Chapter 7

28 17 6
                                    

Hindi ako maka-focus sa pagpupulong.

"Ako na ang bahala sa mga ilaw." Si Florita. Ka-myembro ko sya sa sanggunian. Patapos na kami sa meeting. Binigay sa'kin ang designing ng venues sa mga susunod na patimpalak. Iyon ang task ko. We're discussing the plan for the dance night already pero palinga-linga pa rin ako kay Sean.

Lintek naman kasi.

Sinabi ko lang na sumama sya sa'kin! Wala akong sinabi na makipag-kaibigan rin sya sa kung kani-kanino! Hayun at maya't-maya ay may lumalapit na kung sinong asta maria clara.

Ang bwiset naman ay panay bigay ng pansin! Hindi ba pwedeng hayaan nalang nya ang mga tukneneng na yun?! Ba't kailangan sabayan nya pa ang pakikipaglandian?! Bwiset!

"Tapos ang suot natin ba dapat ay pare-pareho?"

"Hindi na. Baka pwede rin kasi tayo magtanghal ng mutya ng pyesta."

"Pwede rin."

Matapos ang pagpupulong ay naglinis muna kami ng simbahan. Doon kasi ginanap ang meeting. Matapos ay agad akong lumabas para ayain na sana si Sean lumabas.

Nanlambot ang puso ko ng makita ko sya.

Kasama nya yung mga paslit na kanina ay nanonood sa pulong namin. Nandun sila sa playground.

"Ops! Ops! Dahan-dahan, madadapa kayo nyan eh." Panay ang lambitin ng mga ito sa katawan nya. Yung iba pa, hinihila sya sa swing. Hindi ko alam na may hilig rin pala sya sa bata.

The last time I saw him with a kid was when we were 10. That's when his new sibling was born. Galit na galit pa nga sya noon kasi raw may iba nang pagbabalungan ng atensyon ang parents nya.

"Aurie!" Tawag nya nang mamataan ako. I smiled at him.

"Uwi na tayo." I said as I walk the distance between us. Napasimangot naman sa'kin yung mga bata.

Aba naman at nangaakin ang mga 'to?! Pagkukutusan ko sila eh.

"Bukas naman kayo maglaro. Alas cinco na o, nasa daan pa kayo?"

"Pero gusto pa namin Ate Arya makipaglaro kay Manong!" Reklamo naman ng isa. Natawa ako. Manong?

Taas kilay na tinapunan ko si Sean ng tingin. Naglalaro ang tuwa sa mga mata nya. He smiled. "That's what they're calling me. What can I do?"

"Hindi na." Sagot ko sa bata. "Gusto nyo bang sunduin kayo ng mga nanay nyo ng tingting?"

Natakot ang mga ito. At the end, isa-isa silang nagpaalam kay Sean at nagsiuwi na nga.

"Mahilig ka na ngayon sa bata?" Tanong ko kay Sean nang masolo na namin ang playground. We sat by the swing. At dahil ber months ay papalubog na ang araw sa alas cinco.

"Maybe. I kinda like kids." Sagot naman nito.

Napakunot ako ng noo. Ngayon ko lang narealize. Ba't ko nga ba naitanong iyon sa kanya eh wala naman syang maalala. Pero mas nakakapagtaka ang sagot nya.

Posible kayang...

"May naaalala ka na?"

Napalingon sya sakin. "Huh?"

She's A Kidnapper (Discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon