Morning...
Hmmm... Sama ng panaginip ko! Umiiyak daw si Frost tas natulog daw ako sa bahay nila. Tapos kinantahan ko pa daw siya at inalagaan.
Ang lambot naman ng kama ko ngayon at ang bango bango. Lumiko ako upang abutin yung unan ng nakapikit.
Teka parang ang laki at tigas naman nung unan na 'to?
Teka?! Huwag mong sabihin na...
Nang binuksan ko na yung mga mata ko. Nakita ko yung pagmumukha ni sleeping monster!!!
Wahhh!!! So totoo ang lahat hindi lang panaginip? Hala! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I sleep next to a boy i hate the most.
Pero ang cute niyang matulog. Hay! ano ba itong naiisip ko.
Bumangon na ako sa aking pagkakahiga. Tapos may biglang may humawak sa braso ko at nagsalita .
"Ang likot at ingay mo naman!" si sleeping monster gising na.
"Paki mo ba?" supladang sagot ko.
"Napakasuplada mo naman. Lagi ka bang may regla?"
Aba! kinuha ko yung isang unan at hinampas ko sa kanya.
"Bastos!"
"Aray! Ang sama mo."
"Hmmph!"
"Hay... Tara na nga kakain na tayo."
Talaga? Kakain na? Hindi na lang ako kumibo at sumunod na lang sa kanya papuntang dining room.
"Ohayo Ōji sama" sabi nung mga maids. May inabot na parang catalog kay frost at sinabi sa kanya na ano daw ang gusto niyang breakfast ano 'to restaurant? Nung natapos siya. Inabot niya 'yung catalog sakin.
"Eto. Mamili ka. Libre 'yan huwag ka ng magalala." sabi niya. pagkatingin ko sa catalog puro masasarap na pagkain. Pinili ko talaga yung talagang specialty nila. Umalis ang maids at niluto na 'yung mga pagkain.
Pagkadating ng mga pagkain...
Heaven times two!
Mukhang masasarap. Nakakita ulit ako ng mga bituin sa paligid ng mga pagkain.
At nung tinikman ko na...
Heaven times 10000000000000!
Ang sarap!
Ayun kumain lang kami ng tahimik. Parang tanghali na at alam kong huwebes pa lang. Alam konng may pasok kami ngayon. Kaya tinanong ko kay Frost kung anong oras na.
"Frost anong oras na?"
"Ten o'clock na."
"Huwat?!" ten na? Takte 'yan! hindi pa ako nalalate ng ganito.Hindi pa ako nalalate in my history.
"Saan ka pupunta?" wow! Nagtanong pa siya! Arrggghh!!!
"Papasok na kung ayaw mong pumasok di huwag. Salamat nga pala nalate ako dahil sayo. First time lang nangyare sa akin 'to." Dalidali kong kinuha ang gamit ko at nag ayos.
"Teka! Sasama ako." Hay..........
Buti na lang may sasakyan sila at naihatid kami ng mabilis.
Sa classroom...
Kasalukuyang nagkaklase ang teacher namin.
Knock...Knock...
Kumatok ako at binuksan ni Sir ang pinto.
"Sir. sorry I'm late."
"Sir. ako din po." sabi ni Frost.
"Oh! Ms. Cruz first time mo lang malate ha. Pero kailangan natin sundin ang rules. kayong dalawa ni Mr. Fukuyama will stay outside at hihintayin mag luch break at pagkatapos maglunch break pwede na kayong pumasok na dalawa. Ok?"
BINABASA MO ANG
Pag-ibig nga ba?
Teen FictionNaranasan mo na bang kiligin sa taong kinaiinisan mo? Ngumiti sa mga pagkakataong kasama mo siya? at umibig sa taong hindi mo inaakalang mahal mo pala? Nakakalito at medyo nakakainis ang love story ko. Pero sa lahat ng galit at inis na iyon ay may n...