Beat d' Undead

1.5K 35 9
                                    

PROLOGUE

"The hell! What's goin' on?!"

-Tootsy

"I think Im gonna puke again."

-Missie

*Ubbwaa*

Lahat kami natataranta. Si Missie kanina pa suka ng suka. Si Kiko ay nakupo at niyuyuyog ng paulit-ulit ang mga tuhod. Si Tootsy naman ay tulala sa tabi niya. Si Jiro at Leon nasa taas sa terrace.

"Ella! Come here!"

-Jiro

Katulad ito ng mga napapanood kong zombie films pero hindi pa din ako makapaniwala. Sinampal sampal ko pa ang sarili ko. And it's totally happening!

Umakyat ako at sinundan si Jiro. Tinuro niya sakin ang isang bata sa kaliwang street, nasa pang apat na bahay mula sa palikong daan. Maganda ang pwesto ng bahay nila Leon dahil nasa gitna ng crossing. Makikita dito ang pabaliktad na letter T na daan. Si Cecil yung bata. Anak ng kapit-bahay namin na kasalukuyang binubuklat ang tiyan ng kanyang sariling ama at iba pang kapit-bahay. Madaming dugo ang tumatalsik. Eww. It was a feast and they're enjoying it. Isa ang humila sa bituka at nakipag-agawan pa yung isa. Kadiri.

*Ennnggg..kweeekk....buggssh!!*

Isang kotse ang dumating mula sa gitnang street at agad na bumangga sa mga tao na pakalat-kalat at sa gate ng bahay ni Mrs.Thompson na kajoin ng papa ni Cecil sa paglantak sakanya. Nasa subdivision kami kaya naman konti lang ang mga tao. Hindi. Hindi na pala sila tao. Nagtransform sila at naging mga nilalang na gustong gusto kumain ng mga fresh meats. Hindi lang basta fresh. Gusto nila ay buhay, gumagalaw at pumipiglas. Ang daming dugo sa daan. No wonder why Missie ca'nt stand here.

Mula sa koste lumabas ang isang lalakeng duguan.

"Hey! Kids! Ayos lang kayo diyan?"

Nakita niya kami pero nakatingin lang kami sakanya. Papalapit na sakanya ang apat na zombies.

"Nakoh po!" napahawak ako sa bibig ko.

Nahawakan siya ng isa sa kamay pero agad niya itong natulak at binaril sa ulo. Ganoon din ang ginawa niya sa tatlo pa. Hihinga na sana ako ng maayos pero...

"AHHH!!"

Sa kasawiang palad, muling tumayo ang isa at nahawakan agad siya sa paa dahilan para matumba siya. Tumayo rin ang isa pa at agad siyang nahawakan sa balikat at ulo at kinagat. Nagtalsikan ang mga dugo, hindi pa nangunguya at kumagat pa ulit ito ng isa pa. For sure yung vocal chords na yun. Eww. Yung pangatlo naman ay binuklat ang tiyan. Aba't another fiesta. Agad na inilabas yung bituka. Omg yung binti niya naubos na nung isa. Nasusuaka na kami.

"Gross!"

-Jiro

"Aim for the head." agad kong nabanggit nang makita yung isa pa na hindi na nakatayo dahil sa ulo tinamaan. Buti nalang at katulad sa ibang zombie movie, sa ulo dapat tirahin. Yun talaga ang dapat.

"Double tap."

-Leon

"You got it Leon."

Hinila ko si Jiro at Leon at bumalik na sa loob ng bahay.

Beat d' UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon