Magkapatid sila?!
"Hi Frost."
"Ahem. Frost pagsalitain mo muna siya." sabi ni Ma'am. Tumahimik si Frost. Sabi ko na nga ba eh may kaugnayan silang dalawa, sa itsura pa lang eh. Pero teka bakit naman namin siya kaklase?
"I'm Fukuyama Aki. Aki na lang ang tawag niyo sa akin. I'm the older brother of your classmate Fuyu (Frost). I'm one year older than him. Nagstop kasi ako dahil tinrain ako sa Japan na kung papaano maging business man ng tatay namin ni Frost. Nice to meet you all. "
Biglang may pumasok...
"Ma'am tawag daw po kayo sa office." sabi nung estudyanteng pumasok.
"Sige susunod na ako. Ok. You may take your seat beside Ms. Cruz."
Hala katabi ko siya?!
"Umm... Sorry who's Ms. Cruz? Sorry, di ko pa po kasi alam 'yung surname nila."
"Sorry. Beside Alice the one who sits beside Mr. Frost. By the way tumahimik lang kayo ha. Sandali lang ako." paalam ni Ma'am.
"Ok." sabi namin.
Tapos lumapit na siya at umupo sa tabi ko. Ano ba 'yan pinagigitnaan ako ng dalawang gwapo. Nakakakaba parang may tensyon.
“Anong ginagawa mo dito?”
“Sutekina otōto” sabi niya.
Japanese?
"Hi Alice."
"Hi po."
"Pwede wala nang 'po' kasi nakakahiya. Kanina naman hindi ka namumupo sa akin. You're a silly girl. Hahahaha."
"Nagkita kayo kanina?!" sabi ni Frost.
"Oo. Bakit? Nagseselos ka ba?"
"Hindi noh! Bakit? Naman ako magseselos? Bakit girlfriend ko ba siya?"
Pagkarinig ko sa mga salitang 'yun parang may narinig akong nagcrack sa puso ko. Sumakit siya ng konti. Parang maiiyak na ako.
Tama naman siya hindi niya ako girlfriend. Pero bakit ako nasakatan?
"So..." hinawakan ni Aki yung buhok ko.
*thumph*
Grabe nagblublush na ako. Pinag-aawayan ako ng magkapatid.
"Dont’t even touch her!” nagulat ako sa reaction ni Frost. Galit talaga siya.
“Oh, sorry. Nanika ga ayashī desu!” sabi ni Aki.
“Sore wa anata to wa nani no nanimonai!”
Ano ba! Nakaka-nose bleed na silang dalawa. Basic lang ang alam ko hindi ganyan!
“You know she’s cute."
Cute? Cute pa ako sa lagay na ito? Eh ang panget ko nga. Ano ko aso? Hahaha umiral nanaman ang pagka-nega ko.
“Mō hanashi o shinaide kudasai!” sabi ni Frost dito.
"What's the problem? Hindi mo siya girlfriend kaya ok lang hindi ba?"
Ano ba nakakahiya na! Lahat ng classmates namin ay nakatingin na sa amin.
AAAAAAAAAhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!! Nightmare!!!
Andaming kahihiyan ang nangyari ngayon!
Tapos may bumatok sa kanilang dalawa. Si Brigette.
"Ang lakilaki nyo nang dalawa tapos para nanaman kayong mga bata. Wala parin kayong pinagbago." sabi nito.

BINABASA MO ANG
Pag-ibig nga ba?
Teen FictionNaranasan mo na bang kiligin sa taong kinaiinisan mo? Ngumiti sa mga pagkakataong kasama mo siya? at umibig sa taong hindi mo inaakalang mahal mo pala? Nakakalito at medyo nakakainis ang love story ko. Pero sa lahat ng galit at inis na iyon ay may n...