Chapter 10

469 16 0
                                    

Thanks sa supporters ! :*

KisSLAP! :*

Chapter 10

Ella's POV

"YAHHHHHH!!!!"

"HAAAAHH!!"

Tinutukan agad namin ng flashlight ang magjowa. Narinig ko agad na nagtakbuhan pababa sila Tootsy. Instant celeb itong dalawa parang nakaspot light eh. Sila lang ang naliliwanagan. Silaw na silaw sila. Haha nakakatawa mga itchura. Takot na takot at gulat. Tinutukan ko agad ng samurai ko eh.

"Si-sino kayo?!!" Sigaw ng babae.

"Kami dapat ang nagtatanong niyan. Kayo ang nagtrespass sa bahay namin." Sigaw ni Leon sakanila.

"Ahmm..ahh.." Ayan di makaimik. Tsk!

"Nasa'n si Kua Ben?!" Sigaw naman ni Vanessa pag baba. "Anong ginawa niyo sakanila?"

Dahil hindi makaimik ang dalawa ay lalo ko pang nilapit ang samurai ko sa leeg nung lalaki. "Magsasalita ka o hindi?!"

"Wewewait....!! Hindi namin alam. Umalis nga kami dun agad eh. Sino ba kayo? Aray ! Masakit sa mata! Pwede wag pakitutok?! Lintek !"

"Jiro. Buksan niyo na ilaw." Ang galing ko mang-utos kanina pa. Sinusunod naman nila. Takot lang nila sakin. Beng!

Pagbukas na pagbukas ng ilaw ay mas lalong napaatras at napasuksok sa gilid ng couch yung dalawa at nagyakapan. Anong problema ng mga to?

"Hala ka! Bakit dito tayo pumasok?!" Sabi nung babae.

"Babe. Ikaw nagpumilit dito eh!"

"Eh bakit di mo ko pinigilan?!"

"Kelan ka ba nag-paawat!"

Aba't di na kami pinagsalita. Tsk!

Magsasalita pa sana yung lalaki pero.

"Shut up?!" Sigaw ko sabay tutok ulit ng samurai ko. Oh yeh! I love this talaga.

"Sorry beaters! Aalis na kami! Tara na babe!" Pag-aaya nung lalake. Kilala nila kami? Nagkatinginan kami nila Leon pati nila Missie na kasalukuyang nakasilip sa hagdan. Bumaling ulit ang mata ko sa dalawa na lumulusot at iniwasan ang samurai ko. Lumakad sila sa gilid na parang umiexit na ninja.

"Dalian mo?!" -Babae. Sabay tulak kaya medyo nasubsob yung lalaki. Parang timang naman mga to. Hinarang ko ulit yung weapon ko sa leeg nung lalaki at agad naman tong napaatras. Bumunggo yung babae sa pwet nung lalaki at napaupo ulit sa couch.

"Pfftt...---" Napatingin ako sa parang nagpipigili ng tawa. Todo ngiti sila Kiko, Jiro, Leon, ay nako, lahat pala sila. Maski ako natatawa eh. Inusog ko pa ulit yung samurai at napaupo yung lalaki. Di ko nadin napigilan. Napuno ang bahay ng halakhakan naming lahat habang yung dalawa eh nagyakapan ulit at takot na takot. Nang makarecover na ko sa tawa. Umupo ako sa tabi nung lalake at nilagay sa dibdib niya yung samurai habang tinitingnan ang kuko ko. Takte kasi kanina nung nagtago kami sa halaman. Ang dumi kaya dun. Nagsalita na ko ulit.

"Sino ba kayo? Paano niyo kami nakilala at paano kayo nakarating dito?"

"Ako si Dex and this is my girlfriend Dhanetth. Kabatch namin kayo."

"Aaaaahhhh......" Sabay sabay na sabi namin. Medyo pamilyar nga ang mukha nila pero ang dami kaya ng sections ng 4th yr. Maalala ba namin lahat?

"Huwag niyo kami sasaktan please. Aalis nalang kami."

Nakikiusap na sabi ni Dhanetth at pinagdikit pa ang dalawang kamay. Kinalabit ako ni Leon at kumindat sakin. Tumango nalang ako. May binabalak nanaman tong loko eh. Kinuha niya yung babae at itinayo.

"Wait! Wait lang! Wait lang! Omg! Babe!" Yung lalake naman pilit na inaabot. How sweet. Pero di siya makapalag dahil inusog ko pa ng todo ang samurai ko. Akin na talaga to. Inaangkin ko na.

"Leon, Ella. Not now. We need to know what happened." -Tootsy

"Ella. Si kuya Ben." -Missie

"Oo nga pala. Sige na Leon." Napailing naman siya at binitawan si Dhanetth. Ibinaba ko ang samurai ko at ibinalik sa lalagyan. Ilang segundo ay nakarinig kami ng parang static sound. Saan naman yun galing.

"Dex....dex....nasa'n kayo ni Dhanetth. Clear na dito....Dex...."

Nabigla kami sa narinig namin. Isang parang matandang lalake ang nagsalita. Siguradong radio yun. Wokitoki. Anong clear pinagsasabi nun? Anong ginawa nila kela kuya Ben?! Hinila agad ni Jiro yung lalake at kinapkapan. Ganun din ang ginawa namin ni Tootsy sa babae.

"Here." Nakita ni Leon ang radio sa likod ng lalake. Nag-init na ang ulo namin. Siguradong galit na din si Tootsy kaya hinagis nito ang salamin niya at inagaw kay Kiko yung nail gun at tinutok sa babae. Halatang na-amaze nanaman si Leon sa ginawa ni Tootsy at mukhang mas na inlove pa. Selos ako kaunti. Si Miko ay kinuha yung axe na gawa ni Jiro sa gilid. Nagulat ako sa ginawa niya pero tumango lang siya sa akin. Bumalik na si Miko. Bumalik na ang Miko na kaibigan namin. Buti nalang. Nilabas ko ulit ang samurai ko at tinutok ulit sakanila. Kinwelyuhan ni Leon si Dex at itinaas.

"Missie." Sinenyasan ko si Missie para iakyat muna si Mica. Tumango naman ito at umakyat na sila. Si Leon ang sumagot sa nagsalita.

"Nasa'n si Kuya Ben?!" Nagulat si Dhanetth sa itchura ni Leon dahil ayan nanaman ang mata niyang nakakamatay.

"Ano?...Dex?!..." Sabi nung lalaki sa Linya.

"Nasa'n si Kuya Ben?!!" Itinulak ni Leon si Dex sa couch.

"Sino bang?-----Hoy! Nasa'n ang anak ko?! Sino ka?!" Nakarinig pa kami ng mga nagsasalita pero hindi malinaw.

"Leon.....Ayos lang kami...Ihatid niyo na yang dalawa dito." Parang hindi naman kapani-paniwala yung boses ni kuya Ben. Parang may problema eh.

"We're on our way." Sabi lang ni Leon at inihagis nito ang wokitoki sa upuan.

"Tara Ella, Kiko. Jiro, Tootsy, bantayan niyo yung babae." Kinuha ni Leon si Dex at hinila ito. Nagready na din ako.

"What??! No! Dex!! Ano bang ginagwa niyo?! Okay naman daw sila ah?!" Binigyan ko ng killer eyes ang babae akmang tatayo ito kaya hinawakan ni Tootsy sa dibdib, pinaupo ulit at tinutukan ng nail gun. Astig ni Tootsy ngayon ah. Tapang. Nakita kong may tumulong luha sa mata ni Dhanetth.

"Kung wala talaga silang ginawa babalikan ka namin dito at isasauli ka sakanila...Malas mo kung merong galos si Kuya Ben. Magagalusan ka din."

Lumabas kami ng bahay at iniwan na sila. Magmomotor kami kaya pumunta muna kami sa garahe ni Kiko para kunin ang motor ni Leon. Lumabas naman si Leon na tinututukan ng kutsilyo sa tagiliran ang lalaki.

-XX-

B/N : Woy may mangyayari?! Paktay! Mukhang madami mawawala sa next chapter. Nyaha. Lalala.

Rawr :] Zombie Kiss. :*

Beat d' UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon