Heart beat bite #2

59 0 0
                                        

“Ok, babalik ko itong cupcakes sa isang kondisyon!”

“Oh! Ano naman iyon?!”

“I-kiss mo ako!”

“Ha?!”

Sa kagustuhan kong i-save ang little cupcakes ko…

“Kasi naman! Pwede bang ibahin yung condition?” sabi ko sa kanya.

“Ooops, hindi pwede!”

“Nakakainis naman!”

“Wahahaha! Ano? Pagbilang ko ng 5 seconds at hindi ka pa kumikiss sa akin, kakainin ko na talaga yung cupcakes mo!”

Waaahhh!!! Wait lang! Parang sa mga teleserye 1 million o higit pa ang hinihingi ng mga kidnapper tas ito namang kidnapper na ito Kiss! Maniyak! Tama ang hinala ko playboy at Maniyak nga siya!

Tapos nagsimula na siyang bumilang…

“One”

“Two”

“Three”

“Four”

“F…fff…’’

*CHUUUUUUU!!!!!!!*

At hinalikan ko siya sa may cheeks…

Biglang namula at nag-init ang pagmumukha ko! This is my First time!

“Hahaha ang cute mo talaga pulang-pula ka na! Nga pala ang sarap ng cupcake penge ulit ako! At saka alam mo bang ikaw ang unang nakahalik sa akin?”

Ano daw? Unang halik un ni halimaw? Eh mukhang 60+ na ang girlfriend niya un pala wala pa siyang nagiging girlfriend? Sa bagay ang panget kasi ng ugali niya. Suplado, masunget, mukhang play boy at walang pakielam sa iba.

“Ayoko na! Akin na ‘yun mga cupcakes ko!” gigil na sabi ko sa kanya. 

Tapos….

“In one condition ulit!”

Naiinis na talaga ako!!!!!!!!!! Ano banaman iyan ang hirap niyang kausapin wah! Hindi naman one un! Two! Pangalawa na niya itong kondisyon!!! Ano ba ‘yan! Nakakainis! Grrrrr……

Wala naman akong magawa…

“Oh ano naman ‘yun?”

“Akin na number mo!”

“Ha!”

HINIHINGI NIYA YUNG NUMBER KO?

Ahhhheeeemm! Ano naman ang gagawin niya dito? Noong una hindi ako pumayag pero nangulit siya at binigay ko narin. Binigay na rin niya ang mga cupcake at umalis na wow ang galing din niya ha! Pagkatapos niya akong pahirapan iiwanan niya ako agad! Huuu!!! Makauwi na nga!

Nang makauwi na ako…

“Hi Ate!”

“Oh, Elice!”

Nga pala may kapatid ako na masbata kaysa sa akin, si Elice (Elice Mae Cruz)ang pangalan niya. Cute, malambing, mabait pero medyo makulet kapag hindi nasunod ang gusto. Minsan tahimik siya. 10 years old at mahilig naman sa Vanilla flavor na cupcake.

“Ate magluluto ka?”

“Oo.”

“Pagluto mo ako ha!”

“O sige anu bang flavor? Vanilla ulet?"

“Oo tas lagyan mo ng sprinkle sa ‘tas wah!”

“O sige! Tita pwede po bang hiramin ko saglit ‘yung kusina?”

Pag-ibig nga ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon