Chapter 4

483 17 2
                                    

B/N : Short chapter. Hayaan na kahit walang nagcomment na gusto nila ng next chapter. Haha.

Chapter 4

"Nasa kotse ako, si mama nasa labas. Kinagat siya ni kuya Gaston bago siya makapasok dito... Huhu.. anong gagawin ko ate?..bukas yung gate...may mga duguan..natatakot ako ate..."

Si kuya Gaston ay boy namin sa bahay. Tuwing sabado ay sinasama ni Tita si Mica sa office. 12yrs.old palang siya at siguradong takot na siya sa mga nangyayari.

"Stay calm. Ilock mo yung pinto ng kotse, buksan mo lang ng konting konti yung bintana sa likod at yumuko ka lang."

Ilang minuto ulit ng katahimikan nang magsalita siya.

"Ate....kunin mo na ko dito..ayoko na dito...natatakot ako lumabas...."

"Pupuntahan kita diyan. Huminahon ka muna. Huwag kang lalabas diyan. Nasaan yung susi ng bahay ?"

"Nakay mama. Hindi ko alam kung nasaan siya. Tumakbo siya kanina. Nasaan ka ba ate?..."

"Nandito ako kela Missie. Pupuntahan kita. Yumuko ka lang at wag ka masyadong gagalaw. Huwag kang magpapakita sakanila. Kung sakaling may makapansin diyan sayo, lumabas ka agad at tumakbo sa kwarto mo, ha? Ilock mo yung pinto. Lakasan mo ang loob mo. Katulad lang to ng mga pinapanuod natin. Naalala mo si Carl ng walking dead. Matapang siya diba? Kaya mo rin yun, Mica. Pupuntahan kita. Huwag mo bitawan ang cellphone mo. Tatawagan kita mamaya."

"Dalian mo ate."

Pinatay ko ang cellphone at sakto naman nagsalita si Missie.

"Ella! May power pa. Tingnan mo to."

Ibinaba ni Missie ang laptop sa lamesa.

"Ella..walang sumasagot kay mama at kay papa..anong gagawin ko?"

Lumapit si Tootsy sa amin at nagsimulang umiyak. Hinawakan ko siya sa likod at agad siyang yumakap sakin.

"Stranded sila mama sa office. Nasa rooftop daw sila. Tumawag sila ng rescue pero wala pa din daw. Sabi niya huwag na daw tayo umalis dito."

Pagpapaliwanag ni Kiko.

"Ella! Si Miko, mag-isa lang siya sa bahay. Nilock daw siya ni mama. Si mama......nakagat na daw siya..."

May tumulong luha sa mga mata ni Jiro. Ako man ay naluha na pero pinilit kong tibayan ang sarili ko. Huminga ako ng malalim.

Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Kailangan namin mag-isip ng mabuti. Binuksan ni Leon ang tv. Pinakita sakin ni Missie yung post kagabi na hindi namin natapos basahin. Binasa ni Missie ito ng malakas.

Dxxxxx : Guys take this seriously, lock yourselves at home. Do'nt come near of those things. May kumalat na virus galing sa isang hospital sa Higgor City. Ang balita ay may isang sakit na hinanapan nila ng cure. Pero mas lumala ang sitwasyon. Namatay ang isang patient at nung nilagay nila ito sa morgue ng hospital para linisin ay umatake ito. Hindi ko sure kung totoo yung balita pero ang bilis nito kumalat. Nangangagat ang mga infected at napapasa nila ang virus sa loob lang ng ilang minuto. Please spread this news. Walang nagbabalita sa tv.

"Bakit walang news?!"

Nagulat kami ng paluin ni Leon ang tv screen na puro black and white lang, yung katulad sa sadako. Napaisip ako kung bakit nga ba hindi nagbalita sa news? Bago ako matulog kagabi ay puro commertial lang ang palabas. Ang Higgor City ay two cities away from here. Ganun kabilis?

"They isolated us?!"

-Missie

"What?!" Sabay-sabay naming sigaw. Tiningnan namin ang latest post sa page na nakita namin.

Dxxxxxx : Our country is isolated due to the infection of the virus. Just found out sa isang page. Pero hindi ko pa din sigurado. Guys, hindi ko sure kung bakit walang nagbabalita, we cant contact overseas. Lahat ng nakaregister dito sa facebook from this country is blocked. Ugh! Nagtry akong palitan ang location ko but nothing happened. I ca'nt send messages abroad. Pati calls ayaw! I do'nt know what to do?! T.T

Kinabahan ako at naalala sila mama. Masyadong magulo ang sitwasyon ngayon. Kung hindi sila matatawagan, kailangan ko nalang puntahan si Mica. Hindi ko siya pwedeng pabayaan doon. But we have to take care.

"Okay. Hindi ko alam kung dapat ba talagang tawagin natin na zombies ang mga yun. Pero marami na tayong napanuod na ganito. Alam kong ako lang ang in character pero lahat tayo alam ang mga paraan."

Nagspeech ako ng wala sa oras. Inihanda ko ang sarili ko sa ganito pero hindi lang ako makapaniwalang nangyayari ito ngayon.

"I have to get my brother."

Biglang sabat ni Jiro at agad na kumuha ng kutsilyo sa kusina. Nagsimulang mag-iyakan si Tootsy at Missie. Kailangan maging matatag, pero ninenerbiyos din ako.

"Stop! Jiro!"

-Leon

"Hindi tayo pwedeng magpadalos dalos, we have to prepare, Jiro. Kung susugod ka sa labas ngayon mapapahamak ka lang."

Pinahinahon agad namin siya. Naiinis siyang umupo sa couch at halatang nanggigil na. Hindi na rin ako dapat magpadalos-dalos. Kailangan ko na kumilos bago pa mapahamak si Mica at ang kambal ni Jiro na si Miko. Nagkaproblema si Miko at ilang buwan ng hindi nagsasalita. Simula noon ay si Jiro ang nag-aalaga sakanya kapag wala ang mga magulang nila.

Pinatahan ko na si Missie at Tootsy at pinakalma.

Inisip at nireview ko lahat ng zombie apocalypse survival tips na natutunan ko.

We need to be ready.......

Beat d' UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon