Nagpasikat rin naman yung bitbit kong kalabaw kaya gumawa rin. Mas dinamihan pa nga ang linagay na pampa-anghang. Hanggang hayun at panay na nga ang dagdag nila.

Sabay na lang kaming napahilamos ni Heira. Mga bata ba 'tong kasama namin?

Bago pa magala-seis ay tinahak na namin ni Sean ang daan pauwi. May bitbit akong tubig habang sya naman ay pinapapak ang minatamis na gawa ni Heira.

Kinablit nya ako. "Tubig..."

Masama pa ang tingin nang iabot ko sa kanya iyon. Nangingimi naman syang kunin yun. Papatol patol kay Greg, hindi naman pala kaya yung anghang. Jusko!

Kinabukasan, maaga akong ginising ni Mamang. Ako ang pinapunta nya upang magbisita kay Aaron. At oo, nakabuntot na naman nga sa'kin si Sean.

"Sya ba 'yun?" Bungad sa'kin ni Aaron nang maupo na sa harapan namin. Nasa canteen kami ngayon.

Kagaya ko ay kayumanggi rin ang kulay nito. Halata pa rin ang medyo pagkakulot ng maikling buhok. Ngunit mas makapal ang kilay nya kesa sa'kin. His jet black eyes bore unto mine. His thickish red lips stretched into a smile.

"He'd be so mad at you."

Si Aaron iyong tipo ng tao na madaling pakisamahan, nakakatuwang makasama, at masiyahin. But on the other side, isa sya sa mga taong napakahirap basahin. Beyond those boyish smile is a different man. Hinding-hindi mo malalaman kung ano ang iniisip nya o kung ano. I rolled my eyes at him.

Napatingin ako kay Sean. Nililibot nito ang paningin sa loob ng canteen. Napansin nya na ata kanina si Aaron. He even nodded at him. Aaron just smiled and greeted him back saka sila gumawa ng weird handshake. Nagtaka pa nga ako na meron na kaagad sila noon pero baka boys stuffs lang? Madalas kasi iyon gawin ni Aaron at ni Greg noon, nung hindi pa highschool si Aaron. I shrugged the thought off.

"Hindi ka ba natatakot?-" si Aaron.

"Tigilan mo nga akong, bubwit ka. Wala kang alam, okay?" Kunutusan ko sya. Bwiset kasi, hindi maka-get over?!

Hindi ko nalang inintindi ang sinabi nya saka kinuha sa balikat ni Sean ang hinihingi nyang gitara, na mismo ay gawa pa ni Amang. Matagal nya na iyon hinihingi. Ngunit sabi ni Amang ay ibibigay lamang niyon sa kanya ang hinihingi sa tamang panahon.

Mas lalo syang napanginiti. I mean, mas naging natural na ang ngiti nya ngayon. "Sa wakas!"

He took a strumm on it. Halatang hindi pa marunong. He giggled.

"Thanks!"

"Yeah. Papaabot ko 'yan kay Amang."

Tumango sya. Saglit nyang binaba ang instrumento saka may inilabas mula sa slingbag na folder.

"Pabigay nila." He meaningfully said. I knew immediately what he meant.

Nasabi ko na ba? Ang pinili rin ni Aaron ay ang magtrabaho sa ahensya. Kaya't heto sya, nagiging messenger ko mula sa nakakataas.

Matapos roon ay lumuwas na kami ni Sean. I was so eager to open the file but I had to hold myself dahil kasama ko ang subject ko. I sighed.

"Uwi na kaagad tayo, Sean."

"What?" Reklamo nito sa sinabi ko. Napasimangot naman kaagad ako. Aba't may balak pa ata ito maglagalag.

"Bakit?"

"Nakakabagot sa bahay. Maglibot muna tayo." Nakanguso nitong pagdadabog. Mukha tuloy syang pato! Matatawa na sana ako.

"Hindi na." Masyadong mapanganib. Wanted ka pa rin na lintek ka! "Doon na lang tayo kina Heira."

Kumunot ang noo nito. "Heira?"

"Yung bahay sa kagubatan."

"Nah. I know that stupid Greg-guy would be there." Naiinis nya naman ngayong sambit. Aba naman at demanding?

Napairap na lang tuloy ako. "O sya, sumama ka nalang ulit sa simbahan. May pagpupulong kaming sanggunian ngayon."

"Sanggunian?"

"Oo."

Kinaladkad ko na sya paalis.

"What's that?"

Bwiset at ang kulit naman ng lalaking 'to! At sanggunian na lang, hindi nya pa alam? Nagaaral ba 'to? Dejoke.

"Basta! Makikita mo nalang, okay?"

---

This one's pretty short. And lame. I know. Sorry for that. ヽ('ー`)┌ - Loki

She's A Kidnapper (Discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon