A day before the Prom...
Syempre walang pasok kasi para makapag-ayos ang school at makapagready na rin ng mga susuotin sa prom yung mga kasali. Hay...
Eto nasa bakery ako ngayon... Nagluluto ng maraming Valentines' Cupcake. Siguradong mabili ito bukas. >.<
Lalala... Lalalala.... Lalalala... Umaawit lang ako at nanahimik ng biglang...
"ALICE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
"Ay aasdjjisjfhkjfkfdvh!" grabe napronounce ko 'yun! Ang sakit sa tenga! Pati atan ang mga ipis na nanahimik nabulabog! Pagsilip ko sa bintana namin... Sila Brigette pala! Ano kaya ang ginagawa nila dito? Tapos pano nila nalaman na ito ang bahay ko? Dala dali akong pumunta sa labas.
"Oh, Brigette, James. Bakit nandito kayo? Nakakahiya, Hindi pa ako nakakaligo tapos..." hindi pa ako tapos magsalita pero nagsalita na si Brigette.
"Hay naku Bessy ok lang 'yan! Nga pala nasan si Tita?"
"Nasa loob. Bakit?"
"Magpapasama sana ako sayo." Parang alam ko na siguro magpapasama siya para mamili ng gown na susuotin niya bukas.
"Sige. Teka pasok muna kayo sa loob magbibihis lang ako. Tapos magpapaalam kay Tita."
"Sige wait lang Alice tatawagin ko lang 'yung driver namin." Teka parang kilala ko kung kanino yung kotse na 'yun. Kila Frost 'yun!
Lumabas ang isang lalaki na naka-plain white t-shirt at pants. Simple pero malakas ang dating. Naka- headphone pa siya. As usual sino pa nga ba? Si Frost a.k.a. Halimaw, Kidnapper, Maniyak.
"Huwaatt! Bakit nandito ka?"
"Ako naghatid sa kanila." sabay smirk.
"Sige na pumasok na kayo."
Pagpasok nila...
"Woah! Commoners house." Sabi ni James.
"Ang cute maraming gamit." sabi naman ni Brigette.
"Sige dyan muna kayo. Kukuha ko lang ayo ng makakain." kumuha ako ng juice at yung mga cupcakes na ibebenta bukas. Sila ang unang makakatikim nito.
"Eto oh," Nanlaki agad ang mga mata nila na parang gusto na nilang kumain."Kayo palang makakatikim niyan dapat bukas pa 'yan pero dumating kayo kaya gusto ko i-try nyo. Sabihin niyo kung may kulang. Kung kulang sa tamis o sobra pa. Para magawan ko agad ng paraan."
"Ok!" sabi nila.Pagkakagat nila, tumahimik sila... At...
"Alice dabest ka talaga!" sabi ni James.
"The most delicious cupcake I've ever had." sabi naman ni Brigette.
"Perfect!"sabi ni Frost. Narinig ko yun kahit nag-iingay sila James at Brigette at kahit mahina ang pagkakasabi niya dito. Natuwa ako at parang nagblush ako.
"Kuya!!!!!!!!!!!!!!!!!!" biglang may yumakap kay Frost.
"Elice!"
"Namiss kita >,<." Cheeee! Arte ng kapatid ko.
"I miss you too!" Hmmmph!( =_=) Plastic!
"Hehe."
"Frost sino 'yan?" tanong ni James.
"Ah, kapatid ni Alice si Elice." sabi ni Frost.
"So ikaw pala yung laging kinukwento sakin ng Ate mo. You're so cute like your Ate." sabi ni Brigette.
"Salamat po. Kayo naman din po. Hindi lang po kayo cute, maganda pa."
"Oh, thanks for the compliment. You can call me Ate Brigette."
BINABASA MO ANG
Pag-ibig nga ba?
Teen FictionNaranasan mo na bang kiligin sa taong kinaiinisan mo? Ngumiti sa mga pagkakataong kasama mo siya? at umibig sa taong hindi mo inaakalang mahal mo pala? Nakakalito at medyo nakakainis ang love story ko. Pero sa lahat ng galit at inis na iyon ay may n...