Chapter 11

538 18 0
                                    

Chapter 11

Kiko's POV

"Sino magdadrive?"

"Ikaw."

"Ako?"

"Oo. Dalian mo na."

"Bakit ako?"

"Hindi ako marunong niyan."

"Eh san ka hahawak?"

"Ano?!"

"ELLAAA!!!"

Nagulat ako kay Leon. Sumigaw na. Kasi naman eh. Ako pa pinagdadrive ni mahal. Kinakabahan tuloy ako. Dugdugdugdug. Saan kaya siya hahawak? Yayakap ba siya sakin? Nakoh ! Baka di ako makapagbalance ng maayos! Lintek na puso to tumatalon.

"Huy! Tinatawag na tayo!" Pinalo ako sa braso ni Ella at napunta na ko sa reality.

"Okay. Okay." Umupo na ko sa motor at sumakay na siya sa likod. Tatanungin ko ba kung nakakapit na siya?

"Dali!"

"Ah! Oo, oo." Pinatakbo ko na ang motor. Nabigla ata siya at napakapit ang mga kamay niya sa tagiliran ko.

"Ah!"

"Ay! Sorry." Bilisan ko pa kaya para yumakap siya? Putek ! Ano ba tong mga iniisip ko?! May emergency na nga at baka nasa panganib sila kuya Ben sinasabayan pa ng katangahan ko. Si Ella naman kasi eh! Parang may kung ano tuloy sa tiyan ko. Tsk!

Totoo kayang may butterfly na sa loob nito?

Nagdrive na ako palabas at si Leon ay nasa likod ni Dex. Grabe nakakatakot si Leon. May hawak siyang kutsilyo at nakatutok sa kanan tagiliran ni Dex at yung kaliwa niyang kamay nakahawak sa likod ng upuan. Tumango lang siya sa akin at nauna na sila. Sumunod naman kami.

My gawd!!Oh my gawd!! Nakayakap sakin si Ella? Totoo ba to? Maa-out of balance yata kami. Steady Kiko! Muntimang nakoh! Argh!!

"Walanya ka Kiko!Bagalan mo nga!"

Nakoh! Ang bilis naman pala. Tsk!

"Sorry.Sorry." Binagalan ko na. Haayy... Nakakashock naman kasi. Yumakap ba naman sayo yung dating sinusulyap sulyapan mo lang. Hindi ko naman siya makausap. Gusto ko umamin pero....

"Kiko!" Oh? Bakit bumalik sila Leon? Kakaliko lang nila pakanan. Medyo nauuna kasi sila sa amin.

"Balik! Dalian niyo?!"

"Huh?" Napahinto ako sa pagdadrive. Parehas kami nagtaka ni Ella. Sila Leon nauna nanaman pabalik.

"Ugghh...."

"Graaaa..."

"Kiko dali! Balik!" Nagdrive ako pabalik ng marinig namin ang mga ungol. Nalintikan na! Saan galing ang mga yun?! Tumingin ako sa side mirror at nakita ang higit pa sa bente na...na....kailangan ba namin tawagin zombies ang mga yun? Lalong humigpit ang yakap sakin ni Ella. Parang nababasa yung t'shirt ko? Umiiyak ba siya?

"Ella..bakit?"

"Wala na...wala na sila kuya Ben..."

"Ano?!" Napatingin ako sa likod at mukhang yung damit ng isa sa mga tumatakbo?! Lintek! Ang bilis na ng lakad? ay ng takbo? Ano ba? Bakit ganito?! Si kuya Ben nga yun?!

Binilisan ko pa at maya-maya nasa bahay na kami. Agad na bumaba si Ella at tumakbo sa loob. Sumunod na din kami.

"Isarado niyo lahat! Wala dapat makitang liwanag sa labas! Dali! Kumot Missie! Lagay sa mga bintana!"

Agad nalang namin ginawa ang sinabi ni Leon. Si Ella umiiyak habang kumikilos.

"Kuya! Bakit?!"

"Mamaya na. Sige na! Kumilos lahat! Dex, Dhanetth! Tumulong kayo!"

Beat d' UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon