Chapter 8

31 16 7
                                    

Naging mabilis ang tanghalan at paghahanda sa nalalapit na pyesta. Nanalo si Mamang bilang ikalawa sa paghahanda ng kakanin. Si Amang naman ay nakisali rin sa pasabong. After two weeks, ang sikat na Bayle naman ang hinihintay ng baryo.

Palagi kaming nasa labas. Palagi ring nakabuntot sakin si Sean. Kung wala kami sa simbahan, sa sentro, o sa opisina ng konseho ay nasa plaza kami.

"Pupunta ka ba ulit sa Bayle ngayong taon?" Tanong ko kay Heira. Napabisita ulit ako sa kanya kasi wala naman na akong ginagawa sa bahay.

"Pwede rin. Nandon naman si Sean." Ngiting-ngiti na sabi nya. Natigilan ako.

Anong meron kay Sean?

"Bakit?"

"Wala lang. Gusto ko syang isayaw, Auria. Parang gusto ko na rin nga sya. Ang bait nya kasi eh." Ang lawak ng ngiti nya.

I don't know but my smile went weak. Gusto nya si Sean? Parang humina yung tibok ng puso ko. Pinanghinaan ako ng loob. Ano ba 'to? Masaya rin dapat ako.

Heira isn't really the easy type. May mga nangaalok ng ligaw sa kanya. Ngunit kahit tingin ay hindi nya pinaunlakan ang mga ito. She's too difficult.  Wala pa yatang pumapasa sa panlasa ni Heira. Except Sean. Kita namang sya pa mismo ang nagsabi na gusto nya ito.

"G-Ganon ba?"

Humagikhik sya. Nangilabot ako. "Kayo ni Greg tapos kami naman ni Sean. Parang ang ganda tingnan!"

Nanahimik na lang ako. Kailan pa? Kailan pa nya gusto si Sean? Kakikita lang kaya nilang dalawa. Tapos hindi rin sila madalas magsama. Kaya paano?

"Ang bait nya masyado. Naalala ko tuloy nung pumunta pa sya dito nang nakaraang linggo. Dala nya yung ipinanalo ni Mamang mo na bibinka. Naalala nya raw ako kaya pinagdalhan nya ako."

Wow. Parang sinagot nya talaga yung tanong ko. Ginawa ni Sean yun? Kaya naman pala bigla syang nawala noong araw na yun.

"Ang galing nya pa magturo. Tinuturuan nya ako ng lenggwaheng banyaga. Tapos sinasanay ko naman sya na magtagalog."

Another wow. May bonding na rin pala sila!

Galing.

Pa'no si Sean nagkakaroon ng oras para makipagbonding kasama nya na halos lahat ng oras nakabuntot yun sakin. Kung hindi ko pa itaboy, hindi pa aaalis.

Gusto nya si Sean, huh?

Looking at Heira, mukhang gusto nya nga talaga ang kalabaw na yun. Ano bang nagustuhan nya dun? Gwapo lang naman, mabait, mapagbiro, and the fact that he could easily get along anyone. Hindi mahirap pakisamahan huh? Ugh! Who am I kidding. Sean is perfect. With or without his memories. Babaero nga pero hindi ko naman sya nakikitang nananarantado at nanloloko. Ewan ko sa labas. And Heira? She's beautiful. She's kind. And she's every man's dream wife. Tama nga sya. Bagay sila.

"Gusto ko parehas tayo ng isusuot ngayong taon!" She sounds really excited. "Pahiramin kita ng isa ko na dress!"

Dress?

"Tama ba? Yun yung tawag sa bistida, diba? Sa ingles?" Dagdag nya pa.

"Uhhh... O-Oo."

She's A Kidnapper (Discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon