Chapter 16

1 0 0
                                    

"Naks, mukhang masarap 'yang niluluto mo ah." Ani Aa na kapapasok lang ng kusina. Imbis tuloy na 'yung amoy ng linuluto ko ang manuot sa ilong ko, ay iyong pabango niya.

I frowned from the smell.

"Alam mo bang ambaho ng pabango mo?"

His forehead knotted bago inamoy-amoy ang sarili.

"Hindi naman ah! Sabi kaya ni Mamang, ayos lang daw." He frowned. "Ang tagal-tagal ko nang gamit 'to, ngayon mo lang napansin na mabaho."

Tch! Inirapan ko sya. "Sa'n ba kasi galing 'yan?"

"Pasalubong ni Kuya Greg. Bakit ba? Anong nakain mo?"

'Yun na nga! "Wala pa!" Padabog na binaba ko ang sandok ng kaninang hinahalo kong ulam. "Lumayo ka dito kung ayaw mong madumihan 'yang damit mo."

Ang gara kasi ng suot at ayos niya ngayon. Palibhasa pabalik na ng paraalan. May matching new watch pa siya na as usual ay bigay rin ni Greg.

"Luhh?" Umatras siya ng ilang hakbang. "Mamaa! Si Ate, kay aga-aga, inaaway po ako!"

Halos ibato ko sa kaniya ang sandok nang pulutin ko ulit iyon. Bwiset na lalaki 'to! Sa laki niyang 'yan, magsusumbong pa?!

"Ano na namang pinagbabangayan niyo diyan?" Umentrada si Mama galing sa likod bahay.

"Si Ate po kasi, inaaway na naman ako. Palibhasa bawal pa siyang i-bully ngayon." Sabay lapit niya kay Mamang para humalik dito.

"Hayaan mo na iyang Ate mo. Nalulungkot lang 'yan na aalis ka na't wala na naman siyang kaasaran. Ngayon na ba ang alis mo?"

Napasimangot ako sa sinabi ni Mama.

Nakakainis lang kasi. Lahat na lang sila umaalis.

"Auria, may padala nga pala sa'yo. Nasa sala."

Padala? "G-Galing daw po kanino?"

"Sus! Itatanong pa ba iyan?" Pambabara sa'kin ni Aaron. Nakakuha tuloy siya sa'kin ng malupit na /kunit/. Aray na lang ang huling narinig ko sa kaniya bago ko pinuntahan ang sinasabi ni Mamang.

Tatlong piraso ng rosas ang nadatnan ko sa salaseta. Maayos itong nakabalot ng pang-bouquet na papel saka pinapatungan ang sa tingin ko'y isang liham.

I unconsciously let out a sad smile saka napakapa sa suot kong kwintas.

Ito na ang pang-limang araw since bumukod sa'min si Sean. At simula noon ay wala ring palya ang pagbibigay niya sa 'kin ng kung anu-ano. The day he left, he gave me his dogtag. Actually, hindi ko makita ang purpose n'on. He just handed it to me nung paalis na siya without further words. I still find it sentimental though. Reminder lang na, Sean has been a part of my life.

He's been a part of me.

After that, kung anu-ano na ang pinapadala niya rito. And he explained that he couldn't visit in person dahil busy siya sa sanggunian para asikasuhin ang pag-uwi niya sa syudad.

I heaved out a sigh. I miss him. A lot.

Iyong kakulitan niya. Iyong random sweetness niya. Mga paglalambing na ikagagalit ko rin minsan sa kaniya. Oh, God I miss his presence. Kahit saan ata ako tuminging parte ng bahay ay maaalala ko siya.

"Wala ka bang balak damputin iyan, Ate?"

Tinapunan ko ng masamang tingin si Aa. "Panira ka ng pag-emote alam mo ba 'yun?"

He laughed.

"'Wag na masyado mag-drama. Save a little bit for later, paniguradong iiyak ka pa."

She's A Kidnapper (Discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon