Chapter 18

404 10 0
                                    

Chapter 18

Ella's POV

Gusto ko pa sanang matulog pero lumiwanag na at pasikat na ang araw. 5:30am sa wrist watch ko. Si Kiko naman tulog pa din at nakatagilid. Umupo muna ako at hinilot hilot ang sintido ko. Ang sakit talaga sa ulo kapag gumising ng maaga. Naramdaman ko naman ang kwintas na regalo sakin ni Mica at Kiko. Naging maayos ang pakiramdam ko ng makapag-usap kami na para bang walang problema.

Gumalaw naman si Kiko at tumihaya na siya. Inilagay niya ang kanang braso sa mga mata niya at huminga ng malalim. Tulog na tulog pa. At ito nanaman akong si adik.

*Tsup*

Hihi. Lumayo ako agad at tumayo na din. Pangalawang beses ko na nanakawan ng kiss itong si Kiko. Hindi ko kasi alam kung bakit attract na attract ako sa mga labi niya kaya one time habang natutulog siya eh nahalikan ko. Sorry naman. Heartrob ng school yan. Oh sige na nga, crush ko siya eh. Pero alam ko kasing gusto siya ni Missie kaya nga nakuntento ako sa panakaw-nakaw na sandali. Si Leon may gusto kay Tootsy, si Jiro kay Missie, sakin wala man lang nagkakagusto. Grabe ang bruha ko. Ang alam niya pa virgin lips pa siya. Ang sama ko ata? Tss.

Pumasok ako sa loob para kumuha ng kumot. Sakto namang bumaba si Tootsy at Leon.

"Saan kayo galing?" Tanong ko sakanila ng nasa sala na kami.

"Anduga niyo. Sa taas kayo natulog?" Sambit ni Missie na kinukusot-kusot pa ang mata. Si Jiro naman ay seryoso ang mukha at nakatitig sa radio. Nagngitian lang yung dalawa. Nako nako, anong meron?

Lumapit ako kay Jiro na kakaiba talaga yung tingin sa radio.

"Sshh...huwag muna kayo maingay." Naiirita niyang sabi at pati sila Missie ay lumapit na rin samin. May static at crunching sounds kaming naririnig.

*He....may....ba...*

"Narinig niyo yun?!" Biglang pinalo-palo ni Jiro yung radio. "Kanina ko pa naririnig to eh!" Natataranta niyang sabi. Pati tuloy kami natataranta. Umupo na ako sa tabi niya at nakipalo sa radio.

"Baka rescuers!" Excited na sabi ni Missie. Ako naman na medyo nainis na dahil hindi ko maintindihan at sobrang choppy yung line ay pinalo ko ng malakas. Biglang naging malinaw yung nagsasalita.

"Please!! Kung sino naman ang nakakarinig nito. Sumagot kayo. Hello?!!"

Isang babae ang narinig namin na nagsasalita. Ang husky ng boses niya at parang umiiyak. Nagkatinginan tuloy kaming lahat. Agad-agad kong kinuha yung mouthpiece para sumagot.

"Hello?"

"Hello?!Hello?! May sumagot ba talaga?!"

"Oo. Sino ka?"

"Ako si Hanna! Kunin niyo na kami dito please!" Hala?! Akala niya rescuers kami.

"Hey hey, wait. Hindi kami rescuers okay. We're in the same situation."

"S**t!" ilang segundong natahimik ang linya. Pero maya-maya pa nagsalita siya ulit sa mas malungkot na boses. "We're six before, now, dalawa nalang kami ng kuya ko. Injured pa siya. Ikaw?"

Ako naman ang napatigil sa sinabi niya. Dalawa nalang sila samantalang kami walo pa.

"We're eight."

"Great goddesses, we're so bummer. Nasa'n kayo?"

"Subdivision. Kayo?"

"We're stock in a mall kaya nakatagal kami. Ilang weeks na kami nag-aantay ng may sumagot sa lintek na radio na to. Akala ko pa naman may sasagip na samin. Ugh! Totoo bang may kausap ako? Baka naman naghahallucinate na ko. Leshe!"

Beat d' UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon