<Alice P.O.V.>
Hay... Tanghali nang gumising si halimaw napuyat ata. Ano kaya ang ginawa niya kagabi?
Nangbiktima kaya siya ng tao?
Mga 12:00 noon naisipan na naming pumunta sa theme park kakahintay sa pagising ni sleeping monster. nag ayos kaming dalawa ni Brigette siya nakadress tas ako simple lang naka pants at t-shirt. Pinilit din niya akong magdress pero tumanggi ako.
Tapos...
Bato… Bato … Pik!
“Ah talo ako!”
“Ha? Talo ka Alice? So Ikaw ang ka-partner ko.” Tanong ni James.
Hay naku, nakakainis namang ‘tong Dare game na ito magkakaroon daw kami ng
Imaginary double date. Pero hindi naman nakapartner ni Brigette si James.
“Oh ano tapos na?” sabi ni Frost.
At sumakay na kami sa kotse. Ang suplado at ang atat naman niya. Hay di bale na nga.
Sa theme park…
<Brigette P.O.V.>
Anu ba ‘yan nakakainis! Hindi ko nakapartner si James. Si Frost ngayon ang nakapartner ko. Hay naku! Pero ok lang iyon at least maiitatanong ko na kay Frost ang mga gusto kong tanong. Nung una naglibot muna kami, sumakay sa mga rides pero mukhang nakasibangot parin siya. At parang may hinahanap. Hahaha I get it! Namimiss niya si Besti! Umupo muna kami saglit at sinimulan ko na ang pagtatanong.
“Frost, Pwede bang magtanong?”
“Oh, ano ‘yun?” tapos uminom siya ng softdrinks na dala niya.
“Uhhmmmn... May gusto ka ba kay Alice?”
Tapos nabuga niya ang soft drinks na dala niya.
“Tissue eto, gusto mo?” inabot ko sa kanya yung tissue.
“Salamat. Brigette, ano bang klaseng tanong ‘yan?”
“Huy, ano nga may gusto ka ba sa kanya?” pinilit ko siya.
“Gusto mo ng ice cream?”
“Frost huwag mong baguhin ‘yung tanong!”
“Ahh..Eh...”
“Anong Ahh..Ehh... A...E...I...O...U...? Sagutin mo ako! May gusto ka ba sa kanya?”
“Sa totoo lang, hindi ko alam.”
“Huh?!”
“Ewan?!" sabi niya ulit.
"Anong ewan?" tanong ko.
"Ngayon ko lang kasi nadama ito kaya hindi ko alam. Kapag nakikita ko siyang masaya, masaya na rin ako. Kapag nakikita ko siya at may ginagawang kakaiba, ewan ko…Biglang bumibilis ang tibok ng puso ko. Simula nung pumasok at naging kaklase natin siya, sa kanya na lang ako nakatingin at pinagmamasdan ang mga ginawa niya, ninais kong maging kaibigan siya pero hindi ko magawa kasi, natatakot ako na ba ka mali ang inaakala kong may gusto ako sa kanya pero salamat sa inyo dahil mas nakilala ko pa siya.”
Ngayon ko lang narinig kay Frost yung mga salitang yun. Seryoso but then parang malambing ng konti. Sa palagay ko, hindi niya gusto si Alice, mahal na niya ito.
Hahahaha kapag naging girlfriend niya si Besti Bff na kami forever and ever yehey! I will do everything para maging sila.
“Ayun naman pala may gusto ka sa kanya, strive hard! I will be as your ate tutulungan kita kay Alice. Don’t worry! Ako ang bahala sayo!” sabi ko. Tapos nagsalita pa ulit ako.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig nga ba?
Teen FictionNaranasan mo na bang kiligin sa taong kinaiinisan mo? Ngumiti sa mga pagkakataong kasama mo siya? at umibig sa taong hindi mo inaakalang mahal mo pala? Nakakalito at medyo nakakainis ang love story ko. Pero sa lahat ng galit at inis na iyon ay may n...