“Tita! Alis na po ako!”
“Sige mag-ingat ka wah balik ka agad!”
“Opo!”
Nga pala ako si Alice May Cruz a.k.a "Cupcake lover". 16 years old. May-ari sila tita ng isang bakery at syempre ako gumagawa ng mga cupcakes na ibinebenta. Mabili, matamis at masarap ang mga cupcakes na ibinebenta namin. By the way kay tita ako lumaki kasi nasa Japan sila Mama’t Papa. Kasalukuyang nasa hagdan ako ng aming school at papunta na sa aking classroom ng…
*boogsh!*
Natalisod ako at nagpaikot-ikot sa hagdan. Waahhhhh!!!!!! At nawalan na ako ng malay.
<Unknown's P.O.V.>Hala! Nakita ko iyon! Wahahahahaha! Ang lampa naman niya! Naawa ako kaya binuhat ko siya hanggang sa clinic. Ang bigat niya! Ngayon lang ako nakapagbuhat ng isang babae sa buhay ko! I will never do this again! Swerte siya at siya ang first girl na binuhat ko ng ganito!
Sa clinic:
“What happen to her?”
“Nadulas, natalisod, at nagpagulong-gulong po sa hagdan.”
Ibinbaba ko siya sa may kama at tinignan nung school clinic doctor kung may bali siya. Buti na lang wala kung hindi, gagastos pa ako.
“Ok naman siya. Ummmm… pwede bantayan mo muna siya hanggang sa magising siya? Paki bantayan mo narin yung clinic ng sandali kasi may meeting lang kami.”
Hindi naman ako makakatanggi kaya pumayag na lang ako.
*grrrkk*
Aww… Nagugutom na ako!
*sniff*
“Amoy cupcake!!! Teka nga.”
Binuksan ko ang bag niya. At puro cupcake ang laman! Kumuha ako ng isa at…
Hmm….
Ang sarap! Kahit puro pang five star ang chef namin ay hindi makagawa ng ganitong cupcake. Kinuha ko yung mga cupcake at inilagay sa bag ko.
“Hmmmnn”
Hala nagigising na siya…
Aray ang sakit! Hmmmm! Binuksan ko unti-unti ang mga mata ko.
(-.0)
(0.-)
(0.0) !!!
“Huh? Asan ako?”
“Nasa clinic ka!”
“Teka? Frost? Bakit nandito ka?”
“Malamang ako ang nagdala sayo dito.”
At nakita ko ang isang gwapong halimaw na si Fukuyama Fuyu o Frost for short. Isang mayabang, mayaman na matalinong halimaw. Sa pagkaka-alam ko isa siyang half-British, Korean, Japanese at Filipino siya. Parang dragon lang sa Dragon city.
ULTIMATE BREEDING!!!!!
Pero laki siya sa Japan at lumipat sa Pilipinas dahil sa kanilang negosyo. Hindi pala negosyo. Mga negosyo…
Pano ka hindi yayaman kung napakadami nilang negosyo!
Bumangon ako sa pagkakahiga ko.
“Oy! Teka! Saan ka pupunta?” sabi nya.
“Sa lugar na walang halimaw!”
“Huh!? Halimaw?” sabi niya. Nagtaka pa siya eh siya lang ang nandoon.

BINABASA MO ANG
Pag-ibig nga ba?
Teen FictionNaranasan mo na bang kiligin sa taong kinaiinisan mo? Ngumiti sa mga pagkakataong kasama mo siya? at umibig sa taong hindi mo inaakalang mahal mo pala? Nakakalito at medyo nakakainis ang love story ko. Pero sa lahat ng galit at inis na iyon ay may n...