After 3 hours...
Pagkatapos namin magpractice. Nagdecide na akong umuwi samin kasi marami pa akong gagawin. Hinatid ako ni Frost sa bahay ko. Agad akong pumunta sa kusina at nagluto ng mga cupcakes at cookies. pagkatapos nun natulog na ako. Ayy.... Nakakapagod!
*yawn* Kakagising ko lang Valentines na at the same time... Prom na nila mamaya.
Teka bakit ang ingay at sa labas? Anong oras na ba?
Pagkatingin ko sa aking orasan... 9:30 na! Bakit naman hindi ako ginising ni tita? Hayssstt! Naligo ako tapos nagbihis. kailangan ko na talagang tumulong kay tita.
Sa bakery...
Wow! Ang daming bumibili! Halos mga girls. Teka sino yung lalaking kasama ni tita?
I zinooom mode ko yung mata ko...haha... Zoom out 20%... 50%... 70%... 100%!
"Frost?!"
Lumapit ako agad at binatukan ko siya.
"Aray!"
"Bakit nandito ka?Diba dapat nagmomonster este beauty or handsome o kahit anong tawag sa rest na 'yun ka?
"Tsk! Mamaya ko na sasabihin maraming customer. Ang sakit nung batok mo wah! Gaganti ako sayo mamaya. Nga pala hindi ko na kailangan yung mga rest na sinabi mo, kasi... Natural na sa akin ang pagiging gwapo!"
Arggh! Yabang! Hindi ko talaga mareach!
Tinulungan ko na sila... At nung naubos na yung mga cupcakes ko at cookies, pumunta ulit ako sa kusina at gumawa ako.
"Teka saan ka pupunta?" napansin ko kasing sumusunod sakin si Frost.
"Titignan kitang gumawa ng mga cupcakes. Baka kasi nilalagyan mo ng ayuma o ng kung anu-ano." sabi niya.
"Loko! Hindi! Ano ako mangkukulam? Sorry wah, pero 100% to 99.9% walang germs ang cupcake ko parang safeguard lang!" sabi ko sa kanya at nagluto na ako.
.............
"Frost! akin 'yan!" inagaw nya yung isang cupcake na walang design .
"Akin na lang?"
" Uy wala pa yang design"
"Ok lang ako ang magdedesign." kinuha niya ang ilang cream at pangdesign at tumalikod.
"Teka! Akin na yan kalangan ko yung isang pangdesign." pero sa totoo lang gusto kong tignan kung ano ang dinedesign niya.
"Oopps! Alam ko yung style na 'yan Alice! Huwag kang manilip! Masama 'yan!"
"T..Teka.. Cupcake lang 'yan!"
"Kahit na." isip bata talaga siya!
Pinabayaan ko na lang siya. Pagkatapos ko, inilabas ko na yung mga ginawa ko at dinisplay sa counter. Sabi ni tita siya na daw ang bahala sa lahat. Kaya na daw niya kasi kumonti na ang mga costumer. magpahinga na daw ako. Hanggang sa...
"Tita alis na po kami!" sabi ni Frost at hinawakan niya ako sa may wrist at kinalad kad papuntang kotse niya. Mga 12:00 siguro nun.
"Baliw ka ba?! Bakit mo ako dinala dito sa kotse mo? Alam mo bang tutulungan ko pa si tita?" pasigaw na tanong ko.
"Ganyan ka ba talaga kaingay?"sabi niya at pinaandar ang kotse.
" Teka saan tayo pupunta? Saan mo ako dadalhin? waahhh!! Somebody save me! Kidnapper!" wala malayo na kami sa bakery... Huhu...
"Kidnapper!!! Kidnapper!!!" bigla niyang hininto yung kotse. Siguro nainis na siya! Hehe. Sa ingay ko naman ba eh.
"Tumigil ka nga dyan!" at bumaba sa sasakyan. Tinignan ko lang siya na bumaba at sinarado niya yung pinto. Haha nainis na talaga siya.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig nga ba?
Teen FictionNaranasan mo na bang kiligin sa taong kinaiinisan mo? Ngumiti sa mga pagkakataong kasama mo siya? at umibig sa taong hindi mo inaakalang mahal mo pala? Nakakalito at medyo nakakainis ang love story ko. Pero sa lahat ng galit at inis na iyon ay may n...