"Frost! Maniyak! Halimaw! Kidnapper!" namumulang sabi niya.
"Sabi ko sayo kapag hindi mo sinabi, hahalikan kita. Ngayon kapag hindi mo sinabi hahalikan kita uilt kaya... Sabihin mo na ok?"
"Oo na sige.."
Naikwento niya ang nangyari sa first prom niya. Hahaha. Nakakatawa siya. Bakit napaka sensitive at senti ng mga babae? Sa bagay...
"Ganun ba?"
"Oo."
"Nga pala natxt ko na 'yung tita mo para hindi na siya magalala."
"Frost, salamat nga pala."
Biglang sumaya at gumaan ang pakiramdam ko.
"Frost may naalala ka pa ba?"
"Tungkol saan?"
"Ka...ka...Kahapon?"
"Kahapon?"
"Oo."
"Ah... Konti... Kasi masakit ang ulo ko noon."
"Alam mo may kakaiba kang sinabi kahapon."
May nasabi ba ako kahapon? Kakaiba?
"Ha?! Ano 'yun?"
"Basta... Alalahanin mo. Hindi huwag mo na pa lang alahanin."
"Ha bakit? Ang naalala ko lang eh, inalagaan mo ako. Tapos 'yung natulog na ako. Ano nga kasi iyon!"
"Wala." sabi niya sabay tawa. Humanga ako sa kanya kasi kanina malungkot siya pero sa kabila ng lahat ay nakakatawa siya. Ngumingiti pa rin siya. She was strong just what I thought.
Nung huminto na ang ulan.
"Tara Alice, hatid na kita." tumayo siya sa pagkakakaupo niya. Nilakad namin hanggan sa bahay nila.
"Tita."
"Alice, hay basang basa ka. Hala pumasok ka sa loob at magpalit ka."
"Opo."
"Hi Tita!" sabi ko.
"Oh, Frost. Ikaw ba ang naghatid kay Alice?"
"Ah, opo."
"Halika pasok ka muna."
"Sige po."
Umupo kami sa sofa.
"Uy, salamat nga pala."
"Walang anu 'man po 'yun.Tita, aahhhmmmnn... Pwede po bang tumulong ako sa inyo sa pagbenta ng mga tinapay sa bakery. Siguro mga valentine?"
"Oo sige. Pero, ok lang ba talaga sayo?"
"Opo. At saka, huwag niyo muna po ninyong sabihin kay Alice ba ka hindi po siya pumayag. Ok lang po ba? Magtetext ko na lang po sa inyo." sabi ko ng pabulong.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig nga ba?
Teen FictionNaranasan mo na bang kiligin sa taong kinaiinisan mo? Ngumiti sa mga pagkakataong kasama mo siya? at umibig sa taong hindi mo inaakalang mahal mo pala? Nakakalito at medyo nakakainis ang love story ko. Pero sa lahat ng galit at inis na iyon ay may n...