Chapter 16

577 16 2
                                    

B/N : Rated SPG, bawal po hindi open-minded dito. Kung hindi magugustuhan ang mga nangyayari huwag na magpatuloy sa pag-basa. Lagay niyo nalang po ang sarili niyo sa sitwasyon ng mga characters ko.

Kung may error sa gramming pm niyo sakin para ma-edit. Haha trying hard ako mag-english kasi lagi kami pinageenglish spokening sa school. Haha

Salamat po.

-YHAN

Chapter 16

Ella's POV

Nagtulong kami ni Jiro sa paghila kay Kiko. Masyado siyang mabigat dahil may humihila din sa paa niya. Natataranta na ko! Sumigaw pa siya ng malakas.

"AAgghh! Yung paa ko!"

"Come on!" Niyakap ko na siya nang makalabas ito. Nakita namin ang kanang paa niya na may mga dugo.

"Nakagat siya! Patayin niyo siya!" Nakita kong pasugod si Dhanetth kay Kiko. Agad naman itong napigilan nila Leon. Imposible! Tinaas ko ang pants niya at wala naman.

"Hindi ako nakagat. Pero masakit." sabi niya habang nakahawak sa bandang binti.

"He's lying! Kill him!" Galit na galit na sabi ni Dhanetth. Alam kong di niya matanggap na wala na si Dex, at hindi ko din naman matanggap na wala na si Vanessa. But we both have to move on. Buhay pa kami. 

"Enough Dhanetth! There's no time for drama now!" Kinuha ni Tootsy ang isang kutsilyo at pinilit ipahawak kay Dhanetth. Tinulungan naman namin ni Jiro tumayo si Kiko. May bali siguro yung paa niya. Bwisit talagang mga zombies na yan. Pinagpupulot namin ang mga bagpacks at mga sandata namin.

"Ahm...ate..." Nagulat ako ng kalabitin ako ni Mica. Nakaturo siya sa bandang kaliwa namin. Nandito na sila. Buti nalang at dumidilim na at hindi na kami napapansin. Tumingin ako sa kanan at nakitang kakaunti lang ang nandoon. Nagtinginan kaming lahat at nagtanguan nalang. Tahimik lang si Dhanetth at masama ang tingin sakin. It's not my fault! Nakakaasar! Siya na nga niligtas ko eh. Gusto niya pang balikan si Dex, pero nakita niya naman na wala nang magagawa. Hindi ko din ginusto yun. Buti nalang at dumating si Kiko para tulungan ako sakanya kanina.

"Kaya mo?" Bulong ko kay Kiko habang nakaakbay siya sakin. Nakahawak ako sa bewang niya. Kawawa naman to. 

"Yeah. hand me my knife." Inabot ko sakanya yung kutsilyo niya. Ako nalang umalalay at lumakad na kami ng dahan dahan. Hindi kami masyadong pansin dahil nasa gilid kami at may mga humaharang na puno. Nakapaikot sila sa aming dalawa dahil sa lagay ni Kiko. Paisa-isa at tahimik na sinusugod nila Tootsy at Leon ang mga nasa harap. Si Missie at Jiro sa likod namin at si Dhanetth, Mica at Miko sa gilid. Napapansin ko lang na nagigng hustler na kami sa paglaban sa mga to. Wag lang sobrang dami.

"Hurry!" Sigaw ni Missie sa likod. Lilingon sana ako pero.. "Dont look back! Come on!"

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta binilisan namin. Tumawid kami sa kaliwang kalsada. Ang daan na ito ay paliko. Papunta ito sa gate 6. Kita ko sa di kalayuan ang bahay namin. May mga nakakita na sa amin at hinahabol na kami! Oh my!

"Leon!" Napatingin ako kay Tootsy, may tinaga siyang isa sa harap namin. Nakita ko si Leon na pinaibabawan ng isang zombie. Lumapit naman si Dhanetth at tinulungan siya. May kung ano sa mata ni Tootsy at nakakatakot tumingin. Ilang segundo pa eh hawak na ni Tootsy ang kwelyo ni Leon. Napapano ba ito si Victoria at parang may attitude ngayon?

"I said stop scaring me!" Sigaw niya kay Leon habang kinakaladkad. Nagmamadali pa din kaming lumakad.

"Inaano kita?!"

"Ang careless mo!"

"Bitawan mo muna ko!" Binitawan siya ni Tootsy pero pahagis.

"Ate Tootsy! Look out!" Sigaw ni Mica. May pasugod pala sakanya. Nakita yun ni Leon at napigilan niya agad. Tinadyakan niya sa sikmura at sinaksak sa ulo. Di ko din napansin yun ah. Hirap na hirap ako sa paglakad. Ang bigat ni Kiko. Napatingin ako sa mukha niya at pawis na pawis.

Beat d' UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon