Chapter 10

35 15 4
                                    

"Anong oras na ba?"

"Alas otso na yata. Hindi magtatagal, papatak na ang oras para sa huling sayaw."

Nanonood lang ako ng nagsisi-sayaw sa gitna. Mas marami na ngayon kaysa sa kanina. Hindi ko na tuloy makita si Sean at si Heira.

And yes. I told Sean to dance Heira too. Heira would surely be happy. Yun lang ang gusto kong isipin. Ayoko nang mapapad sa kung anu-ano tapos makakaramdam na naman ng lungkot.

Ang hirap naman kasi para sa'kin ibigay si Sean. When in fact, wala naman akong pinanghahawakan except dun sa mga ewan na kung anong pinapakita nya. Ni hindi ko nga alam kung ganoon rin ang pakikitungo nya kay Heira. Nakakabobo.

Ugh. Kitams? Mga pinag-iisip ko.

I chose to shrug the thought off. Inaliw ko na lang ang sarili ko na pagmasdan ang madla, ang paligid, o kung ano pa man na siguro nakakakuha ng interes ko. I even tried being nosy and listening to someone else's conversation.

"Ba't nga ba naging makahulugan ang huling tugtog at huling sayaw?" Iyon ang narining ko sa usapan ng dalawang magkaibigan na nakaupo lang di kalayuan sa tabi ko.

"Ang alam ko lang naman diyan ay madalas sabihin ng matatanda na ang huling sayaw mo sa bayle ay may malalim na pagtingin sayo."

Oh yeah. Ever since I don't know when, sabi-sabi na yan dito sa amin. Pero ewan rin. Naniniwala naman sina Mamang. Pero kami ni Aa? Pshh- naahh.

Kung hindi naman kasi si Aa yung kasayaw ko sa huling tugtog ay si Greg. Imposible naman na may pagtingin yun sakin si Greg, trip nun si Heira eh. Hindi nya man sabihin ay ramdam ko. May something ang torpe na yun sa matalik na kaibigan ko. Napangiti na lang ako.

Ang kaso nga lang, iba naman ang gusto ni Heira. That's pretty tragic for us. Ang sakit lang na iba ang gusto ng taong mahal mo. Yung tipong sinasakal mo na sarili mo para pigilan na yung emotions, nakaka-frustrate kasi ang hirap, at nakakainis kasi minsan hindi ka magawang kampihan ng tadhana! Ba't hindi na lang ako? Ganun ba ako kapanget? Char. Ganda pala ako, marami ako manliligaw eh.

Nasa malalim pa akong pagmumuni-muni habang patuloy ang pagmasid sa paligid nang may humarang sa paningin ko.

Tumunghay ako. "Greg?"

"Mag-isa ka?"

Greg's familiar piercing gray eyes bore through mine. Parang tinatakot nya ako but meh, immune na ata ako dun. Matangos ang ilong nito. Namumula rin ang labi na tila may hati sa gitna. Ba't kaya kahit kailan walang namuong something sakin when it comes to this guy? Is it dahil mas gwapo pa rin si Sean? Chos. Hindi  man sya masyado pangahan unlike Sean but may laban pa rin naman sa pagka-gandang lalaki. May laban lang. Pftt-- Samang kaibigan eh. Tho si Greg iyong tipong halata mo na pinoy ngunit may lahi. Si Sean naman kasi on the other side, unang tingin mo aakalain mong foreigner talaga dahil sa tangkad nito. Saka ka lang mapapa-second thought.

"Are you trying to melt me, lady?" Greg grinned like a wild wolf. 'Yung tipong kikilabutan ka. I gave him the same smile.

"As if matutunaw ka. Saan ka ba galing?"

Naupo sya sa tabi ko. "Just around the town."

"Oh?" Iyon na lang ang tanging nasagot ko. I wonder, nasabihan rin kaya sya ni Heira kung sino ang lakambini nya ngayong gabi? May feeling akong hindi. Kasi ba't sya mawawala kung may umaasa sa kanyang darating, 'di ba?

She's A Kidnapper (Discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon