Chapter 9

33 16 6
                                    

"Anuna, Auria?" My subconscious poked me.

Nakahilata ako sa aking kama, nakatitig lang sa kisame. Hindi pa rin ako makatulog. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako pinapatulog ng nangyari. Two days have passed. My mind won't forget it. It was surreal. Beautiful. And romantic. Until Sean pulled back. I sighed.

Just what the hell kasi, Auria?! You're a lady! What a stupid-- Hindi dapat ganun ang gawain ng babae diba? Or atleast yun ang turo sa'kin ni Mamang. Agghhh! Nakakahiyaa! Ilang araw ko na ring iniiwasan si Sean. Mukhang okay lang naman sa kanya. Baka kasi... baka kasi madalas pa na rin sya magpunta kay Heira. Pero ewan ko kasi mas madalas rin nga yata ako dun eh. Pag umuuwi kasi sila ni Amang galing bukid, didiretso na ako sa gubat. Ayoko pa syang makausap!

Ba't nya ba kasi iyon ginawa? Akala ko ba si Heira ang gusto nya?! Lintek ka, Sean!!! At bakit ba ginawa ko rin 'yun?! Alam kong may namamagitan sa kanila ng matalik kong kaibigan! Paasa talaga ang kumag na 'yun!!! At ikaw naman Auria, walanghiya kaa! Ba't ka naman kasi nagpadala?!

Bukas na ang bayle. Ang gulo pa rin ng pakiramdam ko. Malungkot? Nahihiya? Nalilito? Lintek lang talaga na kalabaw. Habang si Sean, heto excited pa rin para bukas. Ang sama nya. Ang sama-sama nya!

"Mabilaukan sana sya." Bulong ko na lang.

Nakarinig ako ng malakas na ubo mula sa labas ng pinto ko. I checked the time. Alas onse na ng gabi ...at may tao sa labas ng pinto ko?!

"S-Sino yan?" Tawag ko nang makababa ako ng kama.

Kabado akong lumapit sa pinto at marahang binuksan iyon. Laking gulat ko nang maabutan sa labas si Amang. At si Sean? Masinsin sila na naguusap. Magsasara na sana ulit ako nang mapansin ko ang hitsura ni Amang. Akbay ito ni Sean dahil mukhang lasing na lasing na.

"Amang?! Anong nangyari?"

Uminom, Auria. Halata naman diba? Mema ka ha.

"B-Ba't sya uminom?" Baling ko kay Sean. Tumikhim muna sya bago sumagot. Mukhang nanakit ang lalamunan.

"Nagkasiyahan kina Dambina. Marami ang handa kaya marami ring nainom."

Pansin ko rin ang pamumula ng mga mata nya. Just like the last time I saw him drunk.

"Pati ikaw?"

Ngumisi sya. "Medyo lang."

Aba?!

Pinagtulungan namin si Amang papunta sa kwarto nina Mama. Agad naman kami nito dinaluhan. Sya na raw ang bahala't matulog na kami dahil anong oras na.

"Are you mad, my Aurie?" Tanong sakin ni Sean nang pagsarahan na kami ni Mamang ng pinto. His hands are in his pockets. Medyo baluktot na din ang tayo nya.

I rolled my eyes at him. Naglasing ka kasi! Pero ano nga ba ang karapatan ko? Diba subconscious?!

"Hindi." Pipihit na sana ako patalikod nang pigilan nya ako sa braso.

"Sean!"

"You're mad."

Nangilabot ako sa boses nya. It was hoarse. Husky just like that time when he sang and we danced with rain. Umiwas ako ng tingin.

She's A Kidnapper (Discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon