Chapter 1

59 7 27
                                    

Ilang taon na ba ang nakalipas nang huli kaming magkita? Ilang araw na ba ang nagdaan? Hindi ko na masyadong maalala but I'm certain na matagal na panahon na.

I took the picture I slipped over the pocket of my black camouflage blouse. It's a photo of two kids happily smiling at the picture. The boy has this foreign looks making it easier for him to stand out over a crowd. Malaking nunal sa taas ng kilay ang mapapansin kaagad dito.

While the girl, she's too ordinary to be noticed by him. Natural ang pinay na hitsura ng bata. Bilugan ang mukha, morena ang kulay ngunit malinis ang kutis, kulot ang mahabang buhok nito na umaabot hanggang bewang. At napakahinhin kung tingnan dahil sa ngiting nasa mga labi nito.

I probably still look the same though.

Isa nga lang siguro ang nawala. Yung kainosentehan sa mga mata ko dati... siguro, kung inosente man ako tingnan. Bukod roon, ay wala naman na ata. Maganda pa rin naman ako. Charot! Hay naku, Auria! Ibinalik ko na ang picture sa bulsa ko saka pinahuling ilagay ang may silencer na baril sa likuran ng paha ko na kanina ko pa inaayos. Doon ko sinasabit lahat ng gamit ko sa 'trabaho'.

"So, this is the Sean Monteverdi?" Sambit ni Greg habang hawak ang isang A4 sized na papel. Napa-usad ako ng kaunti dahil sa bigla syang sumiksik sa kinapu-pwestuhan ko. Ang laki pa naman nyang tao!

Malaki in a way na bulky dahil sa mahilig sya mag-work out at hobby nyang i-shape bawat muscle sa katawan nya. And this man happens to be my literal partner in crime. Sya ang palagi kong kasangga sa bawat mission.

Sumilip ako sa papel na hawak nya. Agad naman sumilay sakin doon ang nakakasilaw na ngiti ng mahal ko. Napangiti na rin tuloy ako. Yes, sya nga ang lalaking umaangkin sa puso ko. He has matured a lot, yet in my eyes, he's still the same boy I used to know.

Nagkukubli kami ni Greg sa isang madilim na eskinita malapit sa bar na kinatutuntunan ni Sean Monteverdi. And if you are asking, then yes. Sya iyong lalaking tinutukoy ni Greg; so as 'yung batang kasama ko sa picture kanina. Just a decade older or so.

"What's so good in him?" Tanong sa akin ni Greg, tila nandidiri pa habang nakatingin ng lalaking nakangisi sa picture. For a second, binigyan ko sya ng masamang tingin pero hinayaan ko pa rin.

Greg snorted. Nanlalait ang kanyang himig. "Ba't patay na patay ka rito, A?" Natatawang dagdag nya pa. Inis na inilipat ko na sa kanya ang tingin.

"Excuse me?" I took my dagger which slipped by my boots. Kuminang ang talim niyon dahil sa pagkabago. "Baka gusto mong subukan ko 'to sayo?"

He giggled saka pinalis lang iyong itinutok ko sa kanya.

"Ito naman, 'di na mabiro. Alam ko namang ako talaga ang mahal mo." He wiggled his thick brows.

I just rolled my eyes at him. Ahitin ko kaya ang kilay nito?

Sya na mismo ang bumalik sa dagger ko sa kinalalagyan niyon kanina saka inalis ang suot na black shades linisin. Doon nya tinuon ang pansin. Oo, we use shades kahit gabi na at wala nang araw! It serves its own purpose which is to (somehow) hide our identity but mainly, it's a camera.

"The boss called. Tinatanong kung may progress na daw ba sa mission." Natigilan ako. Bumalik bigla iyong nerbyos na kanina ko winawaksi.

"A-Anong sabi mo?"

"Sabi ko?" Sinulyapan nya ako sandali.

Pakiramdam ko naman, kahit hindi ko ipakita ay alam naman ni Greg na kinakabahan ako ngayon. Bukod kasi ito ang unang proyekto ko na sa'kin mismo pinasa ang mission... ito rin ang panahon na pinakahihintay ko.

"Sabi ko wala pa'ng usad. Magre-report rin naman ako kaya't maghintay na lang sya."

Gulat na napatingin ako sa kanya.

She's A Kidnapper (Discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon