Chapter 14

6 0 0
                                    

AURIA'S POV

Nanunuot na sa balat ko ang lamig pero ayaw ko pa ring pumasok sa loob. Heto at buong gabi na ata ako tatambay sa labas ng bakod, kakatanaw kung pauwi na ba si Sean o ano.

Naiinis ako. Bakit ganito?

I know that it's my fault pero naiinis rin ako sa kaniya kasi paano kung mapasama siya dahil sa paglalayas niya?

I felt a warm cloth embracing me. Agad akong napalingon sa pumatong niyon sa balikat ko.

"Iha, pumasok ka na muna at lalamigin ka lang dito. Pwede mo namang hintayin sa loob si Sean." Si Mamang pala.

I shook my head.

"Hindi po. Gusto ko pong mag-abang dito."

Kanina pa nila ako sinasabihan na magpahinga at mag-relax lang muna. Sa loob na raw ako pero ayoko talaga.

Napabuntong hininga na lang siya. "Hinahanap naman na siya ng Amang at kapatid mo. Mapanatag ka na. Mayamaya lang ay narito na ang mga iyon."

Iyon na nga eh. Pati tuloy sila ay napag-alala na namin. I bit my lips. I wasn't sure if I should tell her, pero naisip ko rin kasi na sooner or later ay malalaman rin naman nila.

"Ma kasi... K-Kasalanan ko po eh."

She sighed again. "Alam ko'ng may namamagitan sa inyo ni Sean. At alam ko'ng pagsubok lang 'yan kaya't magiging maayos rin ang lahat."

Natulala ako sa sinabi niya.

"A-Ano pong..?"

"Alam rin namin ng Amang mo na hindi lang basta sa opisina ang trabaho mo sa Hermosa, Auria. Naiintindihan namin iyon. Ayaw mo kaming pag-alalahanin kaya't itinago mo. Pero iyon ang gusto mo eh. May magagawa pa ba kami ng Amang mo para pigilan ka pa?"

Wala akong masabi.

She ran her fingers on my hair.

"Mahal ka namin, anak. Kung ano man ang desisyon mo, susuportahan lang namin ha? Ang patungkol naman kay Sean, kung sakaling handa ka na, ay makikinig kami." Hinaplos niyang muli ang buhok ko bago magpaalam.

She was about to turn around when I stopped her.

"P-Paano niyo po nalaman ang lahat ng ito, Ma?"

She smiled. "Magulang kami, Auria. Papayuhan at papayuhan pa rin kami ng nakakataas sa inyo sa ahensya kung kamusta kayo. Lalo na kung linggo-linggo pumunta ang Amang mo sa Sanggunian."

What? "Linggo-linggo ho?"

"Hay naku, kung alam mo lang. Kung pwede lang siguro mamalagi roon ay dun na iyon tumira."

I giggled kahit dama ko ang hiya sa kalooban ko. "M-Matagal niyo na po bang alam?"

She nodded as an answer. "Hinihintay lang namin magsabi ka."

Oh, God! "P-Patawarin niyo po ako, Ma. Hindi naman po sa wala akong tiwala sa inyo. Ayaw ko lang po talaga na..."

"Mag-alala kami?"

She sighed as I met her eyes.

"Hindi iyon mawawala sa amin, Iha. Ayaw lang namin na mapahamak kayo. Pero kung ang desisyon niyo ay ang ikasasaya't ikabubuti niyo ay nandito lang kami sa tabi niyo. Palagi."

I smiled. Niyakap ko siya. I'm almost teary. "Salamat po, Mamang."

"Wala iyon, anak." She hugged me back. "Oh sya, papasok ka na ba?"

It took me a while to answer. Gusto ko sana maglambing sa kaniya. Pero hindi naman ako mapapakali hangga't wala pa talaga si Sean. I sighed.

"Mayamaya po, 'Mang. Sunod na lang ho ako sa inyo."

She's A Kidnapper (Discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon